Here is the list of Christianity Starter Pack. Are you ready to be a Christian?? Have these.
TIME. Sinadya ko talagang ilagay sa una ang time dahil kapag wala kang time para i-honor si God, 'yong susunod ay wala na rin. We all know that time is important kasi nga Time is Gold. Let's say sa isang relationship, time is necessary kasi once na you don't have a time for your partner mararamdaman niya na hindi siya importante sa'yo. Kunting time lang hindi mo maibigay kaya ang ending maghihiwalay kayo. Parang kay God lang, he needs our time para i-honor siya. Alam mo bang nasasaktan si God once you are spending your time with a nonsense things. Idagdag ko lang, "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan". Kahit na isa kang estudyante pwedeng pwede mo pa rin ma-honor si God. Sa church kasi namin, mayroon kaming Youth Service (a gathering of a young people to praise, worship and listen to the word of God) every Thursday or Friday. If hindi naman pinayagan ng parents, have time to talk to God. Mag-pray ka o have a quite time with him. Kung gusto mo naman marinig o malaman ang response ni God, Read your Bible.
MONEY. Nilagay ko rin ang money dahil kapag uma-attend ka ng Church at hindi ito walking distance sa inyo ay kakailanganin mong sumakay. Money is a medium of exchange kaya ginagamit mo ito for fare. Isa pa, hindi mo rin masisisi 'yong sarili mo kung magutom ka diba kaya bibili ka nang makakain. Share ko lang, sabi nila "The root of evil is Money". Totoo naman ito pero I think mas tama 'yong "The LOVE of money is the root of evil". Kaya iwasan natin magkaroon ng mata na Peso sign.*jest Isa lang naman kasi ang master natin eh, Si God lang 'yon. Kaya huwag tayong magpapasilaw sa pera kasi minsan temptation lang 'yon from the evil. You should also learn to allocate your money. Kapag estudyante ka at natanggap mo na 'yong allowance mo for a week o kaya naman kapag nagtratrabaho ka na at natanggap mo na ang sweldo mo, ihiwalay mo na ang 10% nito for Tithes and syempre kapag blessed ka naman give the offering. Hindi mo naman kailangan ng maraming pera. Ang mahalaga rito ay you invest your money to the kingdom of God. Marami ka ngang pera pero wala kang Bible edi wala rin.
BIBLE. An instrument to know about God. Let's say na isa kang student tapos wala kang books or modules, 'yong source mo lang sa pag-aaral mo eh 'yong mga notes mo. You think magiging effective student ka? Hindi diba?. Parang tayong mga Follower ni God, hindi natin makikilala si God kapag wala tayong Bible. 'Yong understanding lang natin ay nakadepende sa knowledge ng iba. Idagdag ko pa, kapag student tayo ay syempre kailangan nating makinig sa mga sasabihin ng teacher natin. Book ang source ng Teacher sa pagtuturo at para hindi maligaw o maka-relate tayo sa discussion nila ay kailangan natin ng Book. Know my point? Teacher represents the Pastors and of course the Book represent the Bible. Most of the time, pinag-aaralan sa Church ay ang mga scriptures sa Bible. Have your Bible and be connected to God. Isa pa, kapag may Bible ka naman na, iwasan mo itong malagyan ng kalawang. My point here is, read your Bible everyday. Recommended din 'yong devotion natin.
OPEN MIND AND HEART. Internal naman ito. Umpisahan natin sa Open Mind. It needs to empty your mind and fill it a word of God. Kailangan walang worry or problem sa utak mo kasi hindi ka makaka-focus sa sinasabi ng Pastor. 'Yong illustration dito ay, pumunta kayo ng Family mo sa dream place mo. You went there to have fun and seize the moment. Pagkarating niyo roon ay bigla mong naalala na may mga assignments kang kailangang i-pass tomorrow. You think mae-enjoy mo 'yong bonding niyo knowing na may kailangan kang i-rush. Hindi diba? My point here is kailangan open 'yong mind mo. Pero base sa experience ko, kapag nandoon na ako sa church eh automatic na nawawala 'yong nasa isip ko at masaya 'yong pakiramdam ko. Open your Heart also kasi expect na you'll meet other people. Magiging part ka ng Spiritual Family. Open your heart kasi io-open mo 'yong life mo sa iba. Hindi mo naman kasi magiging close ang isang tao kapag once lang kayo nag-usap. Kapag nag-open ka ng life mo sa kanya ay ibig sabihin nagtitiwala ka na sa taong 'yon. Parang sa relationship natin kay God, hindi natin siya makikilala kaagad kapag hindi natin siya kinakausap o kaya naman hindi natin ino-open 'yong life natin sa kanya. We need to open our heart and experience the unconditional love of God.
GOOD MOTIVE. One of the most important thing that we need to have. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, dapat si God ang purpose mo hindi si Crush. Pumupunta tayo sa Church dahil sa presence ni God at hindi kay Crush. Normal lang na magkaroon ng Crush kasi it gives us inspiration. Pero paano kapag 'yong Crush mo na 'yan eh nag-backslide? There is a tendency na mawawalan tayo nang gana pumunta ng Church. Kaya dapat si God ang motive natin kasi kailanman hindi tayo iiwan sa ere. Si God lang wala ng iba pa.
That's all for this part. I know meron pang mga possible starter pack sa pagiging kristyano. Comment down below at suggest kayo ng pwede nating pag-usapan. Thank You. Keep on reading.
YOU ARE READING
A Life of a Christian (Christian's Life)
SpiritualEvery Christians can relate to this book. I want everyone to be encouraged with every part of this book. Maybe God gave me this platform to share His goodness to everyone who believes in Him. Some part of this book is written in Filipino, upon know...