"No! I don't like. Dyan ka lang. Ike David! Tumigil ka!" Sigaw nanaman ni Shane.Nagkamot nanaman ako ng ulo sa mga naririnig ko sa kanya. Nakakairita ang ingay. "How many times do I have to tell you na hindi pwede?! Diyan ka lang. Hindi ka welcome dito tumigil ka." Dagdag pa niya.
Kanina pa siya tumigil ka ng tumigil ka. Siya nga hindi tumitigil e.
"Alam mo para matigil na kayong dalawa diyan, patayin mo ng cellphone mo." I suggested. Napataas naman ng kilay si Shane sa akin saka itinaas ang kamay niya as if telling me to shut up.
Why, this is a first.
"Oo siya nga. Wala kang pakielam! Umayos ka Ike." Sabi nanaman niya. Lumayo na naman ako sa tabi niya. Pakiramdam ko kasi masisira na eardrums ko kakarinig sa mga sigaw niya. Paulit-ulit lang naman mga sinasabi.
"Sinong kaaway ni Shane?" Biglang tanong ni Eula sa akin.
"Malay ko diyan, kanina pag dating ko dito sa opisina, ganyan na yan, sumisigaw." Sabi ko habang nagtitimpla ng kape. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa mga papeles na natambak nanaman sa mesa ko. Kailangan ko nga palang i encode ang lahat ng mga ito at kakailanganin nila ito first thing in the morning.
"Hay letse! Nakakabwisit talaga 'yong bakulaw na 'yon. Ang galing manira ng araw. Bes, ice cream tayo." Biglang ayaw niya. I frown at her. "Wala ka bang kailangang gawing ngayon? Bukas na ang submission ng mga papeles na kakailanganin nila sir Fidel para sa presentation." I told her, sabay simsim ng kape.
"Nakakastress 'yong pinsan ko bes. Walang hiya palang siya. Ang sarap niya pakuluan." Nanggagalaiting sabi pa niya sabay parahas na naupo sa swivel chair.
"Pinsan?" Tanong ko without looking at her.
"Yes! Ang walang hiyang yon—"
"Hey! Pinsan?" Nagtatakang tanong ko. I look at her directly, sa taong pinagsamahan namin ni Shane, this is the very first time na may narinig akong pinsan mula sa kanya. Malimit din lang siyang magkwento, isa pa, kapag magkasama kami puros mga personal issues lamang ang napag-uusapan namin. I suddenly feel alienated.
"Yes, cousin, pinsan, ano pa bang gusto mong itawag doon para lang sumiksik sa utak mo bes?" Naaasar na siya sa katatanong ko.
"Y-you didn't tell me, you have cousins din pala. I thought putok ka ng Mt. Pinatubo." Pang-aasar ko pa.
"Wow te! Heavy! Anong akala mo sa lahi namin, weak? I have tons of cousins kung alam mo lang." kwento niya sabay harap sa akin.
"And who's the one you're talking to?" Tanong ko.
"Ike David Yakamoto." She said. "Half tanga, half gago—-
"Wait—what? Yakamoto? Diba you're Chinese?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
She stopped and made a face. "Bakit bes, kapag Chinese ba hindi na pwedeng magkaroon ng kamag-anak na gago?" She answered sarcastically.
"Not that! I m-mean, Yakamoto, samantalang ikaw Ty. It doesn't make sense. Enlighten me please." I answered back.
"My father is a half-blooded Chinese, that makes me, 1/4 blooded Chinese. Ngayon 'yong tita ko na kapatid ng mama ko, which is a pure blooded-Filipino ay nakapag-asawa ng Japanese, nagkaroon sila ng tatlong supling at ang isa nga doon ay si Ike. Na gets mo na ba may dear-beloved best friend?" Nang-aasar na ngiti niya.
"How come I didn't know about this?" Tanong kong muli.
"Why would I bother telling you that? You spend the rest of you years, hating people. Minsan nga damay pa ako. Diba, you were moving on from that scumbag? And I saw how you hated chinky-eyed people." Depensa niya.
I was appalled with what she said.
"Bes—-
"Stop it ok." She cut me off. "Hindi yan ang problema ko ngayon. Isa pa, he doesn't matter to me naman lalo na saiyo. But right now, he's really getting under my skin." Sabi pa niya.
"And that is?" Tanong kong muli. "He wants to go here. Nakakaloka. Gusto niya pang makitira sa apartment ko e, ten times na mayaman pa sa akin 'yon." She exclaimed.
Pakiramdam ko ang dami kong hindi alam sa kanya. We've been best of friends since high school, halos alam na niya lahat ng mga pangyayare at kung sinu-sino ang mga tao sa buhay ko. Pero ako, halos mabibilang sa kamay ang mga impormasyong alam ko. Anong klase akong kaibigan?
"Lumipat kana pala ng apartment? Hindi kana sa tita mo nakatira?" Nahihiya kong tanong.
"Oo e, medyo ilangan na kasi doon dahil nandoon na 'yong bagong asawa ni Tita Juvie, lageng may- away doon bes, nakaka toxic. Kaya I decided to just move out. Pero heto nga't hindi ko pa naeenjoy ang buhay makasarili ko, darating naman tong hinayupak kong pinsan at mangbubulahaw ng privacy! My gosh!" Eksaherada niyang sabi.
Napatawa pa ako sa reaksyon niya.
"E anong balak mo?" Tanong ko nanaman.
She looked at me quizzically. "Addie ikaw ba talaga 'yan?" Nagtatakang tanong niya sa akin, sabay salat sa aking noo at leeg.
"Ay ano ba yan, wala akong sakit Shane." Sabi ko. Naguguluhan nama siyang tumitingin sa akin. "Nagtataka lang ako no, dati naman kasi wala kang pakielam sa mga ganap sa paligid mo, bakit ngayon kumukulit ka ata? Anong nakain mo? Sabihin mo bilis at nang makapag stock ako." Pabiro niyang turan.
"Baliw!" Sita ko sa kanya saka muling sumimsim ng kape.
"Ay bet! Tinawag mo na akong baliw! Namiss ko 'yon!" Naluluna niyang sabi. "Anong drama mo sabi ko naman sa kanya. "H-hey ok ka lang?" Nag-aalala na ako. Bigla na lang siyang naluha.
"Kasi tinawag mo ako ulit sa usual na pinang-aasar mo sa akin. 'Yon kasi ang lage mong sinasabi sa akin everytime I say something funny. Wala, na-miss ko lang." madamdamin niyang sabi.
I hugged her tight. Naisip ko lang ganoon na ba ako ka-selfish?
I keep on dwelling to the pain I've felt na nauwi pa sa puntong I'm shutting everyone, even my one and only friend who's always there for me.
"A-no ka b-ba, Shane." Naiilang ako sa mga pinapakita niyang emosyon. Maybe I'm just used on seeing her jolly and funny always. Kaya nakakapanibago kapag ganito siya. Kundi kasi siya nagagalit sa akin ay mag-aaya lang siyang mag ice cream, ganoon naman siya palage.
"Bakit ba kasi ayaw mo siyang patuluyin na lang sa apartment mo? Malay mo makihati sa lahat ng gastusin, edi mas bongga 'yon." Komento ko sa kanya.
"Sus, bes hindi mo kasi ako naiintindihan e. Si Ike 'yon. Yong walanghiyang pinsan ko makulit pa ng isan-libong beses sa akin. Ako nga hindi mo natatagalan e, 'yon pa kayang lalakeng 'yon?! Mas malala siya kay Bryan!" Naghihisterya niyang sabi sa akin with matching kumpas-kumpas ng mga kamay niya.
"So?" Sabat ko, "makikitira lang siya saiyo. Pinsan mo naman siya e. Tsaka lage ka namang nasa trabaho, ok na 'yon." Komento ko pa.
"Haynako, wag na no. Nakakaloka, baka maging motel 'yong bahay ko ng di oras kapag nangyare 'yon. You know me naman bes, I love my privacy so much. Kaya kahit pa pinsan ko siya ay hindi talaga pwede. Isa pa, mayaman siya bes, kung alam mo lang. kayang-kaya niyang bumili ng bahay sa isang pitik lang." sabi niya sa akon habang marahang naglalakad.
Patapos na ang araw na 'to at wala kaming ibang ginawa kundi ang mag chikahan tungkol sa pagtira ng pinsan niya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ayaw niya, wala akon nakikitang rason lalo na't pinsang buo niya pa 'to. Isn't she suppose to be happy about it? Kamag-anak na niya 'yon.
"Basta ayaw ko, tapos." She said with finality.
"Paano kung, mami mo na ang magsabi saiyo?" Sabi ko naman.
Agad siyang natigilan sa sinabi ko. She then looked at me, sabay nguso.
"H-hindi kasi talaga pwede bes. M-may g-gusto kasi siyang b-babae. Pero hindi naman p-pwede." Paliwanag niya sakin ng hindi makatingin. Weird.
"Bahala kayong dalawa." Sabi ko na lang.
Sa tingin ko palang mananalo ang pinsan niya, sabi nga niya makulit ito at pursigido sa mga bagay na gusto. Kwento niya palang kilala na niya ang pinsan niya at alam na alam na niya kung anong hahantungan ng hinihinging pabor ng loko niyang pinsan. Ngayon palang, naaawa na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Change of Heart
Fiksi Umum"One day, you realize that there are some people you will never see again. At least not, in the same way." Sometimes, the things we can't change, end up changing us. That's what Addie believes in. Pero hindi niya kayang sumugal dahil sa takot na ma...