Chapter 6: Ketchup

77 7 0
                                    

>>>>> WARNING<<<<
*HINDI ITO EDITED SO SORREH OKEH? SORREH*
*NACOCORNIHAN AKO I DO HOPE NA SANA KAYO HINDI HAHAHAHA. BIGYAN NYO NAMAN AKO NG FEEDBACKS PLES HIHI* 

Isha's POV 

As soon as natapos ang shift ko ay nagayos na ako ng gamit at nagready para umuwi. Maghapon ko ding di nakikita ang mga bulingit. Bibili pa nga pala ako ng pizza, lagot ako sa dalawang yun pag di ako nakabili. 

Dumiretso na ako sa isang pizza parlor at umorder ng dalawang box ng ham and cheese pizza. Ayaw kasi namin sa hawaiin although kinakain din namin yun, yun nga lang inaalis namin yung pinya. Siguro lahat ng kawierduhan ng kambal namana sa akin, promise. 

Nang malapit na ako sa village namin ay muntik ko na makalimutan ang main course namin pagkumakain kami ng pizza. TOMATO KETCHUP. Mabuti na lang may 711 sa may kanto kaya dumaan muna ako saglit at bumili ng ketchup.

"I'm Home!!!" 

"MOMMY!!" - sigaw nila at naguunahan pa sila na pumunta sa akin. Miss na miss ako eh hahaha. 

"Aigoo, kamusta naman ang mga baby ko? Mababait ba sila habang nasa work si mommy?" sabi ko tinadtad sila ng kiss.

"Nako hija, mababait naman yang mga yan mahirap lang paliguin. Jusko mahigit isang oras yata kami naghuhulihan." 

"Kayo hah, wag nyo pahihirapan yang si Manang sige kayo walang magaalaga sa inyo."

"Opo mommy sorry po, sorry din po manang hihi" 

Nakita nila yung mga bitbit ko at kitang kita ko din sa mga mata nila ang kinang. Antatakaw talaga ng mga toh, manang mana sa pinagmanahan tsk tsk.

"Oh here ang pasalubong ni mommy, give some to them hah" 

"Yes mommy"

Tapos kinuha na nila iyon na nila sa akin yun at nagtatakbo sa kusina. Aba talaga yung dalawang yun. Nagpaalam muna ako kay manang na magbibihis muna bago ako sumalo dun sa dalawang patay gutom. Joke lang HAHAHAHA

  ~~~~~~••••••••••••••~~~~~~ 

Nung makapagayos na ako ay bumaba na ako at nakijoin sa kanila.  Actually yung ketchup lang talaga habol ko eh. Isang slice lang ng pizza kinain ko tapos papak na lang ketchup. Napatingin ako sa bote ng ketchup at di ko alam kung mabibitter ba ako or matutuwa eh. Hayst


>>>>> Flashback<<<<<< 

"Saan ba kasi tayo pupunta hah?", nakakailan na syang sabi nan sa akin. Basta ko lang kase siya hinila tapos sinabi ko may pupuntahan lang kami. Aba nagcacrave kase ako sa something na may ketchup ihh.

"Eh basta samahan mo na lang ako. Half day naman kaya no worries sa attendance natin oke?" 

"Hayst bahala ka nga basta wag yan kalokohan hah"

"Oo naman yes, good girl kaya si ako" tapos nagsmile ako sa kanya. Pang- assurance lang hihi.

Hinila ko lang sya ng hinila hanggang sa makarating kame sa gusto ko puntahan. Waahhh Mcdo. Nagtatakbo na ako papasok at hindi ko na pinansin na iniwan ko na lang bigla si Andrei sa labas.

"Uhm 2 bff fries po, with lots of ketchup" sabi ko dun sa counter. 

"Aray naman" toh kasing kumag na toh bigla na lang nangbabatok.

"Matapos mo kong hilahin hanggang dito, iiwan mo lang ako dun sa labas ganun?" sabi nya ng na masama ang tingin sa akin. Nagpeace sign na lang ako hihi

Inirapan nya lang ako tapos naghanap na ata yun ng upuan. Hmp bakla pa ata ampots, sayang fafa pa naman yun. Dumating na yung order ko at nakita kong kokonti lang yung ketchup, pero dahil cute ako nagdemand pa ako for more *0*. Buti nga ay binigyan ako kung hindi jojombangin ko yun grrr..

"Uhm... What are you doing?" sabi nya na parang nawiwierduhan sa akin.

"Nakikita mo ba tong mga number na toh?" tapos pinakita ko sa kanya yung number dun sa may ketchup. Tumango naman sya.

"Eto yung intensity ng asim nung ketchup at gusto ko maitry lahat hihi" binigyan nanaman nya ako ng nawiwierdohan na tingin. Bakit ba? Sa nageenjoy ako eh.

Isa isa ko binuksan yung bawat pack ng ketchup mula 1 hanggang 10. Tapos isa isa ko sila tinikman. Eh? Bakit ganun? Pare parehas naman eh T.T

"Oh ano pare-parehas naman ang lasa nan diba?"

"Wahhhh kakalbuhin ko talaga si kuya sya ang may sabi na magkakaiba daw ih"

"Hahahaha, yan kase eh uto- uto"

"Che!!!"

Inirapan ko lang sya at ang ungas tinawanan lang ako. Bahala sya dyan basta ako uubusin ko tong foods. Nyam nyam hihihi

"YAHHHHH" arghhh bakit ba kasi tong kumag na ito ang nahila ko. Grrr, kakalbuhin ko toh eh.

"Rudolph the Red-Nosed Reindeer had a very shiny nose ~~" tang---

"Bwiset ka!! Gigil mo si ako hah" inis na sabi ko. Kase naman, nanahimik akong kumakain ng dito tapos bigla na lang magpapahid ng ketchup sa ilong tapos kinantahan ako ng Rudolf the red nose reindeer.

"Ang laki talaga ng tililing mo noh"

"Woah nagsalita ang walang tililing HAHAHAHA" 

Oo inaamin ko malakas din sapak ko. Pero sinong matinong tao ang tatawag ng alas dos ng umaga kung saan kasarapan ng tulog mo at magtatanong nang 'Bakit double U ang tawag sa W bakit hindi na lang double V?'  o kaya naman ay 'Ang lason ba pagnaexpired nakakalason pa din?' .  Kung legal nga lang ang pagsasalvage eh jusko po.

 Inubos namin yung fries at syempre di mawawala dun ang pagkukulitan. Aba syempre kailangan ko bumawi sa kanya. Then nung naubos na namin ay nagpahinga lang kami ng konti then umalis na kami dun. Kawawa naman yung ibang costumer na walang maupuan eh.

"Adik ka talaga sa ketchup noh?" 

"Bakit ba masarap kaya" sabi ko at pinapak uli yung ketchup. Bakit ba masarap magpapak ng ketchup ng Mcdo eh.

"Penge nga ako isa tatry ko" sabi nya at nilahad nya kamay nya. Binigyan ko naman sya ng isa at pinapak nya nga yun. At mukha namang nasatisfied ang lolo nyo. HAHAHAHA

"Penge pa" 

"Aba, bahala ka dyan humanap ka ng sayo. blehh" sabi ko at binelatan sya at nauna na akong lumakad sa kanya.

Alam kong sumusunod sya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Nung nararamdaman ko na ang presensya nya at tumakbo na ako. Aba ang ketchup ko ang nakakasalalay dito. Kaso nga lang masyado mahaba ang biyas nya at di ko na namamalayan at nasa likod ko na sya ang likod ng colar ko. 

"Penge na kase"

"Ayaw ayaw ayaw" sabi ko at patuloy na umiiling. Dahil nga ayaw ko sya bigyan ay sya na ang kumuha sa bulsa ko ng pwersahan. Syempre di naman ako papayag na ganun ganun na lang yun kaya nagpaikot ikot pa ako para di sya magtagumpay. 

Kaso nawalan ako ng balance kaya muntik na akong mabuwal. Nakapikit na ako at iniintay na saluhin ako ng sahig kaso wala akong naramdam bangkus para akong nakalutang. Pero pagmulat ko ang kanyang brown eyes ang una kong nakita. 

Our gazes met and it's like time was frozen in that moment. And even I, myself was frozen. I couldn't look anywhere besides his brown eyes. Our faces are inches apart and I could almost feel his breath. I could hear my heart beating louder and faster, I hope he didn't. 

>>>>>End of Flashback<<<<<< 

Kundi dahil sa ketchup hindi kame maghahabulan. Kung hindi dahil sa ketchup hindi ako mawawalan ng balanse. Kung di dahil sa ketchup di nya ako masasalo at hindi din sana ako nagayuma ng mga mata nya. Pero kung hindi nangyari ang mga yun, magiging ganito kaya ang sitwasyon natin ngayon?







This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon