Aksidente, Kamatayan

11 0 0
                                    


Lue's Pov:

Haaaaaaaaaaaaaaaaaayyyy!!!

Araw ng sabado.

Nasa labas ako ng bahay ko ngayon at nagpapahinga. Kakatapos lang kasi ng side line ko doon sa aking pinagtrabahuhan. Sumasakit pa nga ang katawan ko eh.

3:30 pm palang ng hapon, kaya may oras pa ako para mamalengke. Bibili ako ng sahog.

Matapos ang ilang sandali ay nagdesisyon na akong pumunta sa pamilihang bayan.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay para magpalit ng damit.

"Lue? Tao po!"

Rinig kong sigaw ng isang tao sa labas ng aking bahay.

Dali-dali kong isinuot ang aking t-shirt bago lumabas at usisain kung sino ang humahanap sa akin.

"Oh Caloy? Bakit?"

Tanong ko rito noong lumabas na ako ng bahay.

"Mukhang may pupuntahan ka ata bro?"

Usisa nito sa akin, tumango lang ako bilang sagot.

"Papunta ako sa palengke mamimili"

"Ah ganun ba?... Kung ganoon pwede bang sabay na tayo. Doon din punta ko. Yayayain sana kita para samahan ako pero hindi na pala kailangan."

Sabi nito.

"Tara na"

Yaya ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

Malapit lang naman ang pamilihan, kaya agad kaming nakarating ni Caloy sa palengke.
Lakad nga lang kaming dalawa eh.

"Ate! Kuya bili na kayo sariwa yan!"

"Oh eto bagsak presyo!"

At gaya ng isang normal na palengke, napupuno ang buong paligid ng ingay. Mga tindera't tindero na iniindorso ang kani-kanilang produkto.

"Ano nga pala ang bibilhin mo Caloy?"

Tanong ko sa aking katabi habang abala ako sa pagtingin ng saging.

"Bibili ako ng gulay pang-ulam mamayang gabi."

Sagot nito na abala naman sa pagkilatis ng mga gulay.

Pareho na kaming naging abala sa aming mga ginagawa kaya hindi na kami nagkausap pa.

Matapos ang ilang libong taong pamimili ay sa wakas ay tatahak na kami pauwi.

Pareho kaming may mga dalang supot ng aming pinamili.

"Naku! Ayaw ko talaga patulan yung si Marie......ang arte nun eh!"

Kwento sa akin ni Caloy......nagkwekwentuhan kasi kami ngayon pauwi. At ang topic nga eh si Marie.....

Yung babaeng may gusto sa aming dalawa ni Caloy. Ayos din yun eh ahaha patay na patay sa amin. Pero di pwedeng dalawa kami ahahaha.......

Pero sa totoo ayaw ko talaga sa babaeng yun!! Napaka-arte!!

"Ahaha....alam mo may narinig akong tsismis!"

"Ano?"

Tingnan mo toh! Chismoso ang loko.

"May nakapagsabi na pokpok daw iyang si Marie! Iba-ibang lalaki kasama sa motel!"

Kwento ko naman na ikinalaki ng mata niya.

"Kaya naman pala! Lagi kong nakikita na iba-iba ang kasamang lalaki!"

The Crazy Adventure of LueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon