Kath's POV
Nagising ako ng may naulinigang nagsasalita. Kinapa ko si DJ sa tabi ko pero wala siya. Tiningnan ko ang wall clock and it's five in the afternoon.
Ang haba pala ng tinulog ko. Kaya pala medyo gutom na 'ko.
Nang makaisip ng pagkain ay bumangon na 'ko. Nakita ko ang white shirt ni DJ na nakasabit sa isang upuan malapit sa kama at 'yun ang isinuot ko.
Hinanap ko si DJ sa buong kwarto pero,wala siya. Narinig ko ang boses niya sa may sala kaya lumapit ako sa nakaawang na pinto.
Ipapaalam ko na sana sa kanya na gising na 'ko ngunit napatigil ako sa tangkang paglabas nung marinig ko ang pangalang binanggit niya.
"Okay Tippy. Uuwi ako bukas. We'll just talk about this matter when I got home."
Bago pa man makalingon si DJ sa may gawi ko ay dahan-dahan na 'kong lumayo sa pinto at pumunta ng banyo.
Umupo ako sa saradong inidoro at nag-isip tungkol sa narinig ko.
Tippy? His ex? Or ex nga ba? He said she declined his proposal and she chose her career over his love. Pero,bakit ----?
"Kath,are you there?" tanong ni DJ habang kumakatok sa pinto.
Dali-dali kong pinunasan ang luha at kinompose ang sarili bago ko sinagot si DJ.
"Ah yeah, I'm here. Sandali lang." sabi ko at lumapit sa sink para maghilamos. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
"No, it's okay. I was just checking on you. Sige,take your time. Labas ka lang pagkatapos mo jan ah? We'll have our dinner."
"Okay."
Narinig ko ang yabag niya paalis kaya napabuntong-hininga ako. Dapat hindi malaman ni DJ na narinig ko'ng kausap niya si Tippy kanina.
I must act normal. Wala kaming relasyon kaya wala akong karapatang mag-inarte. Kung anuman 'yung nararamdaman ko para sa kanya, mas mabuti sigurong akin nalang 'yun. Hindi na niya kailangang malaman pa.
Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. I let out a deep sigh again atsaka pinihit ang door knob.
Paglabas ko ng sala ay naabutan ko'ng nag-aayos ng mga pagkaing inorder niya si DJ.
"Halika na Kath. Let's eat." sabi niya na nakatingin sa pagkain.
"Okay." sagot ko tsaka palang siya nag-angat ng tingin.
"Wow! You look hotter with my shirt on. Mas maganda siguro kung ibigay ko lahat ng shirts ko sayo."
Namula naman ako sa sinabi nya at napatulala rin sa pagkakatitig sa kanya.
Ba't ba ang gwapo niya pag nakangisi? O gwapo talaga siya kahit ano'ng expressions niya?
"Oo na Kath. Alam ko'ng gwapo ako kaya umupo ka na dito at nang makakain na tayo."
"Wow! Kapal!" sabi ko at umupo na sa tabi niya.
"Bakit? Hindi ba ako gwapo?"
Aba! At nagpa-cute pa ang lalaking 'to.
"Hmm.. Gwapo."
"See? Sabi na eh. Gwapo talaga ako." tumatawang sabi niya habang pinaglalagyan ng pagkain ang plato ko.
Masaya kaming kumain while talking about random things. At nung matapos kami ay tinanong niya 'ko.
"What do you want to do tonight? Do you want to go outside? Bar?"
BINABASA MO ANG
I'll Find Her (KathNiel)
RomanceFATE made a way.. They've meet.. And get into a situation where they need each other as companion.. Would there be feelings that could be develop? Or what they've had for that moment was just purely comfort? Alin nga ba ang mas dapat sabihin nila sa...