CHAPTER 20
FREEZALE'S POV
Madaling araw na pero hindi ko parin magawang makatulog. Nakahiga lang ako dito sa kwarto ko sa BHO CAMP Headquarters. Kahit anong gawin kong pagpapagod sa sarili ko ay hindi ko magawang makatulog.
Ilang araw na din akong pilit pinatitigil ni Dawn sa pagtatrabaho. Hindi lang sa pagtatrabaho sa BHO CAMP kundi maging sa banda. Napansin kasi niyang namumutla ako parati. Gusto pang gawin lahat ang pwede kong gawin pero hindi ko maitatanggi na masama nga ang pakiramdam ko. Ayoko lang sanang pagtuunan ng pansin dahil trabaho lang ang nakakapagbigay sa akin ng pagkakaabalahan. Kaya ko pa naman.
Kaya ko pa.
Sa mga araw na lumipas iyon ang pilit na sinasabi ko sa sarili ko. Na kaya ko pa, na hindi pa ako puwedeng sumuko. Na hindi pa dapat.
Mahal ko si King. Katangahan man para sa iba pero mahal ko parin ang taong siyang nananakit sa akin ng lubusan. Martir? Siguro. Pero kahit na anong baba ang tingin ko sa sarili ko ngayon, ayoko paring bumitaw. Hindi pa ako bibitaw. Hindi ako bibitaw hanggat hindi ko nasisiguradong magiging ligtas na siya. Dahil kahit sinaktan niya ako at patuloy na sinasaktan, hindi sapat iyon para mabura ang pagmamahal ko sa kaniya.
Siguro umaasa pa din ako. Na naghihintay parin ako. Kahit na imposible na. Kahit na...baka naghihintay na lang ako sa wala.
But I want to give myself a chance. Kung ano man ang magiging resulta pagdating ng panahon na tapos na ang mission ko kay King...tatanggapin ko. Kahit ito na lang. Kahit ang umasa na lang...gusto kong ibigay sa sarili ko.
Kahit alam kong masasaktan lang ako. Gusto ko ng sagadin lahat ng meron ako. Para sa huli alam kong ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin. Na hindi ako nagkulang. And maybe after that...I can find peace in myself.
"AGENT FREEZALE, AGENT STORM HAS ENTERED THE PREMISES."
Napabangon ako bigla at nilingon ang maliit na screen device sa bedside table ko. It's a detector I placed around the BHO CAMP that detect agents that enters the BHO CAMP. Para ito kapag may kailangan ako na kausapin na agent at hindi ko alam kung kelan siya dadating.
Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at hinablot ko na lang ang roba na nakapatong sa isang upuan malapit sa kama ko. Sinuot ko iyon at nagmamadaling lumabas ako ng kwarto dala-dala ang tablet device ko.
Tumakbo ako papunta sa control room habang nagpipipindot ako sa device para buksan ang alarm sa kwarto ng mga agents.
Nang makapasok ako sa control room ay kaagad na umupo ako at sinuyod ko lahat ng monitors. Malalim na hinihinga ang pinakawalan ko ng makita ko si Storm sa isa sa mga monitor. Naglalakad siya papunta sa entrance ng headquarters.
"Freezale? Anong nangyari?"
Nilingon ko si Dawn na nakapantulog pa na pumasok ng control room. Kasunod niya si Hermes, Sky, Adonis at Triton.
Itinuro ko sa kanila ang monitor kung saan ko nakita si Storm. Bago pa may magawang makapagsalita sa amin ay mabilis na nakalabas na ulit si Hermes para puntahan ang kinaroronan ng babae. Mabilis na sumunod din kami sa kaniya. Kung hindi pa napigilan ni Adonis si Sky ay baka tumakbo narin siya patungo sa kinaroroonan ng kapatid niya.
"Out of the way!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong karga ni Hermes si Storm na sugatan. Ang suot niya ay ang siyang suot niya ng panahon na nawala siya. Halata din ang pamamayat niya na para bang bihira siyang pakainin.
"Fucking hell!" Adonis angrily shouted.He was about to help Hermes when Sky suddenly hold his arm.
Naging mabilis ang kilos ng lalaki at nagawa niyang saluhin si Sky ng bigla na lang nawalan ng malay. Halata ang pagkalito sa lalaki sa kung ano ang gagawin nito. "Dalin mo muna sa kwarto niyo si Sky, Adonis. We'll take care of this." sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
ActionLucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that I'm the definition of cold. See? Everything about us just screams 'NO!' WARNING: Please be aware th...