CHAPTER 9
FREEZALE'S POV
Dahan-dahan na umupo ako sa hospital bed. Nangangalay na ako sa kakahiga. Aakalain mo na nalumpo ako imbis na daplis lang sa braso ang natamo ko. Hindi kasi magkandaugaga si kuya Thunder at Snow sa pagbabantay sa akin. Ipinagbilin kasi ako ni Momma at Papa sa kanilang dalawa. Kaya nitong lumipas na isang linggo ay hindi nila ako tinatantanan.
Ang mga bantay ko? Eto kasalukuyang mahimbing ang tulog na kahit bomba ata ay hindi sila magagawang gisingin. Nakahiga sa mahabang sofa si kuya Thunder at Snow. Hindi na nakakapagtakang nagkasya sila dahil halos sampahan na ni Snow si kuya. Sa tabi naman ng kinahihigaan nila ay nakaupo sa isang single sofa si Phoenix at tulog na tulog din.
I grunted when I felt a painful stab on my arm. Masakit pero kaya naman. Inabot ko ang dextrose stand at ikinabit ko don ang dextrose at pagkatapos ay tahimik na tumayo ako at naglakad na palabas. Pupuntahan ko si King. Nasa kabilang kwarto lang siya.
Mas malalim ang tama niya kumpara sa akin pero katulad sa akin ay daplis lang iyon dahil nahila ko siya kaagad. Pero dahil sa kundisyon niya ay nagpasya ang manager niya na i-cancel muna ang concert niya sa Pampanga. Gagawin na lang daw na sa Manila ang concert pero imbis sa maliit na stadium na siyang orihinal na plano ay ang mas malaking stadium na ang kukunin para maka-attend ang mga nagpunta sa concert sa Baguio at makasama rin ang sa Pampanga. Gagawa na lang daw ng paraan ang team para masigurong makakapunta ang mga taga-Baguio at Pampanga. Sa ngayon ay inilipat na kami dito sa ospital sa Manila para mas malapit kami.
Binuksan ko ang pintuan at tuloy-tuloy na pumasok ako. Una kong nakita ay si Archer na yakap-yakap ang dalawa niyang Banana in Pajamas. Ang sumunod ay si Rushmore at Comet na nakahiga sa sahig at tanging comforter lang ang sapin. Si King.? Kasalukuyang may hawak na men's magazine. Manyak talaga.
"Kung cancer lang ang pagiging manyak, matagal ka ng patay."
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ayos ko. Hindi ko pinansin ang gulat niya at lumapit ako sa hospital bed niya. Paniguradong hindi lang siya sanay na makita akong hindi naka-bussiness attire at nakatali ang buhok. Katulad niya ay may suot ako na hispital gown at nakabagsak lang ang buhok ko na nangungulot na hindi lang dahil sa hindi ako nakakapag-ayos nitong mga nakaraan kundi sa kunsumisyon narin kaila Snow at kuya.
"Bakit ka umalis sa kwarto mo, Lady?!" gulat na tanong ni King.
"Hindi malalim ang tama ko."
"Pero-"
"Nandito ako para sa isang proposal."
Napakunot ang noo ko ng bigla siyang suminghap. Sapo-sapo niya pa ang dibdib niya na para bang aatakihin siya. "What?" takang tanong ko sa kaniya.
"You're a pretty girl Freezale."
I wave my hand in dismissal. "My proposal-"
"But I can't marry you."
Napatigil ako at napakurap-kurap. Ano daw? Tama ba ang narinig ko o nabingi ako? Parang may kasuklam-suklam na bagay ang dumaan sa tenga ko. "Ano kamo?"
"I can't marry you- Aray!" sigaw niya ng ihataw ko sa kaniya ang FHM magazine nihya. Kinuha niya sa akin iyon at hinaplos-haplos na parang dinadamdam niya na nagkaroon iyon ng imaginary gasgas.
"Hindi iyon ang proposal na sinasabi ko." sabi ko.
Kumislap ang mga mata niya. "Indecent proposal?"
"I'm not interested with the likes of you."
"Grabe ka naman, lady. Hindi mo ba alam na marami ang magpapakamatay para lang matikman ang kakisigan ko."
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
ActionLucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that I'm the definition of cold. See? Everything about us just screams 'NO!' WARNING: Please be aware th...