Chapter Thirty Four

1.3K 46 5
                                    

Chapter Thirty Four: I love you

"Masaya ka ba?" He asked me.

Nandito kami ngayon sa happy place namin, gabi na at kitang kita na ang city lights mula sa pwesto namin.

"Oo," Basta't nasa tabi kita, masaya na ako. I replied.

"Ako rin, sobrang saya ko." Plain na sabi nya sabay tingin sa kamay ko. Bigla nya itong hinawakan at initertwined ito. Nakaramdam nanaman ako ng kakaiba sa sistema ko, ayoko nito pero nagugustuhan ko na rin kinalaunan. Ang sarap mainlove, kahit pa di naman ako sigurado sa nararamdaman niya sa akin.

"Ang bilis ng 3 months noh? Parang kelan lang, magkaaway pa tayo." Sabi ko naman while directly looking at our hands.

"Kaya nga eh...parang ayoko na bumalik sa dating buhay ko. Nasanay na ako, eh." Sabi nya. Nakatitig rin sya sa kamay namin.

"Ako rin,"

"Pero di naman pwede, we have our jobs. We need to, kasi resposibilidad natin yun. Nahihiya na rin ako kay Vhong kasi sya muna ang pinag manage ko while I'm away," I said.

"Bakit kaya yung mga bagay na mali, lagi nating ginagawa?" He randomly asked. I got puzzled.

"Like what?"

"Like this," He's reffering to our hands.

"And this," Sabi nya pa and he kissed my hands while it's intertwined by his hand.

"At eto." Inilagay nya sa bandang puso nya ang kamay namin. Mas lalo akong umaasa.

"Wha...what do you mean?" Kinakabahang tanong ko.

"May beer pa ako dyan sa kotse, inom tayo? for our success?" Pag iiba nya ng topic. Bumagsak naman ang balikat ko ng hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Siguro wala talaga.

I nodded kaya madali syang pumasok sa kotse nya at nilabas ang paper bag. "I always have this, kasi anytime, feeling ko malulungkot ako.." Vice explained. Wala naman akong nagawa kundi tumango lang.

"I can relate, alcohols let you escape reality for a while," Pag hugot ko.

"Wow, K, hugot."

"Because life is fucked up. Society is fucked up. Everything's fucked up." Mariing sagot ko at ininom deretso ang beer. Masakit sa lalamunan kaya napapikit ako ng mariin.

"Oo, fucked up pero may mga magandang side ang society, life at iba pang mga bagay, mas nakatuon lang ang pansin natin sa mga mali kaya yun ang alam natin. Na everything's fucked up."

He never fail to amaze me.

I again drink the beer on my hand. Nagulat naman si Vice dahil naubos ko agad ang unang bote. Isang bote palang kaya hindi pa naman ako lasing, confident akong kumuha ng isa pang beer sa lalagyan at binuksan ito.

"K, take it easily."

"I'm sorry," Paumanhin ko.

Hindi mo nga pala alam ang problema ko ngayon. I almost said, buti napuruhan.

"Karylle---"

"Hmm?" I cutted him off. Tinungga ko ang buong beer, di pa naman ako malalasing sa dalawang sunod. Yun ang akala ko.

Halos umikot ang paningin ko, I'm not yet drunk, I'm tipsy. At ganun lang kadali yun? Ang hina ko talaga sa inuman.

Minutes passed at puro kwentuhan lang kami, iinom, kwentuhan hanggang sa naka 4 na beer na ako. Alam kong lasing na ako pero alam ko pa ang ginagawa ko.

The One | ViceRylle Where stories live. Discover now