Chapter 1

16 1 0
                                    

Eunika's Pov

"Reize naman! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh"

"Problema mo na 'yan! Bakit ba kasi ang malas mo sa lovelife?"

"Wow! Nagsalita ang hindi" makapang-asar siya akala mo hindi siya malas ah

"Excuse me! Hindi ako katulad mo, talagang focused lang ako sa trabaho ko ngayon" nandito nga ako sa opisina niya at nanggugulo. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko

"Paano na? Ano na ang gagawin ko Reize?"

"Huwag ako ang tanungin mo! Puntahan mo si Ishi at sa kanya ka manghingi ng payo dahil may lovelife 'yon!" Suggestion pa ni Reize na nagbigay sa akin ng pag-asa!

Paniguradong may maitutulong nga sa akin si Ishi! Okay!

"Bye for now Reize! Muah!"

"Sige na! Abala ka sa trabaho ko. Balitaan mo na lang akong bruha ka"

To: Ishi
Mom! Nasaan ka?

Hindi naman nagtagal at nagreply din ang nanay-nanayan ko. Kaibigan ko na sila Ishi at Reize simula pa lang ng highschool at masaya ako na hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin kami

From: Ishi
Off ko ngayon kaya nasa bahay lang ako. Why?

Hindi na ako nagreply sa kanya. Agad na akong pumara ng taxi para makapunta na sa bahay nila Ishi

Kahit gustuhin ko mang magkakotse, hindi ko rin magagamit kasi hindi naman ako marunong magmaneho at wala akong balak pag-aralan iyon. Nakakatakot kaya!

"Salamat po manong" inabot ko na ang bayad at nagdoorbell na

Tamad na tamad namang binuksan ni Ishi ang gate nila para papasukin ako. Nasa front door na ako nang matanaw ko ang isang motorbike sa garahe nila.

Mukhang nandito ang labidabs ni Ishi ah HAHAHAHA

"Ano ba kasing naisipan mo at napadalaw ka dito?" Tanong niya

"Eh! Kailangan ko ng advice, pinuntahan ko rin si Reize pero wala naman siyang masabing matino" pagrereklamo ko pa

*Blag!*

"Oh? Nandito ka pala"

"Dad! I miss you!" Nakipaghigh-five ako kay Jon na boyfriend ni Ishi simula pa highschool.

Kung si Ishi ang nanay-nanayan ko, si Jon naman ang tatay-tatayan ko.

"May gusto ba kayong kainin? Bibili ako"

"Hindi na Jon, busog pa ako" sabi ni Ishi

"Sure ka?" Paninigurado pa niya. So ano?! Papanoorin ko lang sila maglambingan? Sige ipamukha niyo pa sa akin na wala akong lovelife

Mukhang napansin naman nila ako kaya umayos na sila. Hinarap ako ni Ishi at nakita ko ring umupo na si Jon sa tabi ng girlfriend niya

"Sabihin mo na ang sasabihin mo, Nika"

"So ayun nga, hindi ko alam kung tatanda ba akong dalaga o ano! Mom, dad, bakit hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend?" Nagkatinginan naman sila at sabay na tumawa

"Iyan na ba ang problema mo Nika? Atsaka bakit ka ba nagmamadali? Hindi lang naman ikaw ang wala pang nobyo sa barkada ah?" Pagtatanong pa ni Jon

"Eh kasi!"

"Wala kaming maitutulong Nika, ikaw lang ang makakahanap ng para sayo at oras lang ang makakapagsabi kung kailan mangyayari iyon" ani pa ni Ishi

"Atsaka huwag ka kasing choosy sa lalaki! Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh" dagdag pa ni Jon

Will he already be my happily ever after? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon