Chapter 12

2.4K 41 12
                                    

Selena's P.O.V

"Sunduin kita bukas. 8:30"sabi ni Mic ng nandito na kami sa tapat ng gate namin.

"Sige. Antayin kita sa loob"sabi ko sa kanya.

Bumaba na ako sa kotse niya akala ko aalis na siya noon pero ibinaba niya pa yung bintana.

"Bye. Ingat"nakangiting paalam ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.

****

"ATE!!!!"sigaw ni Kylie at nagtatakbo palapit sakin. Nandito pa kami sa bahay namin. Kadarating lang din nila. Ang alam ko si MicMic lang ang susundo sakin kaya nagulat ako kasama ang tatlo.

Naupo ako at sinalubong si Kylie. Niyakap niya ako ng mahigpit. Para bang mawawala ako. Tumakbo din sakin si Kyle at yumakap. Sumali na din si Kyril. Niyakap ko na lang silang tatlo pabalik.

Kumalas na sila ng yakap sakin kaya hinarap ko si MicMic.

"Akala ko ikaw lang ang susundo sakin?"nagtatakang sabi ko sa kanya.

Napakamot na lang siya ng ulo at saka nagsalita "Nagpumilit na silang sumama eh. Kaya sinama ko na"sabi niya. Tumango na lang ako.

"Let's go na ate,kuya"masiglang aya ni Kylie habang hinihila ako.

"Kylie,wag mong hilahin ang ate mo"paalala ni MicMic sa kanya. Okay lang naman eh hindi naman masakit ang pagkakahila.

Bumitaw ako sandali kay Kylie pero ang bata humawak sa laylayan ng damit ko at nagpatianod kung saan ako pupunta. Nilock ko na yung pinto ng bahay dahil wala naman sina Mama. Pagkatapos kong ilock inaya ko na ulit sila.

"Ate saan ka uupo?"tanong ni Kylie. Nagbaba ako ng tingin para makita ko siya.

"Sa passenger seat,baby"sabi ko kay Kylie. Napanguso siya dahil sa sinabi ko. Oh cute!

"Ate tabi tayo please"Pinagdikit niya pa yung dalawa niyang paliit na palad. Matatanggihan ko ba naman ito.

"Sige na nga"pagpayag ko. Nagtatalon siya sa tuwa habang sumisigaw ng 'Yehey'

Sumakay na kami sa kotse at tulad ng gusto ni Kylie tumabi siya sakin sa passenger seat. Nasa tabi ako ng bintana. Nakakalong siya sakin ng konti. at nakaharap sa kuya niya.

"Kuya,why don't you court ate Rein."nagulat kaming parehas ni MicMic sa biglaang sinabi ni Kyle.

"Kyle!"banta ni MicMic.

"Oo nga kuya."panggatong naman ni Kyril.

"Ate is beautiful,kind and she's my favorite. I want her for you kuya"sabi naman ni Kylie.

Nakaramdam ako ng init. Parang hindi ako makahinga. Siguro pulang pula na ako.

Hindi na lang kumibo si MicMic at baka humaba pa ang usapan. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakafocus sa pagda-drive habang namumula ang TENGA!!

Pagkarating namin sa Mall naunang bumaba sila Kyle at Kyril. Sumunod kami ni MicMic. Inalalayan ko pababa si Kylie.

****

"WHERE did you want to eat?"tanong ni MicMic sa kanila. Andito na kami sa loob ng Mall at naghahanap ng makakainan.

Hawak ko sa kanang kamay si Kylie habang si MicMic naman ay buhat si Kyle habang hawak pa ang isang kamay ni Kylie. Si Kyril naman katabi ko at nakaukyabit sa braso ko.

"Kuya sa McDo"sabi ni Kyle habang buhat siya ni MicMic.

"Okay sa McDo tayo"sabi ni MicMic kaya nagpunta na kami sa McDo.

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon