6:56 am
Lee Hayi
Active NowHanbin : Goodmorning.
Hanbin : Dumaan ako sa inyo sabi ni Haru maaga ka raw umalis. San ka?
Hanbin : Nga pala wala si Jennie ngayon, a-absent kasi masama pakiramdam niya eh.
Hanbin : Samahan mo naman ako sa kanila mamaya oh?
Seen 7:04
────────────
[Hanbin's]
"Kanina ko pa chinachat si Hayi pero hindi pa rin sumagot, may problema kaya yun?" Nakapangalumbaba kong tanong habang kumakain ng pringles na dala ni Jiwon, malamang dinekwat na naman niya to sa package ng kuya niya.
"Manhid talaga tangina. " bulong ni Jiwon habang punong puno ng siopao yung bunganga niya, may tulo tulo pa ng sauce kingina dugyot. Hindi ko na rin inintindi yung sinasabi niya kaya hinayaan ko nalang, pag ikaw talaga nabulunan diyan.
"Tagal niyang sumagot, magpapasama sana ko sa kaniya kila Jennie mamaya eh, kasi masama pakiramdam niya." Magpapasama kasi talaga ko kay Hayi dahil nahihiya akong pumunta mag isa dun, tsaka si Hayi kasi yung pinaka komportable kong kasama e. Sana replyan na niya chat ko.
"Alam mo, bukas makalawa di mo mamalayan mawawala na yung taong pinakamahalaga sayo, di ko alam kung bobo ka ba o bobo ka eh, na sa harap mo na, manhid ka lang." Ani ni Jiwon.
Ano ibig niyang sabihin? Tss. Kung wala si Hayi ako nalang pupunta kila Jennie para makapag rehearsal kami kahit konti.
YOU ARE READING
asymptote » hanbin ;
Short Storyi kon epistolary #1 •can get closer and closer but will never be together. •Hanbin x Hayi fanfic •started : 11-05-17 • finished : 04-26-19