《¤CHAPTER 4¤》

848 17 13
                                    

Beatrix's POV

Habang naglalakad kami napansin kong napakatahimik nya. Ang boring naman nyang kasama kainis!

"What are we going to buy?"walang gana nyang tanong. Di ba toh marunong ngumiti.

"Non of your business"sabi ko sabay irap. Nakakaboring bwiset. Dapat pala si jayson na lang ang saya saya kasama.

"I'm just going to comfort room for a minute"sabi nito. Pinigilan ko sya.

"Pigilan mo yang pantog mo kanina ka pa nasa RP di ka pa umihi"inis na sambit ko. Ngayon pa nya naisipang umihi tampalin ko kaya sya. Kumunot ang noo nito.

"RP?"takang tanong nya.

"ROYAL PLACE"maikli kong sagot sabay pasok sa grocery store. Nauna ako sakanya maglakad para kasing naglalakad sa buwan yung lalaking yun bagal bagal. Kumuha ako ng snacks tapos mogu mogu na iba iba ang flavor baka kasi maarte ang mga surots na yun ehh.

"Ano pa ba ang gusto ng mga yun?"tanong ko sa katabi kong nagtutulak ng cart na puno ng snacks at drinks. Ang sungit ang seryoso ng mukha ng louise na toh.

"Baka ikaw kasi kanina ka pa nila pinag aagawan ehh"pabalang na sagot nito.

"Ah sige appakain na lang ako saknila" sabi ko ng nakangisi. Nanlaki ang mata nito na medyo nakaawang pa ang bibig.

"S-seryoso ka? Nagbibiro lang naman ako ehh"sabi nito na nanlalaki pa rin ang mata. Medyo natawa ako sa itsura nya.

"Naniwala ka naman? Hahaha"natata-  wa kong sabi. Sumeryoso ulit ang mukha nya psh. Miski biruan di sya makasakay sa trip.

"We like cookies"maikli nyang sabi kaya hinatak ko agad sya kung saan madaming makukuhang cookies. Kinuha ko lahat ng klase ng cookies tsaka pumunta sa counter. At nanlambot ako ng makita ang mahabang pila. Hmm... sorry to say mautak ako kaya may kalokohang tumakbo sa utak ko. Pumila kami para sa matayanda at buntis lang.

"Why did we fall in line in here? Are you pregnant?"bulong saakin ni louise. Umiling ako sabay ngisi.

"Ah! Hon ang sakit ng tyan ko sabi pa naman ng doctor natin mahina ang kapit ni baby ace medyo humihilab ang tyan ko mamaya pacheck up tayo ahh"sambit ko na parang totoo akong nasasaktan habang nakahawak sa tyan ko.

"W-wha.."di ko pinatuloy ang sasabihin nya tsaka ako humawak sa braso nya na para bang hirap na hirap ako.

"Ah una na kayo oh"alok ng matanda sa harap namin. Nasa pangatlo pa lang kami.

"Ahh hon! Ang sakit"sabi ko sabay hawak sa tyan ko. Kumunot ang noo nito.

"Ahh neng una ka na ohh"nasa unahan na kami at sa wakas kami na ang nasa unahan.

"Ang bata pa lang buntis na tsk tsk kabataan nga naman oo"bulong ng matanda sa likod namin. Tapos na kami tsaka ko binayaran tatlong karton ang dala namin dahil sa dami.

Nakita kong may mga lalaking naka masid samin. Don't forget na MGA ang sinabi ko.

Nagiba ako ng way para hindi agad kami dumuretsyo sa RP. Pumunta akong KFC para sa dinner namin. Umorder na ako nung maramihan para wala ng kulang actually sobra pa nga ang binili ko. Lumabas na kami.

"May mga lalaking nakamasid saatin" bulong saakin ni louise. Tinignan ko sya sa mata at nakakita ako ng... pag aalala? Baka hindi.

"I know di ako manhid"sagot ko sakanya sabay irap. Nagpatuloy kami sa naglalakad hanggang napansin kong wala na sila siguro napagod na.
Pumunta na kami sa RP. Pinindot ko ang code pero nakaharang ang katawan ko para hindi nya makita yun.

WHEN MAFIA PRINCE MEETS GANGSTER PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon