Chapter 13

3.2K 66 25
                                    

Selena's P.O.V

"Ate Jeya?"may binanggit na pangalan si Kylie pero hindi ko naintindihan. Kilala niya ba itong babae.

"Kylie!"tuwang tuwa 'yung babaeng nakabunggo sa'kin na tunawag ni Kylie'ng Jeya. Nakita kong yayakapin niya si Kylie pero umiwas si Kylie.

"Why did you come back? Ayaw ko sa'yo pinaiyak mo ang kuya namin"mahinang bulong ni Kylie at saka lumapit sa'kin para magtago sa likod ko.

"Kylie. Hindi sinasadya ni ate yun. Halika dito. Marami akong pasalybong sa inyo ni Kyle"maamong sabi nung Jeya.

"Ayoko sa'yo. Bad ka. Ayaw ko sa'yo."paulit ulit na sinabi ni Kylie yun habang nakatago pa rin suya a likod ko.

"Hindi naman sinasadya ni ate yun. Don't worry babalikan ko na ang kuya mo."nakangiting sabi ni Jeya kay Kylie.

"Wag ka ng bumalik. May bago ng girlfriend si Kuya. Mas mabait si Ate Rein sa'yo"nagulat ako sa sinabi ni Kylie. Nakita ko naman si Jeya na nagsalubong ang kilay.

"Ate tara na. Ayoko dito"aya sakin ni Kylie at saka ako hinila papunta sa mesa namin. Pakiramdam ko bumabakat na yung Underwear ko. Kaya inaya ko muna si Kyril na samahan ako sa Botique dito. Si MicMic sana ang sasama sa'kin kaya lang tinanggihan ko kasi walang magbabantay sa mesa namin pati na sa mga bata. Gusto ding sumama ni Kylie pero tumanggi ako. Sinabi ko na babalik agad ako.

****

PAGKADATING namin sa botique na puro clothes. Naghanap ako ng komportableng isuot. Nakakita ako ng Yellow dress. Floral siya at sleeveless. Kaya ayun na lang ang kinuha ko. Sinuot ko na yun pagkapasok ko sa Fitting Room. Nakita kong bagay naman siya sa'kin. Maputi naman ako kaya kahit anong kulay okay lang. Lumabas ako para makita ni Kyril.

"Ate bagay na bagay sa'yo!! Sigurado magugustuhan ka na ni Kuya. Tapos bukas liligawan ka na niya. Tapos sasagutin mo siya,'pag nasa legal age na kayo magpapakasal na kayo magiging ate na kita. Magkaka-anak na kayo tapos magiging tita na ako...Hihihihi"mahabang sabi niya.

Ang advance naman nitong magisip. Umiling iling na lang ako at saka pumunta na kami sa counter para bayaran itong suot kong damit. 'Yung damit kong nabasa nakaplastic at hawak ko. Bumalik kami sa McDo at pagbalik namin. May iba ng nakaupo sa upuan ko.

Lumapit na kami sa mesa namin. Kumuha na lang ako ng bagong upuan at saka tumabi kay MicMic. Yun na lang ang bakante eh.

"Ate you're so gorgeous with that dress. I want to be like you"biglang nagsalita si Kylie. Kumakain siya ng fries habang nakatingin sa'kin. Katapat ko lang siya ng upuan.

Bumaba siya da upuan niya at saka niya pinalipat ang ate Kyril niya doon. Kinuha niya iyong upuan ng Ate Kyril niya at itinulak papunta sa tabi ko. Lahat kami nakatingin sa kanya habang ginagawa niya 'yun.

Kinuha niya din yung fries niya.

Kumuha siya ng isa at isinawsaw sa ketchup at nagulat ako ng itapat niya sa bibig ko iyon. Napakasweet na bata. Parang ako ang kapatid niya ah.

"Ate Rein say 'Ahh'"utos niya sa'kin para masubo ko iyong fries.

Kinain ko na lang iyon. Nakita ko si MicMic na kumuha ng tissue at pinahiran 'yung gilid ng labi kong may ketchup,napatingin ako sa kanya dahil doon. Ngumiti lang siya sa'kin. Ng ibaba niya na ang kamay niya. Hinarap ko ulit si Kylie. Ngumiti ako sa kanya. At saka pinisil ng mahina iyong pisngi niya.

