Chapter XI
Kath's POV
Ngayon na dapat ang kasal namin ni Quen. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari dun. Natatakot akong buksan ang cellphone ko kaya hanggang ngayon ay nakapatay pa din ito.
Andito lang kami ni DJ sa hotel. Tinatamad kasi kaming mamasyal. Kakatapos ko lang maligo at andito pa 'ko sa harap ng tokador. Naka-upo at kasalukuyang naglolotion.
Hindi pa ako nakakapagbihis at nakasuot pa ng roba habang si DJ ay nasa loob pa ng banyo at naliligo.
Kumusta na kaya sina mommy at daddy? Ayos lang kaya sila? Eh sila Julia,Miles,Kiray at Yen kaya?
Siguradong nabigla silang lahat kung bakit hindi ako sumipot sa sarili kong kasal. Nagtataka siguro sila ngayon dahil ang alam nila dati pa lang kung gaano ako ka-excited na dumating ang araw na 'to.
Kasama ko kasi sila sa pag-aasikaso sa mga detalye ng kasal. Pero,NOON 'yun! Nung hindi ko pa alam ang tunay na pagkatao ni Enrique.
Naisip ko tuloy kung totoo kayang minahal din niya 'ko? Or all he have for me are pure lust? Hindi man lang nakapaghintay! Pasalamat lang talaga ako that I never give myself to him.
Matagal na niya ako'ng inaaya na gawin ang bagay na 'yun pero,kahit ano'ng pilit ko sa sarili ko ay hindi ko siya mapagbigyan. Ngayon,naiintindihan ko na kung bakit.
Hindi siya karapat-dapat dahil BABOY siya!
"What are you thinking hmm?" sabi ni DJ na yumakap sa akin sa likod at binaon ang kanyang mukha sa 'king leeg. Hindi ko napansin na lumabas na pala siya.
Nakabalot lang ng tuwalya ang kalahating bahagi ng kanyang katawan at tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa balikat hanggang dibdib.
Napatitig ako sa mukha niya sa salamin at napalunok. Kinikintalan ni DJ ng mumunting halik ang aking leeg at marahang hinahaplos ang aking mga balikat.
Nag-iinit ang buong katawan ko dahil sa kanyang ginagawa. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na humahaplos sa aking balikat kaya napatingin siya sa akin sa salamin.
Nagkatitigan kami at kitang-kita ko ang nangungusap niyang mga mata. Tumayo ako kaya napatayo din ng maayos si DJ. Pumunta ako sa harapan niya at pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
Yumuko si DJ para salubungin ang nananabik kong mga labi. He kissed me as if there's no tomorrow and I responded his kisses to the same intensity.
DJ's POV
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Kath na nakatungo sa harap ng tokador kaya nilapitan ko siya't niyakap.
"What are you thinking hmm?"
Binaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Ang bango talaga ni Kath! Kaya hindi ko napigilang halikan siya sa leeg habang hinahaplos ang kanyang balikat.
Iba talaga ang epekto ni Kath sa akin. Nakikita ko pa lang ang maganda niyang mukha ay natu-turn'on na 'ko. Hindi naman ako ganito kay Tippy noon.
Minsan nga si Tippy pa ang gumagawa ng paraan para tayuan ako. Pero kay Kath,wala pa siyang ginagawa at konting galaw niya lang ay tumatayo na 'yung akin.
Hinawakan ni Kath ang mga kamay ko na nasa balikat niya. Pagdampi pa lang ng kamay niya ay nanindig na 'yung mga balahibo ko sa batok kaya napatingin ako sa kanya sa salamin.
Nagkatitigan kami at hindi ko na maitatago pa ang nararamdaman ko.
I need her. I need Kath in my life because I love her.

BINABASA MO ANG
I'll Find Her (KathNiel)
RomanceFATE made a way.. They've meet.. And get into a situation where they need each other as companion.. Would there be feelings that could be develop? Or what they've had for that moment was just purely comfort? Alin nga ba ang mas dapat sabihin nila sa...