[Hanbin's]"Isang buwan na mula nung umalis si Hayi noona" Alam ko Chanwoo. Kamusta na kaya siya? Deactivated lahat ng accounts niya, ultimo si Suhyun na dikit kasangga niya, walang balita.
"Isang buwan narin tayong puro inom" sabay sabay nilang sabi at tiningnan ko naman sila ng masama. Paki ba nila kung puro inom? Atleast tulog agad pagtapos, wala ng sakit. Hindi ko naman pinapabayaan acads 'ko eh, may tinira pa naman akong tino para sa sarili ko.
"Isang buwan ng KTV BAR ang bahay namin doi, ano plano mo?" tinapik tapik ni Jiwon ang mukha ko. "Gising na gago di ka na babalikan nun. Gago mo kasi!" Alam ko namang ako may maling desiyon eh. Pero pag uwi namin galing Zambales nakipag hiwalay na kaagad ako kay Jen, oo magkabilang pisngi ko ang minarkahan ni Jennie ng sampal pagkatapos ng usap namin na 'yun. Alam kong mali ako, nasakatan ko siya. Ikaw ba naman magsabi sa babae na gustong gusto mo siya tapos makikipaghiwalay nalang basta basta.
I believe
We shouldn't let the moment pass us by
Life's too short
We shouldn't wait for the water to run dry"Hoy kanta ko 'yan!" agaw ko kay Donghyuk ng mic. Kanina pa puro kanta niya nandyan eh, kaisa isa na nga lang tong akin. Pag bigyan niyo na ko, ngayon lang 'to tapos susupalpal ko na ulit kay Dong pagtapos.
Think about it
'Cause we only have one shot at destiny
All I'm asking
Could it possibly be you and me?Tumayo na ako at humugot ng lakas para sa chorus. Eto na bubuhos ko na lang sa kanta lahat.
So if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'd stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you!!!!"Sakit sa tenga bwisit"
"GAGO BIGAY MO NALANG ULIT KAY DONGHYUK YUNG MIC!!"
"Maawa ka sa mga kapitbahay ko BhOsxz Ilong"
Bahala kayo diyan, tatapusin ko tong kanta na to.
━━━━━━━━━━━━━━━
[Hayi's]
It's been a month since kung umalis ako sa pinas. Medyo mahirap dahil wala akong kaagapay dito kaya thankful ako kay Katie na kasama ko sa dorm dahil pinay siya, exchange student. Thank God dahil may g-guide saakin tho marunong naman ako ng kaunting salita at sulat pero iba parin kapag may kasama kang kababayan mo.
"Asan na ba yung milkshake at footlong kong inistock rito?" luminga linga ako sa ref dahil wala nanaman ang stock 'ko.
Mula nung dumating ako rito palagi nalang akong kain at tulog. Madalas akong maglaway sa milkshake at footlong nitong mga nakaraang araw lalo na kapag madaling araw talagang kumakalam ang sikmura ko't naglalaway ako sa mga pagkain na yan. Sa umaga naman, parang binabaligtad ang sikmura ko dahil palagi akong nagsusuka at nahihilo. Siguro dulot yun ng maraming pag lamon ko sa madaling araw at sa umaga ko ilalabas lahat. Iniisip ko na baka nag a-adjust pa ang sarili ko sa panahon at takbo ng oras dito kaya ganito ang routine ko sa araw araw.
Sa isang banda, iniisip ko rin na may nabuo kaya kami? Minsan kasi maihahalintulad ko yung mga ginagawa ko sa mga sinyales ng buntis dahil ganitong ganito ang mama ko nung ipinagbubuntis niya si Haru. Umaasa ako na sana wala, dahil napakarami ko pang pangarap sa buhay. Kung may mabuo talaga, tatanggapin ko siya ng buong puso. Mamahalin ko siya at pakalakihin. Sa ngayon wala akong planong alamin dahil hindi ko alam ang mangyayari at pwedeng mangyari.
━━━━━━━━━━━━━━━
Happy 1k votes asymptotes uwuuuu thankyou thankyou guys, hindi ko talaga 'to expected enjoy reading paki sapak narin si Hanbin for me pls. Nangigil na ko diyan eh hahahaha charing, basta yun thankyou faam!!!
PS : Stay by Cueshe yung kinanta ni Hanbin kung gusto niyo pakinggan. Napaka nostalgic niyang kanta na yan for me.
YOU ARE READING
asymptote » hanbin ;
Short Storyi kon epistolary #1 •can get closer and closer but will never be together. •Hanbin x Hayi fanfic •started : 11-05-17 • finished : 04-26-19