CHAPTER 27-🍓

258 23 15
                                    

Napaungol si Lily habang pilit ginagalaw ang namimigat na katawan. Hindi pa man niya naimumulat ang mga mata ay bumati na sa kanya ang kirot ng kalamnan.

"Ano'ng nangyari...?"

'Bakit ang sakit ng katawan ko?'

Itinukod niya ang isang siko sa lupa na napagtanto niyang nalalatagan ng malalaking dahon.

Kaya pala malamig.

Sa kanyang katawan, nakatabon ang malapad na kapa ni Juda. Dumulas iyon patihulog kaya nahantad ang kanyang hubad na dibdib. Napasinghap siyang muling itinaas ang tela saka ibinalot muli sa katawan.

'T-teka...teka...'

Kumabog ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay may alaalang nawaglit sa kanyang isip. Muli siyang napasinghap nang malakas nang mahagilap ang memorya. Nanlaki ang mga mata habang takip ng sariling palad ang nakaawang na bibig.

'May...may nangyari sa amin ni Juda!...Totoo ba 'yon?'

Muli niyang niyuko ang sarili at napaungol nang mapagmasdan ang hubad na katawan. Ang sakit ng kanyang buong katawan na animo ay pinagtulungang bugbugin ng isang hukbo ng gang, lalo na ang hapdi ng kanyang pribadong parte ay sapat nang ebidensiya na hindi siya nananaginip lang.

May nangyari nga...

Napapikit siya at inalala ang kahindik-hindik na tagpo ng kanyang pagniniig...

"Juda, please...dahan--ah--!"

Napaawang nang malaki ang kanyang mga labi nang inisang diin lamang ng lalaki ang pagkalalaki nito sa kanya. Hindi makapaniwalang napatingala siya rito. Pakiramdam niya ay nawakwak ang buo niyang pagkatao. Something literally torn inside her. Hindi naman siguro hymen iyon dahil matagal nang nawasak iyon ng kanyang first love turned nemesis.

Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay tila wala lamang iyon kay Juda. Parang hindi rin nito naririnig ang kanyang mga iyak na ihinto ang paggalaw nito. It was as if his senses were shut, his eyes were even half opened as if in trance. Ngunit sa likod ng mga talukap na iyon, kita ni Lily ang panlalaki ng itim na bahagi ng mga nito.

"Juda...masakit...nasasaktan ako...please..." Nag-uunahan sa pagdaloy ang kanyang mga luha sa pisngi. Totoong hindi niya mailarawan kung gaano katindi ang kirot na kanyang nadarama. Hindi man niya nakikita ang ibaba niyang parte, ngunit malakas ang kanyang kutob na nagdurugo na iyon.

Buong akala niya ay nanumbalik ang diwa ni Juda nang pahirin nito ang basa niyang pisngi gamit ang magaspang na dila at sambitin ang kanyang pangalan, subalit nagkakamali siya dahil ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang mga braso at pagdiin ng mga kuko. Napangiwi siya. Kasunod niyon ay ang pagbilis ng bayo nito.

"Please...tigilan mo na 'to...maawa ka...masakit..."

"...shut...the fuck up... you're mine..." he growled.

Laglag ang kanyang mga balikat at tila wala nang lakas ang buong katawan. Tila namanhid na rin sa matinding kirot ang kanyang pagkababae, iyon ang huling alaala ni Lily bago nanlabo ang kanyang paningin at napugto ang gunita.

Napatingin si Lily sa braso niyang kababakasan pa ng mga kuko ni Juda. Ilang maliliit na sugat ang nandoon, may bakas rin ng kalmot. Pinahid niya ang mga matang muli na namang nabasa.

Kailangan ba na ganoon siya tratuhin ni Juda? Bakit si Elysia, hindi naman niya nakitaan ng sugat? Hindi naman nito sinaktan? Kinabukasan, pagkatapos niyang masaksihan ang dalawa malapit sa kulungan, wala naman siyang nakitang kakaiba kay Elysia.

JUDA, The Rebel WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon