Andrei's POV
It's Sunday at day off ko ngayon. I choose Sunday para naman makapagsimba din ako. Di man halata ay kinukumpleto ko talaga ang pagsimba pag Sundays. Dati kase may kasama akong kinukumpleto ang mga mass monthly. Pero dati yun.
It's been six years pero fresh na fresh pa din sa akin ang mga nangyari. She left me wounds that even I, a doctor can't heal.
Sa lumipas na anim na taon ay ginugol ko lang ang oras ko sa pagaaral. Hindi na ako nagattempt na manligaw uli or makipagdate. Yes at first naging tambayan ko ang bar but never have I ever na gumamit ng babae para lang makamove on.
Nung gabi na iniwan nya ako, pinuntahan ko sya. Andun lang ako sa labas ng bahay nila. Nagiintay na lalabas sya at mararamdaman ko ulit ang yakap nya. Pero ung maid lang nila ang lumabas at sinabing nakaalis na sya. I tried na hanapin sya, naghire pa nga ako ng tao. May nakapagsabi na nasa New York daw sya kaya kaagad ako nagbook ng flight. Pero para bang ayaw talaga kami pagtagpuin dahil pagkarating ko doon ay nakaalis na daw sya.
Napatingin naman ako sa backyard ng kapitbahay, masayang naglalaro yung mga bata. Napaisip tuloy ako, kung natuloy hung kasal namin siguro may mga bata na din gumigising sa akin sa araw araw. Tapos makukulit sila, tapos kambal pa sila.
Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko. Yun sana ang nangyari eh kaso eto ako nakatira sa magisa sa isang malaking bahay na walang kabuhay buhay.
~~~~~~~~~••••••••••••~~~~~~~~~
Nakasimba na ako at wala pa ako balak umuwi. Naisipan kong kumain magisa kaya naman nagmall ako. Siguro magogrocery na din ako. Wala na din naman akong stock sa bahay eh.
Habang nagdidrive ako ay biglang tumawag si chief kaya naman sinagot ko ito.
"Hey Doctor McKenzie have you heard?"
"What is it?" I answered in a bored tone. Wag kayo magalala magkavibes kame nitong si chief kaya para lang kame magkabarkada off work.
"Magkakaroon na ng bagong member ang pediatrics. And guess what it's a single lady" napatawa na lang ako sa sinabi ng doctor na toh, basta talaga babae eh.
"Oh tapos ako gagawin ko? Should I throw a welcoming party for her?" I said sarcastically
"That's a great idea Andrei, sige I'll tell the others. Tsaka this Wednesday na ang start nya. K got to na bye"
Langya neto niseryoso nga ang sinabi ko. Sino naman kaya ang bagong recruit sa department namin? Maganda kaya sya? Mabait? Hays stop thinking about it Andrei. Nagpark lang ako at pumasok na sa mall.
Ewan ko ba at napagtripan ko magjollibee. Bukod kase sa walang masyadong tao dito ay di ko na din alam bakit ako dito kakain. Pero namiss ko kumain dito, naalala ko nanaman na dito kame nagfirst date dahil sa wala na kaming choice nung mga panahon na yun.
Nagorder lang ako ng chicken at spaghetti tsaka Burger tapos naghanap ako ng upuan. Wala nga masyado tao sa counter wala namang vacant seat. May nakita naman akong upuan na may batang lalaki na nakaupo.
"Hi may nakaupo ba dito?Pwede makiupo"
"Wala po magisa lang po ako" pagkasabi nya nun ay naupo na ako. Dahil curious ako ay tinanong ko sya.
"Bakit magisa ka lang?"
"Kase po si titoninong tsaka yung sister ko may nakalimutan doon sa ocean park. Tapos ayun sabi nila wag daw ako aalis dito babalikan lang nila yun at babalik sila dito." mahabang paliwanag ng bata. Bakit naman sya iniwan dito? Hays
"Teka anong pangalan mo nga pala?"
"I'm Luis Andrew po. Kayo po?"
"Ako naman si Andrei Matteo but call me Tito Andrei ok?" Sabi ko at nagsmile sya. Binigay ko na sa kanya yung burger ko kase feeling ko nagugutom na sya. Sinubuan ko din sya ng chicken at spaghetti.
Madaldal din tong bata tong parang ako lang, andami na nga nyang nakwento sa akin. Like kakarating lang nila dito sa Pilipinas. According to him ay may kakambal sya na babae, at never pa daw nila namimeet ang daddy nila. Dahil sa nawili ako na kausap ang batang ito ay di ko na namalayan na sobrang tagal na pala namin dito. Kawawa naman kung tatambay kame dito tapos yung ibang customers walang maupuan.
"Luis gusto mo ba na sumama muna sa akin? Magogrocery tayo, ano tara?"
"Eh paano po pagbumalik sina titoninong?"
"May number ka ba nya?" Agad naman nyang kinuha ang maliit na notebook nya sa bag nya at tiningnan iyon. Pinakita nya sa akin ang number at sinave ko iyon.
Tinext ko ung so called titoninong nya na kasama ko ang bata at wag syang magalala at I text na lang ako paguuwi na sila.
Nagpunta kame ng grocery para mamimili ako ng stock ko sa bahay. Bumili na ako ng good for 2 weeks dahil sa medyo busy ako sa hospital ay baka maging pang 3 weeks pa yun. Nang masigurado kong wala na akong kailangan ay tinanong ko yung bata.
"Luis may gusto ka ba?"
"Uhmm chupa chups na lang po tsaka po pwede po bang dalawa?"
"Uhm sige haha para ba sa sister mo yung isa?"
"Opo" kaya naman hinayaan ko syang kumuha ng chupa chups at nang makakuha na sya ay binayaran ko na ang mga pinamili namin. Inaya ko muna syan ilagay ung mga pinamili ko sa kotse at para walang bitbitin habang gumagala kami.
Bumili ako ng ice cream at tigisa kame. At unexpectedly parehas kame ng favorite na flavor. Rocky Road. Nakita kong medyo may mga tulo tulo ng ice cream sya kaya naman pinupunasan ko yun. Hays, kung may anak lang siguro ganito kami ngayon.
"Talaga bang di nyo pa nakikita ang daddy nyo? Kahit sa picture man lang?"
"Opo, ayaw po kase sabihin sa amin ni mommy kung sino eh. Gustong gusto na nga po sya mameet para naman po may makakalaro po ako at may kasama po akong gawin yung mga ginagawa ng mga batang may tatay"
"Bakit wala ka bang mga tito?"
"Oo nga po may dalawa po akong tatay tatayan. Ung kapatid ni mommy at best friend nya. Pero iba pa din po kase pag yung tatay talaga ih"
"Kung gusto mo tawagin mo kong daddy" sabi ko at ginulo ang buhok nya
"Talaga po????? Sige po sige po daddy"
Gumala pa kami dahil nga gusto daw nya na maranasan magkaroon ng daddy. Nagarcade kami dahil gusto saw nya yung transformers na action figure. Andami namin nalaro, halos ata lahat ata nalaro nanamin ihh. At nung sakto na yung mga tickets namin ay nakuha nanamin yung action figure.
"Wow thank you po daddy"sabi nya at ginulo ko lang ang buhok nya. Napatingin naman sa amin yung cashier.
"Ang cute nyo naman pong magama"
"Erhmm.... Thanks? I guess" after that lumabas na kame. Nagulat naman kami ng may biglang lumapit na batang babae sa kanya. I guess ito yung kakambal nya?
"Kuya tara na daw may kausap lang si tito ninong. Sino sya?" Sabi ng kakambal nya at itinuro ako.
"Sya si daddy, daddy sya naman po si Mikyla Janella"
"Eh? Daddy??"
"Sabi nya pwede ko daw sya tawagin na daddy ih"
"Hi po nice to meet you po, I'm Mikyla po" sabi nya at nagsmile sya sa akin.
"You can call me daddy din kung gusto mo"
"Sige po sige hihi daddy. Uhmm daddy mauna na po kami kase nagiintay na po sa amin si titoninong. Till next time po babye"
"Babye I'll see you both next time" tapos umupo ako para makapantay sila at hinalikan nila ako sa pisngi ko bago sila umalis.
Nang makalayo na sila ay naglakad na din ako palabas. Ito na ata ang pinakamasayang day off ko. Siguro kung nagkaanak ako mga kasing laki na nila. Hays sayang di man lang ako nakapagpapicture sa kanilang dalawa, but I know magkikita at magkikita pa kame.
BINABASA MO ANG
This Time
RomanceWas having the twins enough, for them to find a way back into their love?