Rea
Sunday ngayon at uwian na namin. Ang rami kong natutunan sa camp na ito, hindi dahil sa kailangan kundi dahil sa mga activities na may halong katatawanan at aral. Nasa labas na ako ngayon ng campus at hinihintay ko na lamang si manong driver para sunduin ako.
Yung tungkol naman kay Sir John, hindi ko pa nasisimulan. Busy kasi siya at alam kong hindi pa talaga siya sanay na pagiging teacher.
Inilabas ko yung cellphone ko at nakita ko yung text sa akin ni manong.
"Ma'am, sorry po dahil hindi ko kayo masusundo ngayon. Kasama ko po kasi ngayon ang inyong daddy at may pupuntahan pa kami."
*sigh* That's weird, I mean. May kotse naman si daddy at ang gusto niya ay siya ang magmamaneho sa kotse. Ayaw niyang magpahatid sundo sa driver kasi daw marunong naman siyang mag-drive.
Well, maghihintay na lang siguro ako ngayon ng taxi. Walang choice kasi.
"Rea, ba't nandito ka pa? Tanong ng nag-iisang mahal ko.
"Naghihintay lang po ng taxi." Ngumiti ako sa kanya.
~~~~~
"Rea. Ngumiti ka naman. Sige ka! Walang ice cream."
"Ang daya naman kuya John!"
"Hahah. Ang cute mo talagang bata ka! Ngumiti ka kasi, alam mo bang nagugustohan ka ng mga tao kapag palagi kang naka-ngiti?"
"Ha? Ayokong ngumiti sa kanila!"
"Bakit naman?"
"Kasi gusto kong ikaw lang ang nakakakita nitong ngiti ko."
~~~~~
"Ganoon ba?" Ngumiti din siya sa akin saglit.
"Kung ganoon, sumabay ka na lang sa akin alam mo namang ang hirap ng mag taxi ngayon at kung mapano ka pa."
Ngumiti ulit siya at kinuha na niya sa akin ang malaki kong bag at inilagay niya ito sa back seat. As always, gentleman siya masyado. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun. Umupo naman ako doon at tiningnan ko ng palihim ang kabuoan ng kanyang kotse habang siya ay naglalakad papunta sa driver seat. I miss his scent at ang mga corny niyang jokes na palagi ko namang tinatawanan everytime he tell it to me.
"Saan ba ang bahay ninyo?" Tanong niya bago kinabit yung seatbelt.
"Pwedeng sa park na muna tayo sir?" Nag babakasakali akong pagbibigyan niya ang hiling ko.
"Gusto ko na munang umihip ng sariwang hangin." Dagdag ko.
"No need to be so formal Rea. Hindi naman masyadong malayo ang edad natin. Pakituro na lang yung park na gusto mong puntahan." Nakita kong ngumiti siya at patuloy na nagmaneho dire-diretso.
Tumango ako sa gusto niyang ipahiwatig at itinuro ko naman ang daan sa parke na gusto kong puntahan lalo na't kasama ko siya. Saksi ang lugar na ito kung paano kami nagkakilalang dalawa.
~~~~~
Umiiyak ako noon dahil pinagalitan ako ni daddy. May isang lalaki na umupo sa bench na inuupuan ko. Gusto ko sana siyang paalisin kaso public place naman ito at hindi ko ito pag-aari.
"Sayo na lang ito oh!" Aya niya sa akin.
Basa ang mata ko noon kaya't hindi ko makita kung ano ang ina-alok niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala walang lason itong cotton candy. Gusto lamang kitang patahanin kasi umiiyak ka." Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ang mukha nung lalaki. Ang cute niya. Pero mas matanda pa siya sa akin.
Kinuha ko 'yong cotton candy na kulay blue at kinain ko ito.
"Kuya gusto mo?" Aya ko sa kanya. Harmless naman yung mukha at awra niya kaya kinuha ko in the first place yung cotton candy.
