●○●○●○●
Makulimlim, wala gaanong tao sa buong paligid.
Nakabibingi rin ang katahimikan, at halos magtago na rin ang haring araw sa kanluran, ang hudyat ng paparating na gabi.
At para sa dalaga, ito ang hinihintay niyang oras,.. ang maging malaya sa mapanghusgang liwanag ng mundo.Liwanag na hindi niya magawang titigan.
Hindi magawang damhin, dahil sa kadahilanang ito ang tutupok sa kaniyang mundo."Shine, are you sure about this? Kaya mo bang talaga?" tanong ng kaniyang katabi bago niya buksan nang tuluyan ang pintuan ng sasakyan.
Sandali siyang huminto, at isinuot ang sobrang tinted na salamin upang maiwasan ang pagkasilaw dala ng liwanag.
May pinong ngiti ang sumungaw sa kaniyang mapupulang labi bago nagsalita.
"Yeah, sigurado na ako. At medyo madilim na rin, hindi na masyadong mahapdi sa balat ang sinag nang araw," magiliw niyang sagot, at tinanggap ang isang makapal na itim na hooded jacket na inabot na nito sa kaniya."Kailangan mo 'yan, and this one."
"Kuya naman--"kaniyang protesta na agad pinutol ng kapatid.
"For assurance, young lady," tipid nitong sabi, at kinintalan ng halik sa noo ang dalaga.
"Call me, if you needed.""I will, don't worry. Thank you.."
"Just for you."Bago lumabas ng sasakyan ay sinipat muna niyang maigi ang orasang pambisig.
Napangiti na lamang siya, dahil ngayon na lamang ulit siya makakalabas, ngunit hindi upang mamasyal, o magkapagsaya tulad nang normal na mga kaidaran.
Sapagkat makakalabas lamang siya, dahil siya ay may kailangan.Isang sulyap ang kaniyang ginawa sa pinanggalingan niya, at bumalik ang mga mata sa isang matayog na istruktura na puno nang liwanag ang paligid dahil sa artipisyal na pang-ilaw mula sa mga poste na nakapaligid dito.
May lungkot na humaplos sa kaniyang puso ng sumagi sa kaniyang isipan na kahit kailan ay hindi na niya matatanaw o magigisnan ang pinangarap niyang liwanag.Dahil ang liwanag na minsan niyang pinangarap ang siyang naging mitsa nang kaniyang lubos na kalungkutan, at pagdurusa na dala-dala pa rin niya hangang ngayon, at maging sa sukdulan nang kaniyang buhay.
"Sunshine, accept it..you will never be happy..mabubuhay kang mag-isa, dahil hindi kanila maiintindihan. At kahit kailan ay hindi matatanggap," mahina niyang bulong sa sarili habang naglalakad na papasok sa naturang pakay na gusali.
May kabilisan ang kaniyang paglalakad, ngunit hindi na iyon alintana pa ng mga nakakasalubong, sapagkat may mga kani-kaniyang pinagkaka-
abalahan ang mga tao sa paligid.
May mga nagmamadali, tumatakbo, at mga nag-iiyakan..
Ngunit sa kabila noon ay may mga ngumingiti pa rin dahil sa sumisibol pa lamang na buhay..At natural na para sa ospital na tulad nito ang ganitong mga senaryo.
'Di na rin ito bago sa dalaga.Isang may katangkaran na babaing nakauniporme ang sumalubong sa kaniya nang sumapit siya sa front desk.
Nakangiti itong may inabot sa kaniyang maliit na puting papel at nang kaniya itong sinilip ay tanging tango na lamang ang kaniyang isinagot dito. Agaran niyang ibinulsa ang maliit na papel sa bulsa, at tinahak ang hallway pakanan.Palingun-lingon siya sa bawat madaanan na silid, dahil hindi niya kabisado ang pasikut-sikot, ngunit napahinto siya sa harap ng isang malaking salamin na bintana kung saan tanaw niya ang kulay kahel na kalangitan.
Humakbang pa siyang lalo upang mapalapit sa makapal na salamin.
Marahan niyang inangat ang kaliwang kamay, at idinaiit sa salamin.May kakaibang init ang humaplos sa kaniyang puso nang masaksihan niya ang tuluyang paglubog ng araw sa kanluran.
Init na gustung-gusto niyang maramdaman.
Init na kailanman ay hindi niya mahanap.Hindi niya maiwasang alalahanin ang nakaraan,..kung saan nanggaling ang kaniyang kinagisnang pangalan.
'Sunshine..you're always be our little darling no matter what, or how. You will be our sunshine.
Even if the whole world can't accept you, we're always here to hold you..'May butil nang luha sa bawat sulok ng kaniyang mga mata, at sa muling pagtulo niyon ay kasabay nang pagkirot muli ng kaniyang puso.
Her life will never be perfect.
Never be a fairytale, 'cause she's the living proof that still standing with regrets, and secrets."I can't shine any longer.."
Ang kaninang mga luha ay nauwi sa isang tahimik na pagtangis.
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay may pares ng mga mata ang panandaliang natuon sa kaniya.●○●○●○●
to be continue...
Unedited...
BINABASA MO ANG
In the Middle of the Night (COMPLETED) ✔
Storie d'amoreIn the Middle of the Night "I always have you." Being alive was a total mistake, 'cause my secrets are filthy.. And searching answers for my undying questions are impossible, but somehow I'd gambled.. And the bait is my own life. This is the price I...