Isha's POV
After six years.....
Kahit na medyo inaantok pa ako ay nagpilit ako magising dahil may nararamdaman akong humahalik halik sa buong mukha ko. Pagmulat ko nakita ko ang dalawang makukulit na panay ang halik sa akin.
"Mommy gising na,we're going to be late ihhh" sabi sa akin ni Mikyla at nagpout pa. Aba to--
"Oo nga mommy miss ko na sina titodaddy" sabi naman ni Luis. At pinagtulungan ako ng dalawang toh hilahin para makabangon na ako. Hays wala na akong nagawa dahil sa kukulit ng mga anak ko.
Masyado silang excited eh mamaya pa namang gabi ang flight namen. Wala nanaman kame masyado aasikasuhin dahil nga sa excited ang dalawa kong chikiting, nung isang araw pa handa ang mga gamit namin. Galing noh? -_-
Ngayon ang uwi namin ng Pilipinas. Matagal tagal na rin since ung last namin na uwi. Sa Pilipinas ko ginusto na ipabinyag silang dalawa kaya dalawang buwan pagkatapos kang manganak ay umuwi kame para lang mabinyagan silang dalawa. Binalak ko din noon na ipakilala sila sa kanilang ama, pero nung time na yun ay siya naman daw ang nasa ibang bansa kaya di na natuloy.
Sa Pilipinas din nagfirst birthday sina Mikyla at Luis, request kase yun ng mga magulang ko at especially ng kuya ko. Wala naman na ako nagawa dahil sila naman ang gumastos kaya pumayag na ako. Di na ako nagattempt this time na ipakilala ang kambal sa kanilang ama dahil naisip ko din ang mga posibleng mangyare. Paano na lang kung kunin nya sa akin ang kambal? Di ko naman ata kakayanin yun kaya mas minabuti ko nang itago ang kambal.
At ako naman well isa na akong licensed pediatrician. Itong field ang pinili ko dahil para na din maalagan ko ang mga anak ko. Lalo pa at may hika si Mikyla at si Luis naman ay allergic sa bagay bagay. At kaya kami uuwi ng Pilipinas at para doon muna ako magtrabaho. Eto kase yung matagal nang offer sa akin ni papa pero tumatanggi ako, pero ngayon pumayag na ako. Kahit naman papaano at gusto kong magtrabaho sa aking bayang sinilangan.
"Ano oras ng baba nyo mamaya?" yan ang text sa akin ni Chad. Nagreply lang ako ng oras ng baba namin ng eroplano dahil panigurado at sya ang susundo sa amin.
"Mommy let's eat breakfast na come on" aish minsan talaga napapaisip ako kung bakit masyado malakas magpalahi ang ama nila. Andami nilang similarities maga-ama. Gaya ng pagka-mainipin, bipolar at abnormal ng dalawang yan.
"Mommy what time ba tayo pupuntang airport. I'm really excited na umuwi" hay nako kahit kelan talaga napaka atat netong si Mikyla.
"Mamaya pang mga 4pm baby ok? Chill lang 9 am pa lang oh" sabi ko kaya medyo nagpout naman sya. Aww ang cute talaga ng anak ko manang mana sa kanyang ina at ako yun hihi.
"Mommy mamimeet na po ba namin ung daddy namen?" medyo natigilan naman ako sa tinanong ni Luis. Para bang naputulan ako ng dila dahil di ko alam kung ano ba dapat ang sabihin sa kanila. Natatakot kase ako sa mga posibleng mangyare. Knowing Andrei, alam kong galit sya sa akin dahil sa pangiiwan ko sa kanya at baka di sya maniwala na sya ang ama nina Mikyla at Luis.
"Uhm baby diba napagusap nanaman natin yan? Di pa kase ito yung time para makilala nyo siya. Pero soon mamemeet ninyo sya."
~~~~~~••••••••••••••~~~~~~
After so many hours nakarating na din kame dito. Hays, napakarami kong memories dito. Inintay na lang namin ang bagahe namin at kaninang kanina pa ako tadtad ng text nina Chad, Miranda at Kuya. Jusko if I know gagambolin lang naman nila ang kambal. Lalo si kuya ang hilig sa bata pero ayaw nya gumawa ng kanya. Nakakapaisip nga minsan kung lalaki ba talaga yun ihh. Mas maarte pa yun sa akin, seryoso
-_-.Pagkalabas namin bumungad ung napakalaking banner na may nakalagay na Welcome Home Dr. Jerisha and kids. Hays mga gago talaga tong mga toh. Agad na kame lumapit sa kanila at si kuya at Miranda naman ay kanya kanyang pasan sa kambal.
"So kamusta naman ang mga paborito kong pamangkin?"
"But titoninong kame lang naman ang pamangkin mo ah" pfft may pagkasavage din tong si Mikyla eh. Nagpapout naman si kuya, yak kala mo naman ang cute nya.
"Wow hah mga anak ko talaga una ninyong sinalubong ah"
"Bakit gusto mo buhatin din kita?" muntik na ako masamid sa sarili kong laway. Siniko ko nga si Chad, at nakita ko naman na nagtawanan yung apat.
"Aish tara na nga at alam kong pagod kayo at inintay ka na din ng magulang mo Ish" kaya ayun nagpunta na kame sa sasakyan at pumunta nang bahay.
Pagkarating namin sa bahay, same as always wala pa naman pinagbago ang bahay namin. Pagkapasok naman namin ay sumalubong sa amin sina papa at mama. Mga excited din makita ang mga apo. Hays buti pa yung kambal excited nila makita, paano naman ang bunso nila? :<
"Oh buti naman at nakarating na kayo"
"Nako ma yang dalawang yan jusko nung isang araw pa gustong gusto umuwi."
"Haha yaan mo na nak ganun talaga mga bata. Oh sya sige pumunta na kayo sa kwarto ninyo at magpahinga"
Kaya umakyat na kame para nakapaglinis ng sarili namin at makapagpahinga na din. Sinabi ko na lang kina Mama na sa kwarto ko muna kami at saka na lang humiwalay kung kelan nila gusto.
Tumabi na ako sa kambal ako at kahit pagod ay hindi ako makatulog. Pinagmasdan ko silang dalawa, di talaga maipagkakailang mga McKenzie sila. Hinalikan ko sila sa noo nila at napangiti na lang ako.
Actually di ko naman talaga ineexpect na kambal ang magiging bunga ng pagmamahalan namin. Like duh we only did that 'thing' once, tapos yung once na yun nakabuo ng kambal. Noon din naisip kong ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko dahil pinanghihinaan ako ng loob. Pero buti na lang at andyan ang pamilya ko at sina Chad at Miranda.
Pinalipad nila ako sa New York at doon ako nanatili. Tuwing special occasion ay lumilipad sila at dinadalaw ako. At nung nabalitaan nilang kambal ay sobra ang saya nila. At tsaka di din madali ang pagbubuntis ko kasi napakaselan. Buti na nga lang naging normal sila eh.
Madalas na ang sumasama sa akin sa New York ay si Miranda at Chad, minsan kase andun yung work nila. Nung naglilihi ako silang dalawa yung nahirapan dahil nga sa alien yung ama nung pinagbubuntis ko, mga medyo alien foods din ang mga hinanap ko. Dahil nga sa laki ng hirap nilang dalawa ay silang dalawa ang kinuha kong ninang at ninong. Syempre pati na din ang kuya ko baka kase makaiyak, isumbong pa ako kay mama. De joke lang.
Di ko na namalayan na dinalaw na ako ng antok. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa nakatulog na nga ako.
Author's Note:
Yey chapter one done hihi. Tell me your thoughts please :< kamsamnida ●0●
BINABASA MO ANG
This Time
RomanceWas having the twins enough, for them to find a way back into their love?