St. Peter bilang Unang Pope sa Matthew 16:18

15 1 0
                                    


Matthew 16:18-19

"And I tell you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades will not prevail against it. 19I will give you the keys of the kingdom of heaven. Whatever you bind on earth will be bound in heaven, and whatever you loose on earth will be loosed in heaven"

bilang mga katoliko, naniniwala tayo na si San Pedro / St. Peter ang unang Pope ayon sa verse na nakalahad. Nagmula ang pangalang Peter sa greek word na "Petros" na ibig sabihin ay bato. 

Ngunit ang sabi ng ibang sekta, hindi daw si Peter kundi si Hesus ang batong sinasabi sa verse na iyan. 

Tignan natin ito sa greek translations: 

  "And I tell you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades will not prevail against it."

"κἀγὼ δέ σοι λέγω ὅτι σὺ εἶ Πέτρος, καὶ ἐπὶ ταύτῃ τῇ πέτρᾳ οἰκοδομήσω μου τὴν ἐκκλησίαν καὶ πύλαι ᾅδου οὐ κατισχύσουσιν αὐτῆς."

kagō de soi legō hoti su ei "Petros", kai epi tautē tē "petra" oikodomēsō mou tēn ekklēsian kai pulai ha(i)dou ou katischusousin autēs

Sa greek magkaiba ang nakasulat, "petros" at "petra". ito ay dahil ang translation ng "rock" sa greek ay "petra" na kung gagawing pangalan ay pangalan ng babae o feminine name. kaya't sa sanabi ni Jesus, ginawa niya itong panglalaki o masculine kaya "petros". sa kabila nito parehas ang ibig-sabihin ng mga ito, "rock". 

Ngunit si Peter nga ba ang tinutukoy sa verse na "rock"? 

Kung matatandaan natin, isinulat ni Matthew ang Gospel sa Hebrew, kung gayon, iisang salita lamang ginamit niya dito, ang salitang "Keepha" or hebrew word ng "rock" o "bato". 

Ang "petros" at "petra" ay iisang salita na ibig-sabihin ay "rock" kaya't kung itratranslate sa hebrew kung saan ito naisulat, magiging ganito ang verse: 

  And I tell you that you are "Keepha"( "Peter"/"petros"/"rock"), and on this "keepha" ("petra"/"rock") I will build My church, and the gates of Hades will not prevail against it."  

Ngayon malinaw na si St. Peter nga ang batong sinasabi sa Matthew 16:18. At malinaw na sa kanya itatayo ni Kristo ang tunay na Simbahan, ito ang Simbahang tatawaging "kath'oles" or "throughout"/"Universal". Ito ang Simbahang Katoliko. 



Bakit ikaw at ako ay KATOLIKOWhere stories live. Discover now