Tumayo siya. Ngayon nakatungtong na siya sa silya niya. Pero nakaalalay ako sa kanya kasi baka biglang mahulog yumuko siya sakin at hinawakan yung dalawang pisngi ko saka hinalikan ako sa pisngi.

"I love you ate"nakangiting sabi niya saka bumalik sa pagkakaupo. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.

Pero naagaw ng atensyon ko si Jeya na nakaupo sa upuan ko. Bigla kasi siyang tumayo.

"Dominic,mauna na ako. Nice to see you,again. See you sa school"nakangiting paalam ni Jeya at saka umalis.

Napakaarte niyang magsalita. Hindi sa panghuhusga pero yun ang totoo.

"Kuya she's so nakakaasar. Napaka kapal ng face para bumalik"naiiritang sabi ni Kyril. Si kyle antahimik. Ewan ko sa batang ito.

"Bakit ba kasi siya bumalik,kuya. Hindi ka niya pwedeng maagaw kay ate Rein. Siya lang ang gusto kong maging ate. Magagalit ako sa'yo kapag pinagpalit mo siya"masungit na sabi ni Kylie.

"Kuya"naagaw ng atensyon ko si kyle na biglang tinawag yung kuya niya

"Yes Kyle?"tanong ni MicMic na nakatingin kay Kyle.

"Diba may boyfriend na 'yun. Kaya hindi ka na niya maagaw kay Ate Rein?"sabi ni kyle ng patanong. Ano bang meron sa mga batang to. Gusto talaga nila ako sa kuya nila eh. Hindi nakakainis nakakatuwa na nakakakilig.

Pero ayokong mag-assume baka mamaya ayaw naman pala sak'kin ni MicMic na hanggang friends lang kami. Na gusto niya pa rin si Jeya na Ex niya.

*****

Natapos kaming kumain nagpunta kami sa Arcade. Gusto daw kasing maglaro nila Kyle.

"Ate,gusto ko noon"turo ni Kylie sa spongebob na nasa claw machine.

Hindi ako marunong maglaro nito. Ghad.

"Baby hindi kaya ni ate yan eh"sabi ko sa kanya. Nakita kong nalungkot yung mukha niya kaya tinawag ko si MicMic.

"MicMic,can you claw that spongebob for me? Please"sabi ko kay MicMic. Naabala ko pa silang tatlo nila Kyle na naglalaro.

"Sure"napangiti si Kylie ng marinig niya yun.

******

"Ate Rein,pwede po bang ito ka na lang matulog? Please. Gusto pa po kasi kitang makasama eh"sabi ni Kylie habang kumakain kami dito sa kanila. Nakauwi na kami. At gabi na din.

Napatingin din sa kanya sina Tita Kyla.

"Kylie,hindi na pwede si ate. Papagalitan na siya. Kaya next time na lang. Pwede ba?"pakiusap ni Tita Kyla.

Kahit malungkot napatango na lang si Kylie.

"Tita,okay lang po. Papasama na lang po ako kay MicMic na magpaalam kina mama."nakangiting sabi ko kay tita Kyla.

"Sigurado ka ba d'yan Rein. Baka naman kagalitan ka na ng magulang mo."sabi ni tito Daryll.

"Okay lang po sa kanila yun tito. Mabait naman po sila eh"nakangiting sabi ko kay Tito Daryll.

"Daddy pwede po ba akong sumama kila Kuya. Ako po ang magpapaalam kay Ate Rein. Pwede po ba?"sabi ni Kylie sa daddy niya. Tumango na lang si tito wala din naman daw siyang magagawa.

Habang kumakain nagtatawanan kami habang nagkukwentuhan tungkol sa childhood ni MicMic.

"Napakaclose niya din sa nagiisa niyang girl bestfriend na EX niya na ngayon. Napakabait din nung bata na 'yun. Nakakamiss lang. Kamusta na nga pala si Jeya? Ha? Dominic."napatigil ako dahil sa sinabi na yun ni Tita.

Parang may tumusok sa puso ko at nakaramdam ng selos. Parang gusto ko na ako lang ang gusto ni Tita para sa anak niya...

Why I am so affected?

***/***

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon