CHAPTER 1-🍓

1.3K 48 53
                                    

PROLOGUE

AGAD inipit ni Lily sa ilalim ng kumot ang hawak na notebook nang marinig ang pagpasok ang mga bisita. Doon lang naman nakasulat ang mga mababantot na salita na kanina pa lumilipad sa kanyang isip. Nag-drawing din siya ng pangit na monster na kulay berde.

"Lily, dinalhan kita ng fresh flowers para sa kuwarto mo," sabi ng pinsan niyang si Ara na dumiretso sa banyo para lagyan ng tubig ang dalang flower vase.

"Mas nagkakakulay na ang balat mo, magandang senyales iyan na mas bumubuti na ang kalusugan mo," saad naman ni 'the ever kind' Gavin, ang boyfriend ni Ara. Huminto ito sa gilid ng kama.

"Magandang umaga, My Lady," si Mali, ang mabait na kasambahay.

Sa kabila ng magandang bungad at bati ng magkatipan at ni Mali, isang tango lang ang tinugon niya at nanatiling walang emosyon ang mukha.

"Ayan, 'di ba ang ganda? Pastel colors, ako ang pumitas ng mga 'to," anang pinsan na kalalabas lang ng banyo.

"Uhm, excuse me..." usal ni Lily sabay taas sa kamay. "Sino s'ya?"

Naiwan sa ere ang flower vase na sana ay ilalapag na ni Ara sa bedside table. Nagtagpo naman ang mga kilay ng iba.

"Lily, sino'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Ara.

"Siya," saad niya sa nakataas na mga kilay sabay turo sa lalaking nakasuot ng pulang kapa na nakatayo sa paanan.

"Ano'ng pinagsasasabi mo, Lily?" si Ara ulit.

"Hindi mo ba natatandaan si Juda, Lily?" tanong ni Gavin sa sorpresang tingin.

"Ju...da?"

"Si Juda, ang kapatid ko," turo nito sa lalaking hindi na maipinta kahit ni Michael Angelo ang mukha.

Umakto siyang tila hinahalungkat ang memorya saka naguguluhang umiling.

Rumehistro sa seryosong anyo ni Juda ang labis na pagkalito at inis. Namilog ang butas ng ilong, kulang na lang ay bumuga ng apoy. Maging ang itim sa gitna ng dilaw nitong mga mata ay lumaki na.

"Anong ibig sabihin nito?!" napakislot siya sa biglang pagtaas ng boses ng lalaki.

"Juda..." sambit ni Gavin para pakalmahin ang kapatid.

"Mali, tawagin mo ang doktor dito, ngayon din!" saad ng nakakatakot na lalaki.

"Y-yes, my Lord," anang tagatulong at nagmamadaling tumalima, natakot yata sa sigaw.


CHAPTER 1

An unknown length of time ago...

HAWAK ni Lily Rose ang latest model na cellphone sa kanang kamay, sukbit naman sa kaliwa ang five digits worth niyang leopard handbag habang binabagtas ang daan papunta sa kasunod na kanto ng kanilang subdivision, kung saan nakaparada ang mga pampasaherong padyak.

She was off to rub shoulders with her girl friends, since it's weekend. Kaya nakaporma talaga siya. She chose to wear a beige spaghetti strapped body hugging blouse tucked inside a flared skirt with floral designs. Siyempre, hindi kompleto ang lakad niya kung hindi sisimulan ng...selfies!

She hurriedly walked towards the lawn owned by some ship captain. Kapitan ng barko na isang beses lang yata sa dalawang taon niya kung masilayan. Maganda kasi ang pagkaka-landscape kaya saktong pang-background. Pang mayaman!

Lily raised her cellphone, tilted her head and pouted her lips a little. Pinalamlam din niya ang mga mata para mas sultry tingnan, then clicked. Kumuha pa ng isa sa ibang angle naman sabay kindat pagkatapos ay pumili ng magandang camera filter at nagpost sa Instacram.

JUDA, The Rebel WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon