Ayon sa Matthew 16:18-19
"And I tell you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades will not prevail against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven. Whatever you bind on earth will be bound in heaven, and whatever you loose on earth will be loosed in heaven."
Binigay ni Hesus Kristo ang "keys" o mga "susi" ng kaharian ng langit kay St. Peter.
Gaano nga ba kahalaga ito? Example: hindi ko pwedeng gamitin ang iyong kotse kung wala sa akin ang "key" o susi nito. Hindi ko pwedeng pasukin ang bahay mo kung wala sa akin ang "key" o susi ng bahay mo.
"Keys" o susi ang simbolo ng pagmamay-ari at authority. Si Hesus Kristo ang Hari ng kaharian ng Langit, ngunit ipinagkatiwala niya ang mga susi "keys" nito kay San Pedro.
Ano ba ang tawag sa mga taong gagamit ng kotse mo o papasok sa bahay mo ng hindi gamit ang susi mo? magnanakaw hindi ba?
John 10:1-2
"Truly, truly, I tell you, whoever does not enter the sheepfold by the "gate", but climbs in some other way, is a "thief" and a "robber". But the one who enters by the "gate" is the "shepherd" of the sheep"
Sa verse na ito makikita ang salitang "gate" at kung may gate may "keys" at ang "sheepfold" ay ang simbahan at lahat ng nananampalataya.
Sinuman ang pumasok na hindi dumaan sa gate ay isang magnanakaw. Malinaw ito. Ayon sa Matthew 16:18-19, ang susi ay ibinigay kay San Pedro. Siya ang pinagkatiwalaan ni Hesus Kristo nito.
Sa kultura ni Hesus Kristo at ng mga Apostles sa Israel, ang "susi" ay simbolo ng authoridad. Sa isang lungsod tulad ng lumang lungsod ng Jerusalem, ito ay may nakapalibot na pader at may "gate" at sinuman ang may hawak ng "keys" ay siyang may authoridad.
Sa panahon ni Hesus, Kapag umaalis ang Hari, ipinagkakatiwala ang "susi" ng kaharian sa isang katiwala, at ang katiwalang ito, kapag namatay, ay papalitan ng isang panibagong katiwala dahil hindi maaaring walang taong may hawak sa "susi" na siyang authoridad sa kaharian habang wala ang Hari. Kaya't ang katayuan ng katiwalang ito ay isang "office" na pinagpapatuloy ng mga susunod na maihahalal dito. Tulad ng Office of the President, kapag namatay o natapos ang termino ng isang presidente, papalitan sya ng panibagong presidente, hindi pwedeng pagnamatay ang presidente ay wala nang ipapalit na bago dahil sino nalang ang may authoridad sa bansa? ito'y magdadala ng kaguluhan sa lahat. Kaya't naintindihan ng mga sinaunang Kristiyano ang tinutukoy rito ni Hesus, na habang inihahanda niya ang lugar natin sa Langit, ipinagkatiwala niya ang authoridad sa "office" ng isang katiwala, ito ang authoridad ni San Pedro, o Chair of St. Peter, o ang "Papacy".
sa kasalukuyan, si Pope Francis ang pang 266th Pope.
![](https://img.wattpad.com/cover/133904684-288-k850756.jpg)
YOU ARE READING
Bakit ikaw at ako ay KATOLIKO
SpiritüelDito ko ibabahagi ang aking mga nalaman at napag-aralan tungkol sa kung bakit dapat tayo ay maging mga katolikong kristiyano.