***
DJ's POV
"SANDALI!!"
Agad akong umakyat pagkahinto ng bus at nagtanong sa konduktor.
"Is this the first trip to Maynila?"
"Hindi po sir. May nauna na po kanina bago pa mag-alas tres."
"Ganun ba? Salamat."
Nanlumo ako sa nalaman. Hindi ko na talaga siya naabutan. Naghanap nalang ako ng upuan habang iniisip ang mga maaaring gawin upang mahanap si Kath.
Bago pa man makarating ng Maynila ay tinawagan ko na si Diego para magpasundo.
Pagkababa ng bus ay nakita ko agad siya sa may parking.
"Yow dude." bati niya at nagfist bump kami. "Akala ko ba kaya ka nagbakasyon para mag-unwind at magrelax? Eh bakit parang mas malaki ata ang problema mo ngayong nagbalik ka kaysa nung pag-alis mo?"
"Tss. Kakarating ko nga lang nagtanong ka na agad." sabi ko at pumasok na sa kotse niya.
"Well,I just noticed based on your eyebags."
"Pare,hindi eyebags yan. Asset yan asset." sabi ko na tinuro-turo pa ang ilalim ng mata.
"Hahaha. Whatever. Let's see kung makakaganyan ka pa pag makita mo na si tita Karla."
"Ha? Bakit? Anong nangyari kay mama?" agad na tanong ko. Kahit naman nagger yung mom ko,mahal na mahal ko yun.
"Nothing happened to her literally. But,she's so stressed right now."
"Why? As far as I remember wala naman siyang ginagawa. Ni ayaw niya nga na pumunta ng opisina dahil ayaw niyang ma-stress tapos ngayon malalaman ko nalang na stressed siya? Pambihira!"
"Oh,I understand her. Ilang beses na kasing pabalik-balik si Tippy dun at hinahanap ka. And we know how tita hated her so much."
"What?! Tss! That woman!"
"Haha. I know dude. So ano,diretso na tayo sa bahay niyo?"
"Yeah. Gusto ko na ring maka-usap agad si mama."
Makalipas ang halos mahigit isang oras ay nakarating na din kami sa bahay. Bumukas ang gate at pinasok ni Diego ang kotse,pinarada sa harap mismo ng bahay.
Agad lumabas si mama at hindi pa man tuluyang nakakababa si Diego ay umandar na ang machine gun niya.
"Oh Diego,nakontak mo na ba ang hinayupak mong kaibigan? Ano,uuwi na ba siya?"
"Ah tita kasi----"
"Pasaway talaga ang batang yun! Sinabi na kasing wag sa babaeng yun ayaw parin makinig! Hayy! Nae-stress ako!"
Whew! Buti nalang hindi ako yung unang bumaba.
"Ah tita,actually po nasa loob ng kotse si DJ."
"Ano?! Hoy! Bumaba ka jang lalaki ka!"
Patay!
Dahan-dahan akong bumaba sa kotse.
"Ano ba?! Ang bagal. Bilis!"
"Hi ma." sabi ko at agad humalik sa kanyang pisngi. "Aray! Namiss din kita ma,sobra." Batukan daw ba naman ako? Tss.
"Hoy ikaw na bata ka! Wag mo 'kong dadaanin sa ganyan ah? At hindi mo na 'ko mabibilog ngayon."
"Ma,hindi na kita kailangang bilugin kasi bilog ka naman na." nagpipigil tawa na sabi ko.
"Aba't! Hoy! May kasalanan ka pa sakin. Baka nakakalimutan mo?"

BINABASA MO ANG
I'll Find Her (KathNiel)
RomanceFATE made a way.. They've meet.. And get into a situation where they need each other as companion.. Would there be feelings that could be develop? Or what they've had for that moment was just purely comfort? Alin nga ba ang mas dapat sabihin nila sa...