Chapter 2

8 0 0
                                    

"Mommy, I want to be Cinderella!"

"Okay sige pero bago iyon, Nika ito nga pala si Chollo, Chollo this is my daughter, Nika" pagpapakilala ni mommy sa aming dalawa

"Chollo?" Nakangiting tanong ko

"Hello! Nice to meet you" nagshakehands kami at nagulat ako noong lumuhod siya para halikan ang likod ng palad ko.

My prince charming yieee! Kinikilig ako!

Kami ang naging magkapartner sa sayaw at talagang natutuwa ako dahil para talaga siyang fairytale. I feel like I really am Cinderella and he is my prince charming.

"Aray!" Daing niya nang matapakan ko ang paa niya

"I'm sorry"

"Ayos lang, relax Nika, I'm here to guide you" nakangiting aniya

Eh! Parang binabaliktad ang sikmura ko at para akong kinikiliti sa sobrang saya

Is this a dream? If it is, I hope no one will wake me up! I don't want this to end, I don't want my happiness to disappear! I want to stay here and just be with my prince charming

"Eunika! Tapos na yung play, nanood ka ba o bumalik ka nanaman sa nakaraan?" Pag-irap pa ni Alli. Napapadalas yata ang pagsusungit ng babaitang 'to? Bahala na nga siya diyan, sa susunod ko na lang aalamin kung bakit

Sa ngayon, kailangan ko munang batiin ng congratulations si Claire dahil ang daming nanood sa play nila at marami ring nagustuhan ito. Ang galing nilang lahat, I'm so proud of her

"Claire! Congrats sayo"

"Thank you Nika! By the way, may ipapakilala ako sayo" sino naman kaya?

"Bakit?"

"Naghahanap ka ng boyfriend diba? Tutulungan na kita, panigurado namang magugustuhan mo siya"

"Paano mo naman nasabi?"

"Matangkad, maputi, medyo tahimik, mabait, makadiyos, gentleman at mapagmahal" siniko niya pa ako at sumenyas na umayos na

Nasa likod lang naman namin si Alli na lukot pa rin ang mukha. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Dude, siya yung sinasabi ko" sabi ni Claire sa lalaking kaharap namin ngayon

"Siya ba? Nice one dude! So hello uh..."

"Eunika" sabay lahad ng kamay ko

Kumunot naman ang noo niya at parang may inaalala. Bakit? Anong mayroon sa pangalan ko?

"Eunika? Ikaw ba si Cinderella?" Ano daw?

"Bakit?"

"Hindi 'to pick-up line, ikaw ba si Cinderella?" Tanong niya ulit

"Wait! Don't tell me ikaw si..." parang naaalala ko na

"Chollo Agrelauve" nakangising pagpapakilala niya

Tangina! Ang kababata ko na naging crush ko ng sobrang tagal! Ilang taon ko siyang nagustuhan, he was my childhood crush!

Gosh! Talagang dito pa kami nagkita ulit? Hindi man lang ginawang romantic ni destiny

Siya na kaya? Will he already be my happily ever after? Kami na ba ang pinagtadhana? Kasi kung hindi kami ang para sa isa't isa, bakit kailangan pa ulit kaming pagtagpuin?

"You must be Eunika Arevallo, am I right?"

"Naaalala mo pa pala ako" sabi ko sa kanya

"Oo naman. Ikaw lang 'tong nakakalimot eh"

Will he already be my happily ever after? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon