"Jay! Teka lang!" Tawag mo sa kanya pero hindi ka niya pinansin at nagmamadaling lumayo.Naku! Kung pwede lang kanina ko pa binato ng sapatos ang lalaking yun kaso baka lalong mabadtrip sa akin yun.
Hinihingal na itinukod mo ang mga kamay sa tuhod. "Naman o! Anong problema ng lalaking yun? Makabalik nga! Susulitin ko pa si Danny eh-"
You decided to turn back pero tumigil ka kasi hindi mo matandaan kung saan kayo dumaan kanina. Nalilitong nilakad mo ang hallway hanggang dumaan ka sa isang sulok, sa likuran ng hagdan.
"Hoy taba! Anong mukha niyan?"
"Oo nga! Bakit ang pangit pangit mo?" Napahinto ka nang makita ang dalawang magandang babae na pinagtutulungan ang isang matabang babae. Nanlaki ang mga mata mo nang makilala kung sino ang matabang babaeng yun.
"Crystal?" Tanong mo sa sarili pero sapat na para marinig nila at lumingon silang tatlo sa direksiyon mo.
"O? Sino 'tong pangit na 'to? Kaibigan mo?"
Itinuro ka ng blonde na babae habang kinakausap si Crsytal na nakaupo pa rin sa sahig, walang imik at walang emosyon sa mukha niya.
Pangit? Ako, pangit?! Problema ng mga babaeng 'to?!
"Magsalita ka nga!" Sasampalin sana ng babae si Crsytal nang humarang sa sa kanilang dalawa. You grabbed her hand firmly hanggang sa mamula ito. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Bakit ka ba nangingialam ha?"
"Tinatanong pa ba yan?" You smirked and it was your turn to slap her. Hard. Nagulat rin ang kasama nito at napaatras sa ginawa mo. "Oo, magkaibigan kami. Problema mo? Saka ano naman kung pangit kami? Atleast hindi kasing sama ng ugali mo!"
Itinulak mo siya.
"Aba't!" Sasabunutan ka sana niya nang biglang may humila sa buhok niya palayo. "Aray ano ba-"
Natahimik ang babae nang makita ng babae kung sino ito. "J-Jay."
"Lay a finger on her and you're dead." Bulong ni Jay sa babae at takot na tumakbo silang dalawa palayo. Napaatras ka nang humarap siya sa iyo. Your heart was racing at hindi ka makatingin ng diretso sa kanya.
"Tara na." Sabi ni Jay at hinawakan ang kamay mo bago ka hinila palayo. "Sandali lang!"
Gusto mong makawala para kausapin si Crystal pero di ka niya hinayaan. Wala kang magawa kundi lingunin si Crystal na nakangiti sa direksiyon niyong dalawa.
"Salamat." She mouthed at napangiti ka na rin. For the first time, you saw her character smile for real and it really makes you happy.
"Nawala lang ako saglit, nasangkot ka na sa gulo." Napasimangot ka nang magsalita si Jay. Kasalanan ko ba? Eh ikaw kaya ang nang-iwan sa akin kanina. "Saan ka ba pumunta? Pinahabol mo pa ako eh babalik ka lang naman pala."
"Sino ba kasi ang nagsabing habulin mo ako?" Biglang humarap sa'yo si Jay at nahigit mo ang hininga kasi ang lapit ng mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin ang kalagayan niyo at nagpatuloy sa paglalakad habang hinihila ka.
"Jay, bakit ka namumula?" Tanong mo nang mapansin ang mukha niya.
"Wala, lagnat lang 'to."

BINABASA MO ANG
Stuck Up in Lookism
Hayran KurguWhat if isang araw ay magigising ka na lang at matatagpuan mo ang sarili sa loob ng isang webtoon?