Chapter eight

12 1 0
                                    

Day 3- cooking with love

Angelic's P.O.V

Gumising ako ng maaga dahil kailangan naming ituloy ang pag tatanim sa bukid. Masakit man ang paa ko pinilit ko paring tumayo para tulungan sina Devin at Mang Pedro sa bukirin.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos agad nakong lumabas. Paglabas ko eah nakita ko na nag aalmusal na sina Mang Pedro at ang mga kasamahan niya pati narin si Devin.

"Mam mag almusal na po kayo " sabi ni Mang Pedro saakin.

"Oo nga naman Mahal na prinsesa at mag almusal ka na haha " birong dagdag ni Devin.

"Eto na ho kakain na Mr. " birong sagot ko kay Devin

Pagtapos naming kumain eah agad nakong tumayo pero sabi sakin ni Devin ay :

"Mahal na Prinsesa wag na po kayong sumama baka lumala pa ang pilay niyo ok " pabebeng sabi sakin ni Devin

Gwapo din pala si Devin. Ngayon ko lang napansin. Nasakanya na ata ang lahat haaha matalino,gwapo at mabait pa hindi nga lang mayaman

Pinakita ko sakanya na magaling nako sumayaw ako para lang malaman niya na ok na ang paa ko pero ang totoo masakit parin. Gusto ko kasing makatulog kaya sinabi ko iyon sakanya.

"Magaling nako!! Oh diba nakakasayaw nako magaling nako !! Sasama nako ok ??" Pangugunglit na sabi ko sakanya.

"Mahal na prinsesa wag na makulit kaya na namin to mag pahinga ka na Lang ok " pilit na sabi niya sakin.

"Bagay po talaga kayo mam at sir " ang sabi ni manang loleng samin.

Si manang loleng ang asawa ni Mang Pedro ang may ari ng mga kubong tinutuluyan namin .

Napangiti ako sa sinabi ni Manang Loleng samin at Nag oo nalang ako dahil di naman ako mananalo sakanya . Agad narin siyang nag paalam sakin para makasunod na kina Mang Pedro.

Simahan ko nalang si Manang Loleng sa pagluluto para kina Devin, Manong at sa mga iba pa nilang kasamang nag tanim.

Hindi alam ni Manang Loleng na marunong akong magluto.

"Manang Loleng pwede po ba akong mag request sainyo ??" Ang sabi ko kay Manang Loleng.

"Opo naman po ano iyon ??" Tanong ni Manang Loleng saakin.

"Pwede po ba na ako ang magluto para sa kakainin natin ngayon tanghali ?? " sabi ko kay Manang loleng

"Cge po. Marunong po kayong magluto ?? " gulat na tanong ni manang Loleng saakin.

"Ahm opo eah " sagot ko kay manang

Nagsimula na akong mag luto. Nagluto ako ng kare-Kare, Afritada, bangus at iba pa. Pagtapos kong magluto eah agad na naming hinatiran ng baon sina Devin at iba pa.

Dahil pinangbalot ng mga kasama ko ang mga kani-kanilang asawa eah pinangbalot ko na si Devin dahil wala naman mang hahatid ng pagkain niya kundi ako.

Pagdating namin sa bukid eah sumagana samin ang mga ngiti nilang habot hanggang tenga. Binigay ko kay Devin ang hinanda ko para sakanya at inasar kami Nina manong Pedro at iba naming mga kasama.

Ayieeee bagay sila...

Umamin na kayo....

Alam naman namin na gusto niyo ang isat isa eah...

Ngumiti nalang kami at inenjoy ang pagkain na niluto ko para sakanila.

Ang sarap naman nito....

Ahmmmm......

Sarap ng kare-kare at bagoong ahmmmm....

"Mahal ang sarap naman ng luto mo " ang sabi ni Mang Pedro kay Manang Loleng

"Mahal Hindi ako ang nagluto niyan si mam Angelic " sabi ni Manang Loleng sa kanyang pinaka mamahal na asawa.

Biniro na nanaman nila ako haha

Mam pwede na po kayong mag asawa haha ......

Wala na silang hahanapin pa. Maganda na at marunong pang magluto...

Ligawan mona si Mam Angelic, Devin ayiee.....

Tumawa nalang ako at sumabay narin kaming kumain nina Manang Loleng. Pagkatapos kumain eah agad nagpaalan sa Devin na babalik na siya sa pagtatanim. Para agad silang matapos at agad makauwi.Nagpaalan narin ako na aalis na Kami ni Manang Loleng dahil kami nalang ang naiwan haha.

Bad girl Fell In Love With A Good BoyWhere stories live. Discover now