CHAPTER 4 ~ Clandestine ~

173K 3.3K 171
                                    

CHAPTER 4

FREEZALE'S POV

Nakahalukipkip na nakasandal lang ako sa pintuan ng private room. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang anim na bunks kung saan tulog na tulog parin ang mga mahal na prinsipe. Nakapagluto na ako at lahat pero hindi parin sila nagigising. Mabibingi na ako sa alarm clock nila na kanina pa nagwawala pero lahat sila parang naka-comatose.

Fortunatel, hindi ko kailangan problemahin si Comet at Rushmore. Si Comet at Rushmore ay i-me-meet na lang daw kami sa Ilocos.

Tatlong araw ang itatagal namin sa Ilocos. Ang pangatlong araw ay ang concert. Pagkatapos no'n ay apat na araw naman sa Baguio. Pangatlong araw din ang concert pero nakalagay sa schedule na mag i-istay pa doon ng isang araw para sa pahinga ng band members. Pakatapos no'n ay pupunta kami ng pampanga, tatlong araw din. And last sa manila kung saan mag iistay kami for four days.

Inilibot ko ang paningin sa mga natutulog na miyembro at napabuntong-hininga. Paano sila magigising eh naririnig ko pa sila kagabi na naglalaro ng x-box? Para akong may alagang mga bata.

Lumapit ako sa tinutulugan ni Archer at hinawi ko ang kurtina non. Tinignan ko siya. Akala mo kung sino na isnabero pero natutulog parin pala na may kayakap na Banana in Pajamas na hotdog pillow. "Wake up, Archer."

Dinunggol-dunggol ko ang braso niya pero hindi parin siya nagigising. Hinila ko ang unan na yakap-yakap niya. Napabitaw ako at sinalubong ko ang masama niyang tingin. Parang gusto niya akong bugahan ng apoy.

Hindi ako nagpatinag. "Tatayo ka diyan o sisilaban ko yang unan mo?"

Kumurap-kurap siya na parang hindi makapaniwala na sinisindak ko siya. Masama ang tingin sa akin na tahimik na tumayo siya at pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Nag angat ako ng tingin sa itaas na bunk kung saan naman nando'n ang kapatid ko. Mahirap gisingin si kuya kahit pa noong maliliit pa lang kaming tatlo nila Snow. Pero dahil magkapatid kami, matagal ko ng alam kung paano siya gisingin.

Inabot ko ang phone niya at napataas ang sulok ng labi ko ng makita kong naka-headphone siya. Kinuha ko ang phone ko at may pinasa ako do'n mula sa phone ko at pagkatapos ay pinlay ko at ibinaba sa tabi niya. Umatras ako at hinintay ang reaksyon niya.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali ay bigla na lang siyang napaupo dahilan para mauntog siya sa ceiling ng bus. Pinagmasdan ko lang siya ng dali-dali niyang tinanggal ang headphones niya at kulang na lang ay ibato iyon.

"Goodmorning, kuya."

"You witch!"

"Kakain na. Sandali na lang at makakarating na tayo sa Ilocos kaya kailangan niyo ng maghanda."

Ipinilig niya ang ulo niya at bumaba. Namumutla siya na parang nakakita ng multo. Panigurado akong naiimagine niya ang mga tunog na inilagay ko sa phone niya. Weakness ni kuya 'yan. Kahinaan niya ang mga nakakatakot na sounds, movies at kung ano-ano pang supernatural stuff.

Kumatok siya sa pinto ng banyo. "Anak ng- Archer lumabas ka diyan! Hindi ikaw ang dapat na nauna. Daig mo pa ang babae kung gumamit ng banyo."

"Maghintay ka. Sisihin mo ang kapatid mo eh ako ang unang ginising."

"Naiihi na ako!" reklamo ni kuya Thunder.

"Gumawa ka ng paraan."

Bahagyang nanglaki ang mga mata ko ng makita kong kumuha ng bote ng kung ano si kuya. Mabilis na lumapit ako sa kaniya ng magtangka siyang ibaba ang boxers niya. Inagaw ko sa kaniya ang bote at hinampas ko siya sa braso.

"What the hell kuya Thunder. Gusto mong isumbong kita kay momma?"

"I need to freaking pee!"

Men. Crude, barbaric and disgusting creatures. Mas may etiquette pa ata sa kanila si E.T., partida dahil hindi naman taga-planet Earth iyon.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon