Purgatoryo?,Second Chance?

20 0 0
                                    


PURGATORYO? SECOND CHANCE?

Lue's Pov:

Panaginip lang ito diba???

Hindi pa ako patay!!!

Marami pa akong gustong gawin! Ayaw ko pa!

"Ha! Nagbibiro ka lang! "

Sagot ko sa taong nakatayo sa harap ko.

Napabuntong hininga sya at muling naupo sa kanyang upuan.

"Hay naku....ganito na lang ba palagi pag may napupunta dito? Haist"

Tila nayayamot nitong sabi at napapakamot pa sa kanyang batok.

"Patay ka na Lue......."

Sabi niya muli.

"Hindi pa ako patay! Naglalakad pa nga kami ni Caloy pauwi eh! Baka naman kinidnap niyo ako!"

"Aish!! Nakakairita naman oh!"

Yamot na sabi nito, tapos may kinuha siya sa isang sulok.

Isang bolang kristal.

Agad napataas ang kilay ko.

So manghuhula naman siya ngayon?

"Oy! Manghuhula ka noh! Naku naman hindi ako naniniwala sa mga ganyan eh! Sige na aalis na ako!"

Sabi ko rito at tumayo na sa aking kinauupuan.

"Ang kulit mo.....maupo ka nga!"

Inis niyang sabi at parang naging sunodsunuran naman ako at naupo akong muli sa aking upuan.

"Sinasabi mong buhay ka pa.....pero patay ka na talaga.....saglit na nawala ang alaala mo noong namatay ka. Hindi ka ba nagtataka na ang naaalala mo lang eh yung oras na naglalakad kayo ng kaibigan mo pauwi?"

Sabi nito.

Oo nga ano.......

Yun lang ang naaalala ko.....yung oras lang na iyon.

Hindi ko maalala kung nakauwi na ba kami.

So patay na ako???

Wait!!

Baka naman pinaglalaruan lang ako ng taong toh.

"Maniwala....."

Muli itong napabuntong hininga.

"Ok, para maniwala ka........gagamitin ko ang bolang ito para makita mo ang mga nangyare. "

Sabi niya at pinalutang ang bola....

Waw!! Paano niya nagawang palutangin yun???

Ah!! Baka gumagamit lang siya ng ilusyon!!

Oh baka naman may naka attach na tali doon sa bolang kristal.

Hinawi ko ang taas ng bola pati na rin ang ilalim pero walang tali.

Paano niya nagawa yun??

"Anung ginagawa mo ha?"

Tanong nito noong mapansing hinahawi-hawi ko ang itaas at ibaba ng bola.

"Baka kasi may tali....malay ko bang magician ka rin."

Sagot ko sa kanya at napa sampal na lamang ito sa kanyang mukha.

"Panoorin mo na nga lang yang nasa bolang kristal!"

Inis niyang utos.

Tiningnan ko siya ng masama at inirapan bago ipinokos ang atensyon sa bola......

The Crazy Adventure of LueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon