Chapter 4

5 0 0
                                    

"KYAAAA!"

"Makasigaw ka naman! Bakit ba?" Tanong sa akin ni Reize

"Hala totoo ba 'to?" Binatukan niya naman ako

"Bakit nga? Ano ba iyang binabasa mo at kung mamilipit ka daig mo pa ang may sakit?"

"Eh kasi~"

"Sasapakin na talaga kita, sabihin mo na kasi"

"Pupunta daw siya dito"

"Sino?"

"Reize anong gagawin ko?"

"Anong gagawin mo? Manahimik ka diyan at manuod na lang"

"Pero pupunta daw siya dito!"

"Sino ba kasi iyang tinutukoy mo?" Naiiritang tanong niya

"Oo nga Nika, sino ba 'yan?" Nanunuksong tanong ng taong nasa likuran ko kaya nilingon ko na

"Alli? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka na makakapunta?" Tanong ko sa kanya

"Ako pa ba? Gusto ko siyang mapanood maglaro eh" sagot niya at hinanap na si Nathan

Kabaliwan talaga ng babaeng 'to sa Nathan na 'yon, halata naman na pinapaasa lang siya.

"Reize, maayos pa ba itsura ko?" Tanong ko sa kanya

"Oo! Sino ba kasi iyang pinagpapagandahan mo? Umuwi na si Chollo kanina ah"

"Hindi naman kasi si Chollo!"

"Eh sino?"

"Basta!" sagot ko

"Basta kamukha niya si Richard Gutierrez" Gulat na gulat si Reize habang si Alli naman ay mapanuksong tinignan lang ako

"Si Calvin?" Tanong ni Reize pero hindi ko siya sinagot

"Akala ko ba hindi mo crush iyon?" Dagdag pa niya

"Hindi nga"

"Eh bakit ka kinikilig?" Wala namang laglagan Allison!

"Masama bang kiligin?!"

"Che! Pabasa nga! Baka imahinasyon mo lang iyan eh" binasa nga nilang dalawa

*Chat*

Eunika Arevallo
Supremo...

Calvin Rivelles
Bakit?

Eunika Arevallo
Naboboring na ako dito :(

Calvin Rivelles
Nasaan ka ba?

Eunika Arevallo
Nasa school pa nga eh tapos wala pa akong makausap

Calvin Rivelles
Bakit? Wala ba tayong schoolmates diyan at nasaan ba yung mga kaibigan mo?

Eunika Arevallo
Umuwi na sila eh kaya ako na lang mag-isa dito

Calvin Rivelles
Papunta na ako, hinatayin mo ako diyan

*End of conversation*

Kinurot nila akong dalawa at pabirong sinabunutan.

"Bilisan mo mag-ayos at baka mapangitan sa iyo 'yon at umuwi bigla" pang-aasar ni Reize kaya sinama ko na si Alli

Will he already be my happily ever after? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon