Chapter 1

4.8K 101 4
                                    


Selena's P.O.V

"Kuya,tara na,malelate na tayo!!"sigaw ko mula dito sa baba

"Oo na manang wag ka sumigaw,ang ingay mo,kapag narinig ka na naman nila mama at papa,lagot ka dun"pananakot niya.

"Ikaw kaya isumbong ko,ang bagal bagal,kay lalaki mong tao eh"inis na sabi ko at umupo sa upuan ko. Napatingin ako sa hagdan ng may marinig akong yabag ng mga paa. Si Mama at Papa

"Good morning ma,pa"bati ko sa kanila,ngumiti naman sila sakin. At napatingin kay kuya

"Oh Sean bakit nakatayo ka pa diyan? Umupo ka na kakain na tayo"sabi ni Papa ng makababa na sila ng tuluyan. Lumapit ako kina Mama at Papa at hinalikan sila sa pisngi

Umupo na din ako pagkatapos at umupo na din sila,pati si Kuya. Lumapit sila Yaya samin at binaba ang mga pagkain.

"Ma,Pa alis na po kami"paalam namin ni Kuya ng matapos kaming kumain, tumango lang sila mama at binigyan kami ng isang mahigpit na yakap. Lumabas na kami at sumakay sa kotse,si kuya ang magda-drive,nandito ako sa passenger seat, nagseat belt na ako. At umalis na kami ni kuya

"Manang,hindi ako makakasabay sayong kumain ng lunch,may practice kami ng basketball"sabi ni kuya habang nagdadrive.

"Okay kuya,sasabay na lang ako kay Yaz and Jon"sabi ko kay kuya, tumango naman si kuya saka nagsalita

"Sige magiingat ka ah,baka makipag landian ka pa"sabi ni kuya at natawa ng mahina. Napasimangot naman ako

"Kuya,nakainom ka ba ng gamot?"kunwaring takang tanong ko. Binatukan naman ako ni kuya. Ayy oo nakainom nga siya,nananakit eh

"Oo nga kuya,nakainom ka nga. Akala ko hindi na naman"sabi ko. Natawa naman kaming parehas sa inasal namin

***

"Kuya mauna na ako" paalam ko kay kuya,tumango siya at nginitian ako

"Magiingat ka ah"sabi niya,lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi,niyakap niya naman ako. Bumaba na ako ng sasakyan,pagkababa ko ang dami na namang matang nakatingin sakin. Pano ba naman NERD daw ako, pero totoo nga nerd ako. Yung kuya ko akala niyo lang ganun ugali pero mabait yun pamwisit lang

Lumakad na ako papasok sa loob ng gate,nakita ko si Mang Edgar,ang guard dito close kami niyan

"Good morning Mang Edgar"bati ko sabay ngiti,bigla naman siyang nakapiting sakin sabay ngiti at bati

"Good morning Selena"bati din ni Mang Edgar. Pumasok na ako sa loob,habang naglalakad ako sa hallway alam kong may mga matang nakatingin sakin.

Ako nga pala si Selena Maurein Reyes,17 years old,hindi maganda,pero mayaman,ako ang valedictorian sa school na ito,at ako din ang laging nabubully dito dahil ako ang CAMPUS NERD nila na tinatawag na CLUMSY NERD,pero ngayon hindi na ako masyadong nabubully kasi boyfriend ko na ang isa sa mga CAMPUS HEARTTROB, mabait,sweet,pogi,mayaman,matalino at maalaga. Siya si Jonald Adriada,18 years old na siya,and may bestfriend ako siya naman si Yazzer Mirald Suarez.

Pagkadating ko sa tapat ng room,kumatok agad ako. May nagbukas noon, nakita ko si Ms.Roque na nakangiti sakin,ngumiti na lang din ako.

"Good morning ma'am sorry I'm late"paghinging paumanhin ko. Ngumiti ulit siya sakin

"It's okay,you may enter the room"nakangiting sabi ni ma'am. Si ma'am Roque ay ang pinakapaboritong teacher ko dito and favorite student niya din ako,dahil sa active ako sa klase niya,ako at si Kai lang ang mahilig sumagot. Si Kai siya ang silent but deadly HEARTHOB dito sa Campus.

Pagkapasok ko sa room,pumunta ako sa upuan ko sa tabi ni Kai,as Reyes katabi ko ang Rosales, si kuya di'ko siya  classmate E-2 kasi si kuya, E means yung grade mo or year, 2 section ng Studyante dito, at ang section ko ay E-1

***
-break time-

Lumabas na ako ng classroom at pumunta sa E-2 para puntahan ang bestfriend ko na si Yaz, sikat dito si Yaz,sa kadahilanang maganda,fashionista,matangkad,Maputi,at mayaman siya. Nagkakilala kami noong grade 8 kami at simula noon lagi na siyang sumasama sakin,hindi rin naman siya binubully ako lang. Pagkadating ko sa room nila,nakita ko silang dalawa ni Jon,magkaklase silang dalawa,sila nalang din ang tao sa loob ng classroom, nakatingin lang ako sa kanila mula dito sa labas,nakangiti sila pareho,mukhang masaya ang pinaguusapan nila ah, maya maya lumabas na din silang dalawa,nagulat sila ng makita nila ako pero nabawi din agad at napalitan ng isang ngiti.

"Tara na sa canteen"yaya ni Yaz. Tumango na lang ako. Tumabi sakin si Jon at inakbayan ako tumingin ako sa kanya at ngumiti. Pumunta na kami sa canteen at marami na namang matang nakatingin samin. Hindi ko na lang pinansin ang mga taong nakatingin samin. Umupo kami sa bakanteng upuan. Tumayo si Jon at siya na ang umorder ng pagkain namin, naiwan kaming dalawa ni Yaz. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang may hawak na cellphone.

"Yaz"pag kuha ko sa atensyon niya. At nagtagumpay naman ako

"Lene,Bakit?"tanong niya habang nakatingin sakin

"San kayo galing ni Jon kahapon?"tanong ko. Magkasama kasi sila kahapon. Hindi ko alam kung san sila nagpunta

"Ah nagpasama lang ako sa grocery"sabi niya ng nakabaling na ang mata sa cellphone. Ngumiti na lang ako kahit hindi niya nakikita. Napapansin ko kasi lagi silang magkasama. Nung swimming naman namin. Masaya silang dalawang nagsuswimming. Di kaya?..... Hindi mali ang iniisip ko di nila magagawa sakin yun. Mahal ko silang dalawa at ayokong magkasira kami. Kumain na kami ng dumating ang order namin. Katabi ko sa Jon. Nasa tapat niya si Yaz. Minsan nahuhuli ko na nakatingin si Yaz kay Jon. Madalas naman nakangiti. Hays hindi ko nalang pinansin saka nagpatuloy sa pagkain.

***
*Kringgg*

Tumayo ako at inayos na ang gamit ko. Vacant ang second subject namin Kaya napagpasyahan ko na pumunta na lang sa library. Habang maglalakad ako may napansin akong nakatingin sakin. Hindi ko na lang din pinansin. Ng makapasok ako sa loob ng library. Katahimikan ang sumalubong sakin. Napa ngiti ako ng mapansing kaunti lamang ang estudyante sa loob. Pumunta ako sa sulok at nilabas ang libro ko sa bag. Hinanap ko yung assignment namin at sinagutan yun, pagkatapos kong sagutan. Pumunta ako sa mga libro. Hinanap ko yung Math notebook ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko.

Fr: Kuya kong pogi(Sean)

Selena, sabay tayong umuwi aantayin kita sa parking lot. Nandito na ako dumiretso ka na dito kapag uwian mo. Wag ka na sumama sa boypren mo. Malilintikan ka sakin kapag nagtagal ka pa.

Basa ko sa text ni kuya. Oy wag kayo si kuya naglagay ng phone name niya Na yan.

To: Kuya kong pogi(Sean)

Malapit na ako. Antayin mo na lang ako.

Sent

Nilagay ko na sa bulsa ng palda Ang cellphone ko. At bumalik sa dati kong upuan na pinagiwanan ko ng gamit ko. Niligpit ko na yun at lumabas na, Baka mainip pa si kuya doon ei. Bungangaan na naman ako..

***

Okay readers, lang kwenta, pero promise aayusin ko yung susunod na update ko. Thank you for supporting,iloveyou guys. Kung gusto niyong magpadedicate just comment

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon