CHAPTER 43-🍓

90 11 14
                                    

"She's carrying a child inside her belly, Gavin. I haven't anticipated my assistant to be desperate enough and do such merciless move. At naalala kong kasama n'yo ang babaeng iyon noon kaya nagbabakasakali akong--"

"Where is she, Dr. Polim? Where is that human?"

"N-nasa laboratoryo. Any time from now, sisimulan na nila ang operasyon. Kung gusto n'yong iligtas ang babaeng iyon, kailangan n'yo nang magmadali Gavin bago maging huli ang lahat."

Gavin muttered a crispy cuss.

Paano niya sasabihin iyon kay Juda? Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan sa sariling kasal nito? What if...Juda doesn't care? No, no. Siguradong malaking bagay iyon sa kanyang kapatid lalo na kapag nalaman nitong nagdadalantao si Lily. He may have ditched the woman but surely not his child.

"Gavin?"

Bumaling siya nang marinig ang boses ni Ara mula sa entrada ng silid.

"Ara?"

Nilingon niya ang malaking monitor kung saan makikita ang mukha ni Dr. Polim. Nakahinga siya nang malamang nakapatay na ang aparato.

"Hinahanap kita, si Juda kasi nagkamalay na."

"Ara..." Napahawak si Gavin sa sintido dahilan para lumapit ang nobya sa kanya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?"

Nais na niyang sabihin dito ang natanggap na balita subalit nagpigil siya. Nagdadalantao ito, at baka makaapekto pa sa kalusugan ng kanyang mag-ina kung bibigyan niya ng ito ng problema.

"Nothing, kailangan kong makausap si Juda."

"Tama, hinahanap ka rin niya."

"Could you please do me a favor?" saad niya na tinapik ang balikat ng katipan. "Please be with Frida, kailangan niya ng kausap."

"S-sure, Gavin."

"Thanks." Iniwan niya ang nobya sa silid at binalikan ang kapatid. Habang naglalakad ay mabilis na nag-isip si Gavin ng paraan kung paano ipapaalam kay Juda ang balita.

Naabutan niya ang kapatid na nakaupo sa itaas ng kama ng clinic, nakikipagpalitan ng halakhak sa doctor nilang pinsan na si Regis.

"Next time, make sure to visit one of the toilets inside the building before taking your vow," anang pinsan bago inilapit ang dalang tasa sa bibig.

Naiiling naman si Juda. "O, Gavin. Where have you been?"

Napatitig si Gavin sa mukha ng kapatid at iniisip kung paano kaya mag-iiba ang anyo nito mula sa nakatawang mga mata sa oras na marinig ang kanyang sasabihin?

"Gavin? What's up, bro?" si Regis naman ang nagtanong.

"Juda...we need to talk... I need to tell you something."

Nagkatinginan ang dalawang Sauro.

"Am gonna scram," pagkuwan ay sabi ni Regis, tinuro ang labasan.

"Nah, hindi na kailangan. May kailangan ka pang gawin na test sa akin, 'di ba?"

"I'll be right back. Hindi naman 'yon urgent. Gavin," tinapik ni Regis ang balikat ng pinsan  bago tuluyang naglaho.

"Ang sabi ni Regis, baka may nakain lang daw akong hindi naaayon sa sikmura ko."

"Juda, si Lily nasa Piscis."

Kita ni Gavin ang pagguhit ng mga linya sa noo ng kapatid na tila ba unti-unting sumipsip sa utak nito ang kahulugan ng kanyang sinabi. Sa maikling sandali ay hindi niya agad nadugtungan ang sasabihin dahil sa pagpuna niya ng reaksiyon ng kaharap, ngunit nanatiling nakatikom ang bibig ng huli.

Tama nga siya, Lily won't be a problem for Juda.

"They abducted her, and made her a test subject for an experiment. Hindi ko muna pinaalam kay Ara pero kailangan kong magpunta sa Piscis ngayon bago mahuli ang lahat. Juda, Lily is--"

Natigilan si Gavin nang bigla na lamang bumunghalit ng tawa ang kapatid na halos nagpayanig sa buong klinika. Wari ay nakarinig ng isang magandang biro.

Gavin felt perplexed while watching his brother shake his broad shoulders in amusement. Gusto niyang mapailing habang pinagmamasdan ito, habag naman sa babaeng nakaratay sa laboratoryo ng Piscis.

He thought high of this bond thing. Mali ang akala niyang lalambot kahit man lang kaunti ang matigas na puso ni Juda oras na malaman nito ang sinapit ng kapareha. And thus, he hesitated to do the next move, he cannot think of a way how to spill the thing about the pregnancy. Juda's reaction was far from what he expected, maiintindihan niya kung magbibingi-bingihan lamang ito o iibahin ang paksa. Knowing how he doesn't give an ounce of concern about Lily, how about the child?

Nang huminto sa pagtawa si Juda ay napagdesisyunan na niyang sabihin dito ang tungkol doon. Tutulong man ito sa pagsagip kay Lily o hindi, siya na ang bahala. "Juda..."

"...ill them all."

Napakunot ang noo ni Gavin. "What?"

Juda left the bed and went out of the building.

"Wait, Juda, saan ka pupunta?"

Tila bingi ito sa anuman na kanyang sinasabi ngunit hindi niya maiwan ang kapatid dahil nangangamba pa rin siya sa kalagayan nito, kaya naman, lakad-takbo ang kanyang ginawa para makahabol sa malalaking hakbang ng lalaki.

Mayamaya ay pinindot-pindot ni Juda ang aparato na nakayakap sa bisig nito pagakatapos ay nagsalita, "Kasim, dispose two hundred, at the airfield. At once!" anito sa isa sa mga matataas na opisyalis ng army.

"Juda? Why are you disposing hundreds of men? What are you planning?"

Mali ba ang hinala niya? Bakit bigla na lamang nag-iba ang atmospera ng kapatid? Kanina lang ay halos mamaos ang boses nito katatawa, bakit ngayon bigla na lamang itong nagpatawag ng mga mandirigma? Maging ang anyo nito ay kasing dilim na ng gabi. Ilang beses niyang napansin ang pagngalit ng mga bagang nito, halos liparin ang shuttle sa paliparan.

Nakaabot na sila sa airfield at paakyat na sa isa sa pinakamalaking shuttle na nakaparada roon. Dire-diretso ang lakad ni Juda hanggang makaabot ng control room.

"Hold on! Ano ang pinaplano mo? Pag-usapan muna natin ito, Juda! Are you going to Piscis? Father won't allow you to assault their planet."

"Who gave you an idea that I care, Gavin?"

"Piscis is an asset, Juda, not just to us but to almost all of the planets. Walang magandang idudulot kung basta ka na lang aatake nang ganyan sa kanila," aniyang iniharang ang kamay sa controls ng shuttle. "Maraming planeta ang nasa likod ng Piscis, at kung sasalakayin mo sila, para ka na ring nagdeklara ng digmaa laban sa mga planetang iyon."

"Move or else you'll be saying goodbye to your arm." Agad niyang tinanggal ang kanyang kamay dahil alam niyang kayang gawin iyon ng kanyang kapatid--base sa nanlilisik nitong mga mata ngayon.

Mukhang sarado na ang isip ni Juda. His brother is not capable of a negotiation right now, this is one of the effect of being bonded to a pair, he should have known. Ang tangi na lamang niyang magagawa ay ang samahan ito sa Piscis. He will serve as a mediator to avoid huge chaos between the two clans. Pinapanalangin na lamang niya na maabutan pa nang buo si Lily sa laboratoryo, huwag lang sanang maging huli ang lahat.

JUDA, The Rebel WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon