Chapter 5

12 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas matapos kong malaman na naospital si Chollo pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pumupunta.

Nawawalan ako ng lakas ng loob magpakita doon dahil pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon ngayon

"Nika, ayos ka lang ba?"

"Calvin, paano mo malalaman kung sino ang dapat mong piliin?"

"Ako, Nika. Ako ang dapat mong piliin" kumindat pa siya kaya umiling na lang ako

"Biro lang! Bakit mo ba naitanong iyan?"

"Nevermind. Saan nga ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng topic

"Gusto kitang ipakilala sa lola ko. Nangako kasi ako noon sa kanya na ihaharap ko sa kanya ang babaeng bumihag sa puso ako"

Ano daw? Tama ba narinig ko o nabingi nanaman ako?

"At ako iyon?"

"Oo, ikaw ang babaeng tinutukoy ko"

"Huwag mo nga akong niloloko, Calvin" kunwari ka pa Nika! Kinikilig ka naman! Ayan ka nanaman Eunika kinakausap mo nanaman ang sarili mo

"Kilala mo ako Nika, hindi ako marunong manloko" bumaba na siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto

"Malay ko ba!" Singhal ko sa kanya noong makababa na rin ako

Inalalayan niya ako papasok sa museleo at niluhod niya ang isang tuhod para sindihan ang mga kandilang dala namin

"La, si Eunika po, ang babaeng kinahuhumalingan ng paborito niyong apo"

Nilahad ni Calvin ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon para makaupo sa tabi niya

Tinanggal naman niya ang suot niyang jacket para ipantakip sa thighs kong exposed dahil naubusan na ako ng jeans

"Dapat hindi shorts ang sinuot mo, malamok dito"

"Hindi mo naman sinabi sa akin na sa sementeryo pala ang punta natin" paninisi ko pa

Natahimik kami sandali pero agad ring nawala dahil sa malakas niyang pagbuntong hininga

"Eunika, may pag-asa pa bang maging tayo?"

"Huh?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas"

"Ako? Paano?" Kapag talaga ako pinagtitripan lang ng lalaking 'to, babalik talaga siya sa pinanggalingan niya

"Hindi naman talaga ako manager, ginawa ko lang iyon para may excuse ako na makita ka ulit at makasama sa trabaho"

"Eh ano ang trabaho mo talaga?"

"Ako ang may-ari ng bangko na pinagtatrabahuhan mo ngayon" siya ang ano?! Ganoon na siya kasuccessful?!

Kung sabagay, si Alli nga worldwide na ang mga business, kaya hindi na rin nakapagtataka.

"Simula noong umamin ka sa akin ilang taon na ang nakalilipas, sinubaybayan na kita, hindi kita pinapansin dahil natatakot ako" kuwento niya

"Natatakot saan?"

"Natatakot ako na baka malaman mo rin kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong umamin dahil hindi pa ako handa at isa pa, bata pa tayo noon kaya kinonclude ko na, na maghihiwalay tayo agad kung sakali"

"Pe--"

"Kaya sinabi ko sa sarili ko na babalik ako kapag may maayos na akong hanap-buhay at kapag kaya ko ng gampanan ang tungkulin ko sa buhay mo. Bumalik ako Nika, bumalik ako para sayo"

Will he already be my happily ever after? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon