HER Point of View
Monday ngayon at maganda ang araw, literal huh!
Walang pagbabadya ng ulan, kaya sobrang masikat ang araw.
Gusto ko yung ganitong panahon.
Ayoko ng umuualan.
Ewan ko kung bakit pero, pag kasi makulimlim at umuulan, nalulungkot ako.
Kaya gusto kong laging ganito ang panahon.
Papasok na ko at kasalukuyang naglalakad sa school ground ng mga oras na yun. Yung mga puno, parang ang saya saya nila pag ganitong panahon, napapangiti din tuloy ako habang pinagmamasdan sila.
Hindi ko alam, pero, parang magiging maganda ang araw ko. Mabuti yun kasi start ng week, pag naumpisahan na maganda ang araw, tuloy tuloy na yun hanggang Sunday diba.. :D
Pero pagpasok na pagpasok ko sa school building, nag-iba ang ihip ng hangin.
Yung inaakala kong magandang araw, parang maglalaho ng parang bula.
Habang naglalakad ako, papunta sa room ko, napansin kong nakatingin sakin yung mga estudyante, most of them were girls. Their eyes were stuck on me while I’m walking, parang na glue nga eh, sinusundan talaga nila ko ng tingin.
Lalo nang nawala yung mga ngiti ko when I saw some girls sitting at the corner while holding their cellphone at umiiyak.
Wait.. Are they crying??? Isip ko.
Ano kayang problema at umiiyak ang mga to? Ang weird!!!
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero habang naglalakad ako, parami ng parami yung mga babaeng nagsisipag iyakan. Ang weird weird lang dahil umiiyak sila pag nadadaanan ko sila, and the worst part here, pinagbubulungan nila ko.
What are their problems? Ano kayang ginawa ko sakanila?
Nagulat ako dahil isang babae ang sumigaw nang..
“Gabbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbby!!!! huhuhuhuhu”
Sabay iyak.
Teka, Gabby daw? Ano kayang nangyari? Hala.. Patay na ba si Panget??? <Evil Laugh>
At last! Nakarating din sa destinasyon ko.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang eto na ang bumungad sakin.
“Congratulationssssssssssssssssssssssss!!!!!!”
Boooooooooooooooooooooooooooooom!!!!
Ow Em Gii!!! Anong kalokohan to?
Lahat ng classmates ko, specially Rhainne, parang mga sirang sinalubong ako. At anong sabi nila? Congratulations? Ano naman kaya yun? At eto pa ang malala may confetti pa sila, yung sumasabog. Si Ashley? Ayun nakaupo habang nakangiti sakin. Ako naman blanko ang itsura, sino ba namang hindi maguguluhan sa mga nangyayari diba? Kung talagang deadbol na si panget, hindi naman siguro ganito kasaya tong mga to diba? kaya yung conclusion kong yon, si-net aside ko na.
BINABASA MO ANG
He Made Me believed in Magic!
Teen FictionAng istoryang ito ay ginawa para sila ay ma-inlove sa isa't isa..