"G'night." He said calmly."Night." I answered back. I can sense he wants to say something pa pero inunahan ko na sa biglaang pagbubukas ng pintuan ko. "Ingat pauwi." Sabi ko pa while waving at him, habang naglalakad patalikod.
I was still walking away from his direction when I overheard him say, "unbelievable."
Natawa naman ako sa sinabi niya, pero hindi ko na pinarinig pa 'yon. I dont want him to think na natutuwa ako sa kanya at baka maisip pa niyang ayain ako ulit na lumabas.
Ang kulit lang, I can't believe I have to endure him all the way while we walk. Ang sakit niya sa eardrums.
"Bye!" Dinig kong sigaw niya sa malayo akmang isasara ko na ang pintuan. Oh goodness, hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya, agad ko na lamang sinarado ang pinto. Rude it may sound pero hindi ko na kasi mahintay na mawala siya sa paningin ko, salamat at tapos na ang araw na 'to kasama siya. And I promise this will never happen again, as in ever!
"So tapos na? Kamusta bes? Magkwento ka ang daya mo. Kelan 'yong susunod na date niyo?" Nauligan ko ang excitement sa boses ni Shane sa bawat tanong niya. She keeps on bugging me kanina pa simula ng tumawag siya. And here I am trying so hard to get away from her pangungulit.
"Shane kanina mo pa tanong 'yan. Naririndi na ako. Isa pa, sorry to burst your bubble bes pero hindi na mauulit pa 'yon." Sabi ko pa. I can hear her giggling. Loka-loka talaga ang isang 'to.
"Effective naman diba?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Effective ang alin?" Sabat ko naman habang nagpapahid ng lotion sa mga hita ko.
"Effective 'yong pagiging makulit niya. Tignan mo naman, napagbigyan tuloy ng date ng wala sa oras." Natawa siya na ikinatawa ko na din.
"Lanya ka! Tuwang-tuwa ka naman, ang sakit kaya niya sa ulo. I can't stand him being near me. Sobrang daldal niya. Para siyang hindi lalake." Natatawa ko pang komento.
"Hoy! Bes crush 'yon nila Minnie, sure akong lalake 'yon. Tignan mo nga ang katawan batak sa gym. Ang hot kaya niya. Sigurado ako may mga hot pandesals na nakatago behind those polo shirt!" Tumitiling sabi pa niya. Sabagay, sabi nga niya, what's not to like? I know some of our workmates are attracted to him, he's cute, I admit that. He has this body na papasa na bilang isang modelo, but other than that, wala na. Nakakairita na siya para sa akin. "Lalake nga ba talaga? You know marami na ang nagkalat na closeta ngayon 'no. They can't come out in the open so they chose to look and dress like a man, still, para matanggap sila ng tao." I said. Agad naman siyang napatahimik sa sinabi ko, maybe digesting what I just said.
"Siguro kung hindi siya singkit bes magkakagusto ka sa kanya." She said out of the blue.
Tumaas bigla ang kilay ko sa sinabi niya. I didn't talk for a moment there. Alam ko na kung saan nanaman papunta 'tong usapan na to. I was kind of hoping na sa hindi ko pag-imik hindi na siya tutuloy.
"3,2, and...
"Hanggang kelan mo nga ba dadalhin ang galit mo sa mga nilalang na may chinky eyes bes? Ang cute kaya, lalo na kapag tatawa sila, nawawalan sila ng mata." Sinasabi ko na nga ba. "Tsaka naman bes, wala naman silang kinalaman sa mga naganap sa buhay mo, why do you have to hate them to bits na pati mga gagawin mo sa buhay damay." Malumanay niyang paliwanag sa akin.
"Shane—-
"I'm sorry ok? Pakiramdam ko nga damay din ako sa galit mo kasi nga medyo chinky din ang mga eyes ko. Kaya siguro you're always turning me down. O kaya naman lage kang "shut up Shane."
I was stunned sa sinabi niya. Like, this is the first time na nagsabi siya, not literally na nasasaktan ko na din siya. But she sounded hurt and disappointed at the same time.
Agad naman akong nakaramdam ng panibugho, lalo na ng galit. This is one of the reasons why I wanted to forget everything and start on a clean slate. I mean, kaya ako lumayo sa pamilya ko kasi alam kong malapit lang siya sa kanila, I started from scratch and begin everything with nothing, only Shane is always there for me. I don't want to get hurt again, I don't want to remember every memory we've made, pero heto naman ngayon, nasasaktan ko ang kaisa-isang taong nandyan lage para sa akin. But I can't just forget about everything.
Shane moved with me dito sa city. Ipinili niya parin kasi hindi naman daw magiging problema sa kanya ang pagtira dito sa city dahil na din sa may bahay na sila dito. At doon nga siya nakatira ngayon. Even if I don't want to kasi alam ko namang nasa probinsiya namin ang buhay niya, but then she chooses me and helped me out with everything.
The first few months being away with my family ay sobrang nakakapanghina, I misses them so much that I had to pretend na kaya ko ulit just so they won't worry about me. This is the very first time na nahiwalay ako sa kanila.
"Bes..."
"Don't worry about me, Shane. Ok lang naman ako e." I lied.
"Minsan naiisip ko kung kaibigan parin ba ang turing mo sa akin?" Himig tampo niyang sabi. "Simula kasi nong nasaktan ka ng walahiyang lalakeng yon kasama pa ng babaeng gagambang 'yon, nagbago kana. Kahit ako ramdam ko, unti-unti, you're shutting me up."
"I-I need to h-hang up na Shane. Mag wa-wash up na kasi ako." Pag-iiwas ko sa sinabi niya. I even heard her sighed.
"Bes?"
"Shane, it's not what you think ok? Don't think of anything stupid. Hindi kita iniiwasan or ano pa man. I love everything about you. You're my best friend, remember? Please. I am. Ok. Ok?" I said assuring her.
I heard her sighed again. Napapangiti naman ako sa reaksiyon niya. She really does love me.
"Ok, fine. Have it your way then. Pero wag mong asahan na tatahimik lang ako sa pagiging bitter mo ha. Like you what said, I am your best friend. And best friends don't let their best friends be bitter for the rest of their lives. Kung kinakailangang tumamabling ako sabay split sa harapan mo matauhan ka lang, i'll gladly do it." Sita niya sa akin. Napapatawa naman ako sa mga sinasabi niya.
"G'night, best friend." Sabi ko na lang.
"Whatever! Kurutin ko yang singit mo diyan e." Bulyaw niya sa akin. Agad naman akong napabulanghit ng tawa sa kanya.
"Well, anyways. G'night din. Sana bukas hindi kana bitter." Asar pa niya.
"I am not bitter, Shane." Depensa ko.
"Oo, hindi ka bitter. Isa ka lang malaking ampalaya. Last time I checked, ang ampalaya, inuulam, hindi inuugali." She pointed out again. Two points for Shane Ty.
"Goodnight, Shane." Sabay baba ko sa telepono.
As I put the phone down, agad akong tumungo sa bintana. I opened it and inhale some air. I looked around the city, nagkikislapang maliliit na ilaw ang tanaw mula dito. It somehow, calms me.
Bitter? Hindi naman ako bitter e. I smile as I think about everything. Mapait man ang naging karanasan ko noon sa taong minahal ko. Alam ko ding darating ang panahon I'll be happy again.
I wrapped myself as the wind blew.
Ganitong-ganito din dati, naiba nga lang ng sitwasyon ngayon. Dati, I was with the man I love. He's behind me holding me close.Whispering cheesy lines. How he promised he would give everything for him to be with me. How he will fight for me so that we'll end up together.
Pero ngayon, ibang-iba na. Gone was the man who promised me everything.
![](https://img.wattpad.com/cover/132952536-288-k603351.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Heart
Algemene fictie"One day, you realize that there are some people you will never see again. At least not, in the same way." Sometimes, the things we can't change, end up changing us. That's what Addie believes in. Pero hindi niya kayang sumugal dahil sa takot na ma...