Chapter 6

3.2K 65 8
                                    

A/N: I have a announcement.... May facebook na si Zyril and Selena

FB Acc: Zyril Rozales and Selena Maurein Reyes..... Ayan na... And sa willing maging OP ng mga characters.... Add me or kahit silang dalawa na lang. PM niyo na din

*****

Selena's P.O.V

"Nakakainis yung lalaking yun!!! Hindi man lang nagsorry!! Makita ko lang siya ulit lagot siya sakin!!! Arghh!!"naiinis na bulong ko habang tino-torture yung pagkain

"Uyy Mau,ano ba yan? Maawa ka sa pagkain wag mong i-torture"natatawang sabi ni L.J. Napatingin ako sa dalawa tumatawa na silang parehas. Lalo akong nainis

"Oh L.J,Zy shut up!!"inis na sabi ko at inirapan silang dalawa. Nakakabwisit talaga.

"Hayaan mo na yung guy. Ang gwapo kaya nung guy. Hays sana makita natin ulit siya"sabi pa ni Zy.

"Sana nga makita ko ulit siya at ng makaganti ako. Naiinis ako sa kanya"inis pa ring sabi ko at napatingin sa labas. Lalo akong nainis sa nakita ko. Nandoon ang dalawa pang sumira ng buhay ko. My ex and my ex-bestfriend. Naglalakad silang dalawa. Nakapulupot yung kamay ni Yaz kay Jon. Ahas as usual.

"Oh here they are. Ang ahas at ang sanga."maarteng sabi ni Zy. Napakunot naman ang noo ko. Nagtataka kung bakit sanga?

"Nagtataka kayo kung bakit sanga...Hahahahaha. 'Coz di siya makakagapang kapag walang sanga."Natawa din ako sa sinabi niya. Naalala ko kung bakit nga pala ako bumalik dito. For my revenge

****

Naghahanda ako para sa pagpasok. Yes, first day of school. Excited na ako kasi alam kong magkaklase kaming tatlo. Yes,i expected that. Pati sila Zy and L.J ay classmate ko din. Kinausap ko kasi ang Dean. I want to be their classmate. Kung hindi ko pa nasasabi isa ako sa mga stockholders sa Academy. Nasa U.S pa ako nagaantay kung kailan makakauwi dito. Stockholders na ako that time. Part of my revenge.

"Good morning kuya"masiglang bati ko pagkadating ko sa dining. Nakaupo siya at nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Umupo ka na dyan at kakain na"sabi ni kuya at itinabi yung dyaryo na kanina'y binabasa niya.

Umupo ako sa tabi niya. Napalingon ako ng may marinig akong yabag ng dalawang pares ng sapatos. Doon ko namataan ang aking Evil Sister. Napairap na lang ako ng ngumiti siya sakin.

"Good morning"bati niya saming dalawa ni kuya. Hindi siya pinansin ni kuya. Ganun din ako. Umupo siya sa tapat ni kuya. Bakante pa rin yung dalawa na para kila Mama at Papa.

"Sean,pansinin mo na ako. Pinagsisisihan ko na yung ginawa ko."Basag ni Ate sa katahimikan

"Hmm"tipid na sabi ni kuya. Pero hindi pa rin siya tinitingnan. "Talaga bang pinagsisisihan mo?"nakangisi na ngayon si Kuya. Pero may pagkabastos sa pananalita niya

"Ate mo pa rin ako! Kaya wag mo kong sasagutin ng ganyan!"gigil na bulong ni Ate

"Yun na nga nakatatanda ka naming kapatid at dapat ikaw ang nagtatanggol samin. Pero ano? Sinaktan mo sarili mong kapatid Ate Seaz"galit na sabi ni Kuya

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari! Siya din ang may kasalanan. Kung hindi dahil sa kanya,kung hindi dahil sa kaartehan niya hindi mawawala si Shawn!!!"galit na sigaw ni ate. Si kuya Shawn ang kakambal ni ate Seaz. Naalala ko na naman yung araw na yun. Yung matagal ko ng ibinabaon sa limot. Hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo yung luha ko. Ang sakit pa rin pala. Dahil doon galit sakin si ate. Dahil doon hindi sana ako nasasaktan.

"Hindi mo ba maintindihan ate!! Hindi si Selena ang may kasalanan. Bakit ba palagi na lang siya ang sinisisi mo. Kahit hindi mo sabihin alam namin dito sa bahay na nagseselos ka kay Kuya Shawn dahil simula pagkabata at simula ng dumating si Selena sa buhay natin siya na ang laging binabantayan ni Kuya!!"galit na sabi ni Kuya Sean.

Lumapit sakin si ate. At dinuro-duro ako.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ka sana nagiinarte nung araw na yon nandito pa si Shawn. Kung hindi ka sana umalis noon buhay pa siya. Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin!!!! Sana ikaw na lang yung nawala!!"Nagulat ako sa sinabi ni ate. Pero mas nagulat ako ng may sumampal sa kanya. At alam ko kung kaninong kamay yun.

"Anong nangyayari sayo Seaz.!? Bakit naging ganyan ang ugali mo?! Hindi ka namin ganyan pinalaki!!"Galit na sabi ni Papa. Inaawat siya ni Mama.

"Ayan! Ayan na naman kayo! Yang magaling Niyo na namang anak na yan ang kinakampihan niyo!! Bakit siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ah!! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Shawn. Siya ang dahilan kung bakit muntik na tayong masirang pamilya. Siya ang dahilan kung bakit may sakit si Papa ngayon. Siya ang dahilan ng lahat!!! Tapos siya pa yung pinagtatanggol niyo!! Lagi na lang siya ang tama!!! Lagi na lang yang malandi----"

*PAKK*

"Ano ba yang lumalabas sa bibig mo Seaz?! Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo!!! Hindi siya ang may kasalanan ng lahat!! Niligtas siya ng kuya mo!! Huwag mo siyang sisihin!!"Galit na sabi ni Mama...

Tumakbo na lang ako sa kwarto ko. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Parang sasabog na ako. Tama si ate,ako ang may kasalanan ng lahat, ako ang dapat sisihin dito. Ako lang. Pagkapasok ko sa kwarto ko nilock ko kaagad at dumapa sa kama. I'm Useless.

****

Nagising na lang ako na nakauniform pa rin. Hindi na ako nakapasok. Siguro bukas na labg. Tumayo ako at tiningnan ang oras. 12:34. Papasok na lang ako. Aabot pa ako sa panghapong klase. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng cabinet. Pagkabukas ko ng Cellphone ang daming missed calls. Sila Zy.

Bumaba na ako. Naabutan ko sila Mama,Papa at kuya sa hagdan. Seryoso silang naguusap.  Hindi ko sila pinansin at umalis na lang pero--

"Selena,baby"nagaalalang tawag ni kuya sakin. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng mapait

"Are you okay?"nagaalalang tanong niya. Dahan-dahan akong umiling. Mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako. Doon ako napahagulgol ng tuluyan...

*****

Sorry sa paghihintay. Sana may nagbabasa pa. God Bless you all..... I love you. Muah.....

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon