Chapter Thirty Three

1.3K 41 5
                                    

Chapter Thirty Three: Fashion Show


Lahat ng maaring pwedeng gamitin ay maayos nang nailagay sa pick up truck ang mga gagamitin for the program. Isa isa na ring nakokompleto ang mga models at lahat ng involoved.

"K, tara na!" Vice shouted.


"Wait---oh sige, kita kits tayo mamaya, ingat! sige, babush!" Pagpapaalam ni K sa kausap sa telepono. Naguluhan naman dito si Vice.

"Who's that?"

"Christian," Tipid na sagot ng dalaga at pumasok sa kotse ni Vice.


"Christian, Christian, Christian. Tsk," Bulong ni Vice at umirap. Padabog nyang sinara ang pintuan at inistart ang engine.



Hindi pa nakakaalis ay biglang nag ring ang phone nya... a call from Paulo. Napa look away si Karylle dahil sa nakita.


"Yes babyboy? ...hindi na, sabay kami ni K babyboy. Oo, okay lang ... sige, mamaya. Ingat ka baby, harot! Hahaha, oh sige. Mas love kita noh!!" Malanding pagkausap ni Vice na nobyo na kinaiinis ni Karylle.



"Mas love kita noh!"

"Ingat ka baby, harot!"

Pag gaya nya at umirap pa.


"Tara na," Vice said at nagsimulang mag drive. Tahimik lang ang dalawa dahil hindi naman nya maikakailang kinakabahan sila.


"Huy, tahimik mo ah," sabi ni Vice.


"Paano kapag hindi nila nagustuhan? Paano kapag hindi sila na satisfy? Paano Vice kapag---"



Natigil si K sa pagsasalita ng biglang ilagay ni Vice ang daliri nya sa lips niya. Traffic sa labas kaya naka stop sila.



"Kapag nag isip ka ng negative about our fashion show, mas malaki ang chance na pumalya 'to. Just think na magugustuhan nila, let's claim it, gurl."



Tila nabuhayan naman ang loob ni Karylle sa pangch-cheer up ni Vice. "Tama..Thank you," Nahihiyang sagot nya.


"Hay nako, malapit na tayo. Malapit na rin sila mamangha sa show at designs natin," Sabi ni Vice na nagd-drive.



"Malapit na rin matapos ang lahat ng pinagsamahan natin..." dagdag ng dalaga sa isip nya bago magpakawala ng malalim na sigh.

......................................................................

Magsisimula na ang program at nagbibihisa na ang models. Busy ang lahat, even Karylle and Vice na nagwe welcome sa mga bisita.





Ayos na ang lahat..



































Pwera sa isa..

"Vice, K!! Di raw aabot si Paulo, nagka problema kasi tyan nya tapos ngayon palang sya aalis at magsta start na 'to in 5 minutes," Balita ng humahangos na si Vhong.


"What?!!" Stressed na tanong ng ViceRylle.



"Maghanap agad kayo ng kapalit! 5 minutes nalang start na! Bakit ngayon nya lang sinabi?!" Sigaw ni Vice, as if di nya boyfriend ang may kasalanan. Mainitin talaga ang ulo nya lalo na sa mga palpak trabaho.




"Ginagawa na nila, sige, punta muna ako dun. Goodluck, Vice, K." Before he leave ay nagbeso sya kay Karylle na ikinataas ng kilay ng binata(?).



The One | ViceRylle Where stories live. Discover now