Chapter 2: Who You School

55 2 0
                                    

Lydia's POV

[The Next Day]

Today is very weird, I mean, it is something new. The ambience, the atmosphere, and the human surround's me feels so different.

Ay, Oo nga pala transferee ako. Kaloka, pero sa totoo lang kanina ko pa napapansin, parang pinagtitinginan nila ako, ng mga estudyante.

Kanina, nasa gate ako. Daming nagtitinginan at nagbubulungan at habang nasa hallway ako lahat ng madaraanan ko parang kakainin ako. Makatitig, wagas.

E ano naman? Transferee naman ako. Baka, naninibago lang.

"Hoy! Little brat!" sigaw ng isang babae mula sa likod ko.

Little brat daw. Sino kaya yun? Lumingon ako sa likod at nakita ko ang dalawang babaeng nasa likod ko.

"Hahahah.. Bes, look! Tumingin sya." sabi ng isa nyang kasama.

Aba with matching irap pa. Susuntukin ko talaga to.

"Does it mean sya ang brat?" padudang sagot ng babaeng tumawag ng brat sa akin kanina.

"Teka? Sino ba tinawag mo?" pabulong nitong sabi sa babae.

May tengang daga kaya ako kaya malakas pandinig ko kaya narinig ko iyon.

"Gaga! Sya nga." bulong nito sa babaeng maarteng yun.

"Oh! So confirm sya nga." sabi ng sidekick nya sa akin habang naglalakad palapit.

"Oo bes, Sya nga ang brat. Biruin mo binugbog nya si baby boy ko at may karapatan pa syang ipakita ang mukha nya sa school na to after that?" aba pinariringan na ko nito.

"Teka nga teka! Bago kayo mag inarte. Ano bang pinagsasabi nyo?" Pahumble kong sabi.

Syempre no, I don't want to make troubles na. Isa pa, natatapos palang ako sa trouble kahapon. I need to behave, baka sabihin ng principal na mahilig ako sa gulo.

"Ay! Maangmaangan?" sabay pito sa iba pang mga estudyante.

Palapit sila sa akin. Nako, bakit nila ako pinalilibutan? Ganon nalang ba sya kasikat? Lahat ng to gusto akong gulpihin dahil sa taong yun.

Babatuhin na sana ako ng crumpled scratch papers ng biglang may humarang dito.

Dama ko ang bigat at lakas ng bato nya rito. Alam nyo ba yung larong rally. Yung batuhan, tapos merong isang crumpled paper na created para gamitin upang magbatuhan. Ang bigat kaya nun.

Di rin ako umilag kase napakarami nila, useless pa rin kung ganon ang gagawin ko, kaya nagvow nalang ako at di lumaban. Kasi di naman porket taekwondo player ako matatalo ko sila. Marami sila, isa lang ako. May lalaki sa kanila na higit na malakas kesa sakin kasi babae ako.

Di natinag ang taong humarang dito. Kahit sya yung na bato. In fairness, napakabango nya.

Nahinto ang lahat. Di ko alam kung bakit?

"Stop this shit!" sigaw nya sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Lance, tumabi ka kung ayaw mong masali ka sa gulong ito." sabi ng babaeng naglilider-lideran.

Sya rin yung babaeng tinawag akong brat. Akala mo naman.. Sa asta nya ngayon mas mukha pa syang brat kesa sakin.. At saka, ang bait ko kaya.

"Well, go! Count me in." sagot nito.

Aba, matikas din itong lalakeng ito ha.

"Huh," buntong hininga nito, habang naka ngiti.

Naka vow pa rin ako, pagirl lang. Ano pang kwentang ipagtangol ang sarili kung meron naman aking knight with a machine-gun.

The Player's Rebound and His Affairs [On-going]Where stories live. Discover now