"No need to be so formal kiddo. Ako nga pala si John, anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.
Kumagat na muna ako bago nag-salita.
"Rea. Rea Fuentes."
Mula noon, palagi na kaming nagkikita ni John sa park. Nag-uusap ng kung ano-ano at naglalaro din paminsan-minsan.
~~~~~
"Rea." Tinapik ako ni John sa aking kaliwang pisnge.
"Huh?" Sagot ko.
"Natulala ka kasi. Ano bang iniisip mo?" Ikaw. Gusto kong sabihin kaso may pumipigil sa akin.
"Wala ito." Ngumiti ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan.
Nalanghap ko muli ang masimoy ng hangin na matagal ko ng hindi nakapiling kasama siya.
"Ang ganda naman pala dito." Kung pwede ko lang sabihin sa kanya agad-agaran, ginawa ko na sana.
Umupo ako sa bench na inu-upoan din namin noon. Ito na.
"Ang hirap talagang kalimutan ang isang tao." Simula ko.
Umupo din siya sa bench at tumingin sa mga batang nagsisitakbuhan. Hindi siya nag salita at ito ang naging senyales para ipagpatuloy ko ang aking sinasabi.
"Isang tao na karamay ko sa lahat. Palagi siyang nandyan para bantayan ako, alagaan, patawanin, patahanin at higit sa lahat maging totoong kaibigan."
Nilipad ng hangin ang aking buhok. Panira.
"Tapos yung pagkakaibigan niyo ay lumalim at naging pag-ibig. Hindi bilang isang magkatalik na kaibigan, kundi isang ganap na babae at lalaki." Pambihirang luha. Gustong lumabas sa aking mga mata. Huwag naman ngayon.
"Alam mo ba kung sino 'yon?" Tanong ko sa kanya at napatingin siya sa ibayo ko.
Huminga ako ng malalim bago sabihin ng harap harapan ang gusto kong sabihin para sa kanya."Alam mo bang---------"
"Excuse me Rea." Tumayo siya at naglakad papalayo sa akin kagaya ng ginawa niya noon. Ni hindi ko man lang nasabi ang gusto kong sabihin. May ibang pagkakataon pa naman diba? Hahah..
"I'm so sorry for that call, emergency lang kasi. So, where are we?" Bumalik siya sa pagkaka-upo at ngayon ay nakatuon ang kanyang atensyon sa akin. Hindi, nakatuon ang atensyon niya sa kung ano ang nais kong sasabihin.
Pumikit ako sandali at dinilat ang aking mga mata pagkatapos.
"Nako Sir John, tinawagan kasi ako ni mommy at nagtatanong na siya kung nasaan na ba daw ako. Ayoko namang magalit sa akin si mommy, kaya pwede po bang ihatid niyo na po ako sa aming bahay?" May ibang pagkakataon pa. 'yan ang mga katagang inuulit-ulit kong tinatatak sa aking isipan.
"Sige. Tara na sa kotse." Aya niya sa akin at kasabay nito ang pag-ngiti niya sa akin.
Tumango na lamang ako at sumunod na sa paglalakad. Inunahan ko siya at pumasok kaagad ako sa kotse kahit hindi pa niya ako pinagbuksan ng pinto. I'm tired.
Sinabi ko sa kanya ang address namin at sinalpok ko na sa aking teynga ang earphones. 'yon na yun eh! Panira naman kasi itong phone call. Wala ng distorbo. Wala ng aalis dahil kahit ano pa ang mangyayari, sasabihin ko pa rin sa kanya lahat.
BINABASA MO ANG
"Teaser and Insulter" |On Going|
Teen FictionShe is vulnerable, really straight forward. Pero pagdating sa isang lalaki na nagngangalang John dela Lliña ay nawawala ito. She really do admire this guy for four years in her life. But it turns out na bawal. Why? Because she's a student, and this...