Chapter 2: Speechless

105 5 4
                                    


"Jay," kinalabit mo siya. Kanina pa kayo rito at di mo alam kung bakit nandito ka sa room nila ngayon.

He looked at you.

"Okay lang ba talaga?" Tumango siya. Napapansin mo na ayaw niyang magsalita kapag maraming tao sa paligid niya. You find it cute. "Pero bakit ang sama ng tingin ng lalaking yun?"

Ininguso mo si Zack. Tumawa lang si Jay at pinabayaan ang pagiging paranoid mo. Wala kang ibang nagawa kundi tumahimik sa isang sulok.

"Hoy." Natigilan ka at nag-angat ng tingin. Seryosong nakatingin sa'yo si Zack. Napalunok ka kasi nakakatakot ang mga mata niya. "B-Bakit?"

"Pwesto ni Mira yan. Bakit dyan ka nakaupo? Magkaklase ba tayo? Bakit ngayon lang kita nakita?"

Hindi mo alam kung ano ang sasabihin kasi ngayon mo lang narealize na nagsasalita pala si Zack sa'yo. Napansin ka niya! Kyaaaaah.

"Transferee kasi ako?" It came out like a question instead of a statement at napakamot ka na lang sa ulo. Bakit ba kasi naoverwhelmed ka masyado sa lalaking 'to? Hahaha.

"Tss. Alis na dyan. Andito na si Mira."

Napayuko ka na lang. At lumipat sa row kung nasaan si Jay. "Okay."

Langhiya ka Zack! Inaway mo pa ako! Alam ko namang head over heels ka kay Mira!

"Mira! Kumusta araw mo?" Gusto mong mapanganga kasi ang ganda pala ni Mira sa personal. Sa webtoon mo lang kasi siya nakikita at ibang-iba ang itsura niya. Napansin mo ring nag-iba ang ekspresyon ni Zack mula kanina. "Talaga naman oh."

"Hello." Napatingin ka sa katabi mo. Isanh nakingiting lalaki ang naglahad ng kamay sa'yo. "Are you a transferee? Let's be friends!"

Hindi ka nakaimik kasi ang gwapo niya masyado tapos nakakasilaw ang ngiti niya. Hindi mo inexpect na katabi mo ngayon si Daniel Park.

Ang main character!

"Nananaginip lang ba ako?" Tanong mo sa sarili at natawa si Daniel sa sinabi mo. You're still gawking at him like an idiot kaya tumikhim siya.

"Kilala mo pala ako?"

Tumango ka. Shet mukhang alam ko na ang nararamdaman ni Jay. Ganito pala kapag katabi mo si Daniel.

Nakakaspeechless.

"Ako nga pala si Daniel Park. Ikaw?"

Wala ka ibang magawa kundi bumanat na lang.

"Ako nga pala yung bibihag sa puso mo." You playfully said and accepted his hand. Natawa ulit si Daniel sa'yo at ikaw naman parang timang na nakangiti sa kanya. "Joke lang yun. Baka seryosohin mo."

Napatingin ka sa direksiyon ni Jay nang umubo siya at nakita mong ang sama ng titig niya sa inyong dalawa. Lalo na sa dalawang kamay niyo na magkahawak. Sinimangutan ka niya bago siya tahimik na lumabas ng room.

Nagtatakang sinundan mo lang siya ng tingin. "Anong problema nun?"

Di kaya, crush talaga ni Jay si Daniel at nagseselos siya?

Stuck Up in LookismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon