Ngayon, marami din sigurong nagtatanong kung nasaan sa Bibliya ang pinaka importanteng tradition ng simbahang katoliko, ang "Eucharist" sa "Misa" or "Mass".
Madami na rin siguro ang nagtatanong kung nasa bibliya ba talaga ito o wala? Halika at ating tuklasan.
Una sa lahat, ang misa ay nakasentro sa "Eukaristiya" or "Eucharist", ang tinapay ng buhay. Para sa mga Katoliko, sa misa ito'y nagiging katawan at dugo ng ating Panginoong si Hesus Kristo. ito ay naaayon sa Bibliya sa Luke 22:19-20
"19And He took the bread, gave thanks and broke it, and gave it to them, saying, "This is My body, given for you; do this in remembrance of Me." 20In the same way, after supper He took the cup, saying, "This cup is the new covenant in My blood, which is poured out for you"
....
Dito malinaw na hindi lamang isang simbolo ang Eucharistiya kundi sa Misa ito mismo ay nagiging pisikal na katawan at dugo ng ating Panginoong Jesus Kristo. Dito din papasok ang isyu ng pagluluhod, kung saan akala ng ibang sekta ay niluluhuran natin sa Misa ang mga imahen sa altar, ngunit hindi ito totoo, ang tunay na niluluhuran natin ay ang Eucharistiya, ang tinapay na nagbibigay buhay na nakalagay sa altar, ang katawan at dugo mismo ni Hesus Kristo na ating Hari at Panginoon. Anong karapatdapat na papuri ang nararapat sa kanya? Ito ay ang pagpapakumbaba ng pagluhod.
Balik sa Misa at sa Bibliya,
"19And He took the bread, gave thanks and broke it, and gave it to them, saying, "This is My body, given for you; do this in remembrance of Me." 20In the same way, after supper He took the cup, saying, "This cup is the new covenant in My blood, which is poured out for you"
Sa Greek Bible ang parteng "Gave Thanks" ay nakasulat sa iisang salita, ang griyegong salitang "eucharistēsas". Mula sa salitang ito ang Eucharistiya o "Eucharist" sa Ingles.
So malinaw na nasa Bibliya nga ito, hindi lamang sa Luke 22:19, kundi sa Acts 27:35 din sa panahong umakyat na sa kanang kamay ng Diyos Ama ang ating Panginoong Hesus Kristo.
ACTS 27:35
35After he had said this, Paul took bread and "gave thanks" to God in front of them all. Then he broke it and began to eat
sa greek ay:
35 εἴπας δὲ ταῦτα καὶ λαβὼν ἄρτον εὐχαρίστησεν τῷ θεῷ ἐνώπιον πάντων καὶ κλάσας ἤρξατο ἐσθίειν.
sa alphabeto ay:
eipas de tauta kai labōn arton "eucharistēsen" (εὐχαρίστησεν, gave thanks) tō Theō enōpion pantōn kai klasas ērxato esthiein
Malinaw na naroon ang salitang eucharistēsen / εὐχαρίστησεν / Eucharist / Eucharistiya.
Dito malinaw na pati si St. Paul sa Acts 27:35 ay ginagawa ang tradisyong ito na itinuro ni Hesus sa Luke 22:19.
Dito malinaw na ang tradisyong ito ay ginagawa na ng mga sinaunang Kristiyano na nakasulat sa Bibliya, sa gayon naituturing nating isang Katoliko sina St. Paul pati narin lahat ng mga Apostoles at mga sinaunang Kristiyano na nakasulat sa Bibliya dahil ginagawa nila ang tradisyong ito mula pa nuon.
Maraming mga event ngayon na "worship" at mga Christian kuno na "Fellowship".
Dito madalas may worship concert, electric guitars, drums, speeches, at iba pa. Pero kung titignan natin mabuti, paano ba dapat tayo sumamba sa Diyos? Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay ang pagsisimba o ang Misa (Mass) kung saan tinatanggap natin ang Eucharistiya, Tinatanggap natin si Kristo sa ating sarili, "Communion" kung ating tawagin. Tayo ay nakikiisa sa kanya. Kaya't kung alam mo ang katotohanang ito, wala kang rason para ma bored, antukin, o hindi makinig sa homily at sa buong misa, wala kang rason para hindi sumabay sa choir, dahil lahat ng ito ay para sa ating pagsamba kay Jesus Christ. Isang "Solemn" na pagsamba, kung saan iniiwan natin ang lahat ng makamundo upang isatisfy si God.
Sa mga worship, concert, at fellowship na mga yan, madalas tayong naaakit sa sumali o makisali sa mga ganyan dahil sa tingin natin boring ang misa, at mas masaya at entertaining ang mga ito at siguradong hindi tayo aantukin at mabobored, pero hindi mo ba naisip na sa pagsali sa mga ito, sarili mo ang sinisatisfy mo? Na porket kung saan ka mas okay, mas mukhang masaya, mas mukhang entertaining, ay dito ka sumasama? Sa pagsamba sa Diyos, sinisatisfy natin ang Diyos, hindi ang sarili natin, at sa anong paraan? Sinabi na mismo ito ni Jesus Christ kung paano natin siya iwoworship at aalahanin sa paraang sinabi niya mismo.
Luke 22:19 - "And He took the bread, gave thanks and broke it, and gave it to them, saying, "This is My body, given for you; do this in remembrance of Me."
Ang kulang sa mga Christian kuno na worship at fellowship na mga ito ay ang "Eucharistiya" o ang tunay na Katawan at Dugo ni Kristo na sa Misa lamang makikita. Kaya kung walang Eucharistiya o misa sa sinasabi mong worship at fellowship na iyan, hindi yan ang tunay na pagsamba o pag-alala sa Diyos, kundi isang paraan ng pagsatisfy natin sa sarili natin, o sa iba.
YOU ARE READING
Bakit ikaw at ako ay KATOLIKO
SpiritualDito ko ibabahagi ang aking mga nalaman at napag-aralan tungkol sa kung bakit dapat tayo ay maging mga katolikong kristiyano.