Fifth

849 13 0
                                    



"O anyare sa best friend ng bayan?" Tatawa-tawang tanong ni Bryan sabay harap kay Shane.

"Pwede ba Bryan, don't me. Wag ngayon, please lang." nagsusungit ma'y alam kong problema nanaman siya ngayon. "Woah! Time of the month ba? But it's not yet third week of the month naman a." He said grinning.

"Alam mo Bryan, I could punch right now in the face and I won't even blink. Pero sorry baka marumihan lang ang kamay ko sa mukha mo. Go away! Pwede?" Giit ni Shane sa kanya. I saw Bryan raising up both of his hands as if saying hindi na siya iimik pa.

Agad naman akong umiwas nang madako ang tingin sa akin ni Bry.

Impit naman akong nanalangin na sana ay hindi niya ako lapitan. Please lang, ayaw ko siyang makausap. Masisira eardrums ko sa kanya.

"Hi, Addie." Mahinhin niyang bati. I almost roll my eyes on him. "What do you want?" Walang gana kong tanong habang nagkukunwaring busy sa paghahanap ng mga papel.

I heard him chuckle.

"Busy masyado?" Tanong niya. Bwisit hindi pa ba halata?

"Yeah." Tipid kong sagot. I want him to think na busy nga ako at ayaw kong paistobo kaya naman kahit salita siya ng salita ay hindi ko siya pinapansin. Tanging tango at iling lang ang mga sagot ko sa tanong niya.

"I came here to see you. I was hoping—

"Nakakaloka ka naman Bry, can't you see? Addie's busy." Minnie butted in. I can sense Bryan's angry reaction towards Minnie dahil sa biglaang pagsulpot nito.

Hindi ko man vibes si Minnie because of her attitude sometimes, but I can actually kiss her right! Sobrang thankful ako that she butted in dahil doon nagkataon ako ng pagkakataon na tumayo at lumayo sa kanilang dalawa. I even heard Bryan groaned sa sinabi ni Minnie sa kanya.

"Opo mi. Ako pong bahala sa kanya." Walang ganang sagot ni Shane. Agad namang napadako ang tingin ko sakanya. "Opo, susunduin ko po siya sa makalawa." Sabi pa niya. I looked at her brow furrowed.

"Shit! Walang hiyang nilalang talaga. Ang talino!" Naiinis na sambit niya pagkababa ng telepono.

"Bes, makitira muna nga ako saiyo." Nagmamakaawa niyang sambit sa akin.

"What happened?" I asked her directly sabay baba ng mga gamit ko.

Agad naman siyang napasabunot sa buhok niya. She looks awful.

"Ang walang hiyang pinsan ko bes. Walang hiya siya. Noong hindi ako pumayag na mag stay siya sa bahay ko, tinawagan niya si mami! Kaya ayun, pinagalitan ako, wala na akong nagawa. Hindi na daw ako nahiya, pinsan ko pa daw sinasamaan ko ng ugali. Tapos aasikasuhin ko daw siya, walang hiya siya. Susunduin ko pa bukas! Ang kapal ng mukha niya bes, gusto ko siyang ilublob sa kumukulong mantika!" Sigaw niya. Natatawa akong humarap sa kanya.

"Natutuwa ka pa sa nangyayare sa akin? Nakakaloka ka talaga." Naaasar niyang sabi.

"Hindi ah! It's just that, sa haba ng sinabi mo every stanza non hindi nawala 'yung mura mo sa pinsan mo." Tuloy na akong natawa sa kanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Yan, ganyan, tumawa ka. Ang brutal mong pasayahin bes, kailangan pang may makita kang ngumangawa ng ganito para mapatawa ka." She stated. I blankly looked at her. Pinipigilan ko nanaman ang matawa pa.

"E sinong kausap mo kanina sa phone?" Tanong ko naman. "Sino pa nga ba, edi 'yong pinsan kong bwisit! Sinabi niyang sunduin ko daw, umayaw ako. Ngayon tumawag nanaman si mami sa akin telling me na sunduin ko nga daw kasi hindi daw alam ng walang hiyang 'yon ang direction papunta sa apartment ko." She said.

"Hayaan mo na bes, dalawa naman ang kwarto ng apartment mo diba. Kahit paano may privacy ka pa din." I said calming her.

"No! Hindi mo kasi naiintindihan e. Having Ike na kabahay mo is way beyond dreadful. It's the worst case ever! Ayaw ko siyang kasama dahil sa attitude niya. Isa pa, he wants to pursue this girl he likes daw ever since he laid his eyes on her." She exclaimed.

Bigla naman akong na curios sa babaeng gusto daw ng pinsan niya. But I won't stick my nose on somebody else's business kaya naman tumahimik na lang ako.

"Bwisit kasi 'yon e, kung bakit ba naman kasi nakita niya pa 'yong picture nateng dalawa sa intagram account ko. Kaasar talaga." Bulong niya.

"What?" Tanong ko bigla.

Agad naman siyang tumalima sa tanong ko.

"Ay! A, Ahm, ay may gagawin pa pala ako bes. Sige diyan kana bes ha. Wait lang." nauutal niyang sabi saka mabilis na lumayo sa akin.

I didn't even get the chance to answer back kasi mabilis na siyang nakalayo sa akin. I just nod at her.

Tinanong ko lang naman kung ano 'yong sinabi niya. Bigla na siyang nabangag. Siguro nga, ganoon siya ka praning sa mga ganap ngayon sa buhay niya. Nakakaawa tuloy siya. Wala siyang magawa. Pero mas naaawa ako sa pinsan niya. Sigurado akong she will let him off the hook.


"Ano nanamang problema mo?" Busangot na bungad ko sa kanya kinaumagahan. I widened the door open for her to get in.

Pasalampak siyang naupo sa sofa at nilantakan ang chips na nasa center table.

Natatawa naman akong tumingin sa kanya. "What's with the face, Shane?" I asked her sabay naupo sa tabi niya.

It's my day off, she called me early this morning saying it was also her off so she went here to spend her day with dahil na din sa pinsan niyang buong linggo na siyang binibigyan ng sakit sa ulo.

"Bes, hindi ko na siya matagalan sa totoo lang." Mangiyak-ngiyak na sumamo niya sa akin. "The other day pinagluto niya ako ng sandamakmak na sushi, shit bes! Hindi ko alam gumawa pero dahil tinawagan nanaman niya si mommy, wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. I googled everything para lang magawa ko 'yon. Tapos pinaglinis niya pa ako ng banyo ng kwarto niya! Walanghiyang nilalang!" Nanggagalaiti niyang sumbat.

"Mommy scolded me, saying na hindi man lang daw ako marunong magtrato ng maayos sa bisita ko. At pinsan ko daw 'yon. Dapat lang na mas asikasuhin ko si Ike! Bwisit!" Sigaw pa niya sabay takip ng unan sa mukha niya.

Napatawa na lang ako.

I saw her glared at me. "You really are, loving this." Ang kaninang mahinang tawa lang ay napalakas na. "Easy! Masyado kang hot e." Sabi ko na lang para gumaan naman ang pakiramdam niya.

"I don't think I can take it anymore bes. Isang-linggo nang stress ang agahan, pananghalian at hapunan ko dahil sa kanya. Kundi niya ako ginagawang personal cook niya, ginagawa niya akong chamber maid!? My gosh! Ang beauty ko." She said hysterically.

I tapped her shoulder at bahagyang lumingid sa kanya. "Let your cousin be, Shane. Wala namang nadadaan sa maayos na usapan diba? Why don't you just talk to him." I suggested.

"Hello?! Talk to him ka diyan. Tingin mo ba hindi ko na ginawa 'yon? Well, newsflash miss Addie Cordero, hindi ko lang siyang kinausap, sinapak ko pa, sinipa ko pa, at tinadyakan ko pa siya. Pero te, walang ganap! As in!"

Agad naman akong humagalpak ng tawa sa sinabi niya.

"At kelan ka pa naging bayolente bes?" I amusingly asked her. Umirap naman siya saken hanggang inaaayos ang bangs niya.

"Last week lang, no'ng dumating 'yong pinsan ko, actually." She stated.

"I didn't know you were this brute, Shane. Ang alam ko sa ating dalawa ako ang ganyan ang ugali, ako ang mainitin ang ulo. Ikaw ang compose, reserved. Ganern!" Pasubali ko.

I grin as I look at her.

I heard her groaned. Saka naman mabilis na pinatay ang tawag sa telepono ng makita kung sino ang tumatawag.

"Bahala na nga kayong mag pinsan. Ang gulo niyong dalawa." Sabi ko na lang na lumalayo sa kanya.

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon