Saan sa Bibliya ang "Katoliko" ?

57 2 0
                                    


Siguro marami nang nagtanong na mga ibang sekta sa inyo ng ganitong tanong. kung tutuusin, walang salitang "katoliko" sa bibliyang Ingles at Filipino. Hindi dahil hindi ito biblikal, kundi ang salitang "katoliko" or "catholic" ay hindi salitang ingles at filipino, kundi isang salitang "greek" o griyego. So COMMON SENSE nalang, bakit mo hahanapin ang isang greek word sa translation ng ibang wika? 

So kung gusto natin hanapin ang salitang "Katoliko" sa Bibliya, hanapin natin to sa Griyegong Translation ng bibliya, at ang griyegong translation ng bibliya ang pinka-"accurate" at unang translation sa lahat ng translation from Hebrew kung saan ito unang naisulat. 

Pupunta tayo sa ACTS 9:31 

"31 Meanwhile the church throughout Judea, Galilee, and Samaria had peace and was built up. Living in the fear of the Lord and in the comfort of the Holy Spirit, it increased in numbers." 

Yan ang Ingles na translation ng Bible, ngayon tignan natin ang Greek kung saan ito ang pinaka-"accurate" na translation sa lahat. 

Act 9:31 Αἱ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ᾿ ὅλης τῆς ᾿Ιουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχον εἰρήνην οἰκοδομούμεναι καὶ πορευόμεναι τῷ φόβῳ τοῦ Κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ῾Αγίου Πνεύματος ἐπληθύνοντο.

gamit ang mga lettra ng alphabeto: 

ACTS 9:31 "He men oun EKKLESIA KATH'OLES tes Judaias kai Galilaias kai Samarias eixon eirenen oikodomoumenai kai porenomenai to phobo tou Kyriou, kai te paraklesei tou Hagiou Pneumatos eplethunonto."

tignan natin ang parteng "EKKLESIA KATH'OLES" o sa Ingles ay "The church throught".

Ang salitang "Katoliko" / "Catholic" / at "Kath'oles" ay may iisang kahulugan, ito ay "Universal" o "throughout" o "sa lahat" 

So nasa Bibliya ba ang Simbahang Katoliko? ang simpleng sagot ay "Oo". at ito ay base sa pinakauna at pinaka"accurate" na translation ng Bibliya, ang Greek Bible. 

mark 11:17" ang aking tahanan ay tatawagin ng 'lahat ng Bansa"

1 tim 3:15 "ang aking tahanan ay tatawaging bahay dasalan ng LAHAT NG BANSA"

Dito makikita na tatawaging "universal" or "sa lahat" or  "Kath'oles" ang tunay na Simbahan.

Bakit ikaw at ako ay KATOLIKOWhere stories live. Discover now