Chapter 3

12 0 0
                                    

Naglalakad ako sa mall nang maisipan kong pumasok sa isa sa mga restaurant dito.

Napansin ko naman na may isang lalaking kanina pa ako tinitignan. Takte 'yan! Umalis nga ako ng bahay dahil may buwisit na parating pumupunta tapos ngayon namang nasa labas na ako, may isa pang buwisit na titingin-tingin?!

Sino ba 'to?!

Inirapan ko siya at umupo na sa isa sa mga table dito pero ilang minuto pa ang nakalipas, sumusulyap pa rin siya. Inuubos na ng lalaking 'to ang pasensya ko ah!

Tumayo na ako at nilapitan siya, wala naman masyadong tao kaya ayos lang. Ngumisi naman siya kaya lalong kumulo ang dugo ko dahil sa kanya

"Kung makatingin ka naman! Sino ka ba?"

"Sorry miss pero hindi ko naman sinasadyang tignan ka" sagot ng bwisit na lalaking kaharap ko pero halata namang inaasar lang ako.

Paanong hindi sinasadya eh halos bawat kilos ko nakasunod ang mga mata niya!

Tumayo na rin siya at hinarap ako. Nakakainis siya talaga!

"Tss! Sa susunod na makita kitang nakatingin sa akin, hindi na ako magdadalawang isip na dukutin iyang mga mata mo!" Masyado na akong nakakagawa ng eksena dito, gusto ko ng umalis!

Gusto ko na umalis pero hindi ko puwedeng palagpasin ang lalaking 'to. Ang manyak makatingin talaga kanina eh, grr! Baka ulitin niya pa sa ibang babae kaya hindi puwede

"Hindi ko nga sinasadya! Tss, para naman maging gentleman ako sa paningin mo, I am Andrew Ylliavare" Nabingi yata ako noong marinig ko ang pangalan niya. Kaya naman pala bwisit na bwisit ako sa lalaking 'to eh! Halos lahat ng kakilala ko, nilandi ng mokong na 'to

"Andrew Ylliavare?! Edi mas lalong hindi ka gentleman! Kilalang kilala ka kayang matinik sa babae at kung makapagpalit ng gf akala mo mauubusan ka! Che! Diyan ka na nga!" Naghair-flip ako at talagang sinigurado kong tatamaan ang mukha niya

Iniwanan ko na siya na nakatulala doon at nagmadali na. Baka sundan pa ako at resbakan eh, mahirap na mag-isa lang ako

Nakauwi ako sa bahay at nagulat ako sa nakita. Pakshet! Anong ginagawa niyan dito?

Nasa mall siya kanina, paanong nandito na siya ngayon? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Anong klaseng lalaki ba siya? Anong trabaho niya at natunton niya na agad ang lokasyon ko?

At paano niya ako naunahan sa bahay? Nakita ko pang kumain sila ni Amara at nag-usap. Kyaa! Hindi kaya nagteleport siya? Ano ba Nika! Walang ganoon okay? Pero kasi~

"Nakauwi ka na pala Nika" bati sa akin ni Alli nang makababa siya

"Oo at gusto kong itanong sayo kung bakit nandito ang manyak na 'to" inis kong baling sa kanya

"Si Andrew? Pinapunta siya ni kuya Dave, why?" Nagtatakang tanong ni Alli

"Huh?"

"Bakit miss? Akala mo ba sinundan kita hanggang dito?" May panunukso sa pagtatanong niya dahilan para umikot nanaman ang mata ko sa inis

"What? No!"

"Huwag kang mag-alala, hindi ako interesado sayo" kumindat pa ang unggoy

"Excuse me!" Tumabi naman siya kaya nagtaka ako

"Sige, dumaan ka na, ang lawak ng lugar, bakit sa harap ko pa gusto mong dumaan? Ikaw yata ang interesado sa akin miss" AYOKO NA! Sinabunutan ko na siya kaya nagulat siya sa ginawa ko

"Bwisit kang lalaki ka! Panira ka ng ar--"

"Nika? Bakit mo sinisigawan si Andrew? Magkakilala ba kayo?" Bigla namang lumitaw si kuya Dave sa likuran ko kaya ako natigil

Will he already be my happily ever after? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon