CHAPTER 6 ~ Addiction ~

176K 3.4K 249
                                    

CHAPTER 6

FREEZALE'S POV

"Seriously, dude, back off."

"What? Wala naman akong ginagawang masama ah."

May naririnig akong mga boses. Kay kuya Thunder at King. Pakiramdam ko malapit lang sila sa akin. O isa sa kanila ay malapit sa akin. I have this urge to open my eyes. Iyong pakiramdam na parang tinititigan ka. Pagkakaiba lang pakiramdam ko ginagamitan ako ng microscope.

"My sister will bite your head off."

"I swear Thunder. She can really smile."

"Malamang. Hindi naman bato iyan...o yelo."

"Nginingitian din niya kayo?"

"Oo, minsan. Hindi naman talaga palangiti si Freezale. Pero sigurado akong hindi totoong nginitian ka niya. Nag ha-hallucinate ka lang. Bukod sa aming pamilya niya wala ng ibang taong nginitian iyan. Hindi din naman kayo magkaibigan." sabi ni kuya.

"Amazing." said by King with great wonder in his voice.

"You have a death wish."

Unti-unti kong idinalat ang mata ko. Nagtama ang paningin namin ni King na ngayon ay ilang dangkal na lang ang layo sa mukha ko. Para siyang scientist na pinag-aaralan ako.

Hindi ako nag-iwas ng tingin. "Do you play guitar?"

"Umm...yes." alanganing sagot niya na mukhang hindi inaasahan ang tanong ko.

"Do you need to play on the upcoming concert?" I asked again.

"No."

"Okay."

Walang sali-salitang itinulak ko siya. At dahil nasa itaas na bunk ako ay malakas ang naging pagkalabog niya ng humagis siya sa baba.

"Told you." nakangising sabi ni kuya.

"Argh! Shut up, pare."

Itinali ko ang buhok ko at isinuot ko ang jacket ko para matakpan ang tank top na siyang pang-itaas ko. Bumaba ako ng bunk at dinala ang maliit kong bag. Babalik na ako sa private room.

Pinagmasdan ko si King na nagpapaawang tinignan ako. Mukhang hindi naman siya nasaktan. "Anong masakit sayo?" tanong ko.

Kumislap ang mga mata nito at pagkatapos ay umarte na nasasaktan. "Itong ulo ko."

"Bakit braso mo ang hawak mo?"

Napatigil siya at pagkatapos ay napanguso. Natawa na lang si kuya Thunder na pinapanood ang trip ni King habang ako naman ay napapailing na pumasok na sa private room. Ang aga-aga kung mambwisit.

Hindi porke sinapian ako kagabi at naging mabait ako sa kaniya kagabi ay close na kami. Sinapian lang talaga ako. Naalog siguro ang utak ko sa lakas ng pagpapatugtog nila. Aaminin kong maganda ang mga kanta nila pero hindi ko talaga gusto ang napakalakad nilang instrumental.

Napatingin ako sa kama na gulo-gulo ng may naalala ako bigla. Dito nga pala nagbahay-bahayan ang kuya ko at ang latest conquest niya. Nandidiring tinanggal ko ang bedsheet at punda at itinapon iyon sa paanan ng kama. Sisilaban ko na lang mamaya.

Mabilis na pinalitan ko ang bedsheet at ang punda at pagkatapos ay kumuha na ako ng damit at lumabas ng private room. Naabutan ko ang buong banda na kasalukuyang nakapila sa tapat ng comfort room at kinakatok iyon.

"Anak ka ng nanay mo, Archer! Bilisan mo!" sigaw ni King na sapo-sapo na ang dapat hindi hawakan.

"Bakit ba kasi pinauna niyo iyan?" tanong ni Rushmore na nahiga na lang ulit sa isang bunk. Si Comet naman ay umupo na lang sa isang tabi. Tanging si kuya Thunder at si King na lang ang gustong gibain ang pintuan ng CR.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon