Chapter 1: Nagsasalita si Jay!

147 5 0
                                    


Hindi ka pa rin makapaniwala habang nakatingin sa lalaking nasa pintuan. Dalawang bagay ang ayaw magsink in sa isip mo.

Una, nasa loob ka ng webtoon! Ilang beses mong kinurot ang sarili pero hindi ka nagising. Totoo ang lahat. Hindi ka nananaginip.

Pangalawa, first time mong marinig na magsalita si Jay. Este unang beses mo siyang nakitang magbitaw ng salita at hindi ka makapaniwala kasi tuwing nagbabasa ka palagi mong napapansin ang pagiging tahimik niya.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" Nauutal na tanong sa'yo ni Jay. Napansin mo ang pamumula niya.

"Bakit ako nandito?" Tanong mo sa kanya. Nag-iwas ka ng tingin. Kalma lang lalo na at topless ang walangya. Hindi pwede. Loyal ako kay Daniel.

"Ahh.. Hindi ko rin alam." Napatingin ka ulit sa kanya, nagtatanong ang mukha. Nahihiyang napakamot sa ulo si Jay habang kumukuha ng damit. "Nakita lang kita kagabi diyan sa kama ko. Mahimbing na natutulog. "

"Huh? As in bigla lang akong lumitaw rito?!"

"Siguro." Ang gulo rin nitong kausap. Parang di siya sigurado. Napaisip ka tuloy kung ano ba talaga ang nangyari. Kung napapraning ka na ba o nasobrahan sa pagbasa ng webtoon.

"Pero bakit hindi ka natatakot sa akin?" Tanong mo sa kanya.

"Hmmm. Siguro kasi hindi ka masamang tao." Itinuro ni Jay ang phone na hawak mo. "Tapos nakita ko ang phone mo na may larawan ni Daniel kaya alam kong wala kang gagawin na masama."

Baka ngayon, meron. Tangina magbihis ka na kasi.

"Pwede bang lumabas ka muna?" Wala sa loob na tumango ka kasi parang nabasa ni Jay ang iniisip mo. Isinirado mo ang pinto at napahanga ka sa loob ng bahay niya. Ang lawak ng sala, tapos masyadong mamahalin ang mga gamit.

Ang yaman ng lalaking yun.

Binuksan mo ulit ang pinto nang may naalala ka. Napasigaw tuloy si Jay na kasalukuyang nagbibihis. Buti na lang at shirt lang ang kulang.

"Kailan ka pa naging madaldal?" Tanong mo pero isang unan ang tumama sa mukha mo.

"Kumatok ka muna!"

Stuck Up in LookismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon