chapter 19

51 3 3
                                    

AN:miss my kuya kaya naisama na naman sa drama ko si kuya blue..anyway nagmumukmok na naman si red...hehehe but pls vote and comment..thank you..

Red's pov

"red hindi ka ba talaga sasama?"

ang lakas talaga ng boses ni kuya green nakakainis..late na ako nakatulog kaya ayaw kong sumama and maganda na ring rason yun its better para di ako makasama sa graduation ni kuya indigo

"RED"

"hindi na kuya green inaantok pa ako..kaya please wag ng makulit"

tumayo na ako at pumunta sa banyo ko at naghilamos

napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mga malalaki kong eye bags..natakot nga ako eh..paano naman ilang araw na akong umiiyak at nagkukulong sa kwarto simula noong huling makausap ko si max. nagpapadala na nga ako ng pagkain sa kwarto ko. alam kong nag aalala na si mama at ang mga kapatid ko pati na rin si lolo ng minsang napadalaw ito..kinausap pa nga nya ako...si lolo lang ang nakapasok sa kwarto kahit sila kuya at mama ay hindi na nakakapasok simula ng ikulong ko ang sarili ko sa kwarto ko

nakalabas na ako ng may kumatok sa kwarto ko..type kong buksan ang pinto kaya binuksan ko na lang...si kuya blue ang pumasok..hinayaan ko na lang sya at niligpit ng maayos ang bed ko..malinis ang kwarto ko kaya di nya ako malalait dun..ako lang naman ang pinakamalinis na kwarto sa kanila..

"so hindi ka talaga pupunta?"

"hindi kuya blue hindi kasi ako makakatulog kagabi kaya puyat pa ako medyo nahihilo pa ako baka hindi ko kayanin ang sakit ng ulo ko"

umupo ako sa may bintana ko nakikita kong nag reready na sila kuya indigo,green at si mama at mukhang kasama pa si lolo

"red ilang araw ka ng nagkukulong dito si lolo pa lang ang nakakapasok dito. ayaw nya nga sabihin bakit ka nagkukulong..nangako daw kasi siya sayo na wag sabihin sa amin."

hindi pa rin ako nagsasalita at nakatingin sa labas...para kasing ang ganda ng araw gusto ko lumabas siguro lalabas ako mamaya pagkaalis nila kuya

"alam ko kung bakit ka nagkukulong red"

napatingin ako kay kuya blue nakaupo na sya sa bed ko..pero hindi ako natakot sa kanya...alam ko sya ang pinaka matalino sa amin kaya ginagamit nya na naman ang psychology niya sa akin...pero di ako sumagot at tumingin ulit ako sa labas

"red alam ko kung sino ang taong iniiyakan mo..sinabi sa akin ni kael"

doon nya nakuha ang atensyon ko...

"kuya blue please wag kang gagawa ng kahit na ano..wala syang kasalanan ako ang may gustong umiwas sa kanya.kaya wag kang gagawa ng kahit ano"

"aha sabi ko na nga ba eh heheheh mahuhuli din kita."

tsk kainis nauto na naman nya ako..tumingin ulit ako sa labas...tutal di naman nya alam ang pangalan ni max

"pwede ba umalis ka na baka malate ka lang sa gradution mo"

medyo naiiyak na naman ako dahil naalala ko na naman si max..gusto ko sya makita...gusto ko sya yakapin at icongratulate sya..gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko sya

"red?"

naramdaman kong lumapit si kuya blue at hinawakan ang balikat ko..doon na tumulo ang luha ko pero tumingin ako sa ibang direksyon para di makita ni kuya Blue

"red alam ko nasasaktan ka ngayon pero alam mo ring hindi mo sya pwedeng layuan..kung ano man ang dahilanng paglayo mo ay dapat mo pa rin harapin kung ano man ang problemang hinaharap mo"

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon