Chapter 11

2.3K 45 3
                                    

Selena's P.O.V

"NAMMY. Who's there?"narinig ko ang yabag ng dalawang pares ng sapatos.

Lumabas ang isang magandang babae galing sa pathway sa likod.

"Oh bakit ang aga mo yata Dom?"tanong ng magandang babae kay Mic. Ako nasa tabi lang ni Mic.

Maganda yung babae. Mukhang may edad na din. Pero maganda pa rin ang hubog ng katawan. Mahaba at straight ang umaalon niyang buhok. Kulay hazel. At yung mata niya grayish. Hindi sa kanya nakuha ni MicMic yung mata niya. Kulay brown kasi yung mata ni MicMic.

Mapupula din ang mga labi niya. At nakasuot ng apron.

"Kasama ko po si Selena. Kakain kami dito. Magluluto po ako"sabi ni MicMic sa babae.

"Selena?"noon pa lang siya napatingin sa'kin.

"Good afternoon po."bati ko sa babae.

"Anak,siya ba yung palagi mong ki--"hindi ko alam kung bakit natigil yung babae sa pagsasalita. Anak? So ito yung mommy niya. Hmm kaya pala kahawig niya din.

"Kaibigan ko po siya"sabi ni Mic Mic sa mommy niya.

"Oh. Tara na sa loob. Selena,halika tuloy ka 'wag kang mahihiya s'amin"nakangiting sabi ng mommy ni MicMic. Tapos tumakbo siya palapit sakin at hinawakan ang braso ko.

Inakay niya ako na para bang madadapa ako bawat lakad ko,papasok kami sa loob ng bahay nila. Ng mabuksan ang double door nila nakita ko kung gaano kaganda sa loob. Parang nahiya naman ang sapatos na soot ko sa linis ng tiles nila. Pwede ka ng magsalamin.

"Doon tayo sa kusina. Sakto nandoon sila lahat"sabi ng mommy ni MicMic. Napalingon ako sa likod namin para tingnan si MicMic. Nakita ko siya doon nakatingin sa'min ng mommy niya. Kaya nung nakita niya akong nakatingin sa kanya ay tumango siya at ngumiti

Nang makarating kami sa kusina nakita ko kung sino ang mga tao doon.

Lalaki na may edad na din pero kamukha siya ni MicMic. Nakuha niya din ang mata ni MicMic. Clean cut. Ang gwapo niya din. Siguro ito iyong daddy ni MicMic.

Nakita ko din ang dalawang bata. Magkasing laki sila at mukhang nasa 6 years old pa lang. Babae at lalaki.

Andoon din yung isa pang babae na kahawig ng konti ni MicMic. Maganda,maputi,kulot na buhok na kulay hazel din. Nakuha din niya 'yung kulay ng mata ni MicMic.

Pagkapasok namin ng kusina napatingin sa'min yung mga tao doon. Napansin ko din ngayon yung ginagawa nila. Nagb-bake sila.

"Kuya!"sabay sumigaw 'yung dalawang bata at saka 'yung isang babae at tumakbo papunta kay MicMic para yumakap.

"Kuya,i miss you"malambing na sabi nung maliit na batang babae.

"Miss na din kayo ni kuya. Nagpakabait ba kayo dito habang wala ako?"tanong ni MicMic sa tatlo.

"Yes,kuya. Si ate Kyril lagi niya kaming binabantayan habang wala ka. Kasi yung ang bilin mo sa kanya"sagot nung batang lalaki. Ang cute nilang tingnan.

Napansin ko 'yung batang babae na nakatitig sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. Nagulat ako sa susunod nitong ginawa. Tumakbo ito palapit sa'kin at niyakap ako. Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa bata. Napatingin din ako kay MicMic. Nakangiti siya sa'kin.

Umupo ako para makapantay yung batang babae. Pero niyakap niya ako ulit. Sumiksik siya sa leeg ko.

"Ate Maurein buti nakita na kita sa personal"sinabi niya iyon habang nakasiksik pa rin sakin. Nagulat ako dahil kilala niya ako. Niyakap ko na lang pabalik 'yung bata.

*****

"ATE,try this. Ako po ang gumawa niyan"sabi ng batang babae na ang pangalan pala ay Kylie Damianna at yung lalaki naman ay Kyle Damienne at yung isa pang babae ay Si Kyril Damyirie. Panganay pala si MicMic at Bunso yung dalawang kambal. Yes kambal sila. Si kyril 15 years old. Sobrang bait nila sa'kin. Pati yung papa niya ang bait sa'kin. Kaya pala kilala nila ako nakukwento ako ni MicMic sa kanila.

"Hmm,masarap nga"sabi ko kaya Kylie. Ngumiti siya sa'kin.

"Kuya,pwede po ba tayong lumibot bukas. With ate Rein. I want to go to the Mall. Please"sabi ni Kylie sa kuya niya.

Napatingin naman si Mic kay Kylie. Tumingin siya sa'kin na para bang nagpapaalam. Tumango na lang ako

"Okay. We'll go tomorrow with your ate"sabi ni Mic kay Kylie. Tuwang tuwa si Kylie dahil makakasama niya daw ako. Habang ako nakangiti lang na pinapanood siya. Napakacute na bata.

"Kuya sama ako"napatingin kami kay Kyle na nakatingin sa kuya niyang nasa tabi ko. Ganito kasi ang ayos namin

               Tita Kyla-Kyril-Kyle
            ----------------------
Tito     |
Daryll  |
            ------------------------
            MicMic-Ako-Kylie

Dito kasi umupo si Kylie sa tabi ko. Gusto niya daw akong katabi.

"Okay. I'll fetch you tomorrow morning"sabi ni Mic sa dalawa.

"Kuya,sasama din ako"singit ni Kyril sa kuya niya.

*****

"ATE Rein babalik ka dito ah. Babye. I love you"sabi ni Kylie sa'kin. Papauwi na kasi ako. Ihahatid ako ni Mic. Tumango ako at umupo para makapantay siya. Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.

Nagulat ako kasi pagkakalas niya ng yakap hinalikan niya ako sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ulit siya. Lumapit din sa'min si Kyle.

"Ate Rein,aantayin ka naming bumalik. Mamimiss ka namin"sabi ni Kyle at niyakap din ako. Natawa ako kasi kung makapagpaalam sila parang hindi ako babalik dito bukas.

Makakasama ko ulit sila bukas kasi lilibot kami. Sabado naman bukas kaya walang problema.

"Mga bata. Kung makapagpaalam kayo sa ate Rein niyo parang di na kayo magkikita. Bukas diba kasama niyo ulit siya. Kaya sige na pakawalan niyo na si Ate Rein. Inaantay na siya ni kuya oh"singit ni Tita sa dalawang bata. Pagkakalas ng dalawang bata tumayo na ako at humarap kila Tito.

"Tita kyla mauna na po ako. Babalik na lang ho ako bukas. Salamat po sa pagkain"sabi ko kila Tita. Lumapit sa'kin si Tita at niyakap ako ganon din ako sa kanya.

"Ate Rein,ingat ka po ah. See you tomorrow"sabi ni Kyril pagkakalas ko ng yakap kay Tita. Lumapit sakin si Kyril at siya naman ang yumakap sa'kin.

****



Campus Nerd Transform Into A Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon