Chapter 1: You Thief Should Be Put in Jail

79 2 0
                                    

Lydia's POV

"Na na nana nana na na nana na na.. yeah!! Na na na nanana ah nana yeah.. Aray." Napalakas ang boses ko habang nag lalakad sa hallway patungo sa room ko habang hina-hum ang paboritong kanta ko. "Dahan dahan naman mister!"

Napalingon sya sabay turo sa kanya. "Ako ba ang tinutukoy mo miss?"

"Ay hindi. Ako ata! Malamang ikaw lang ang mister dito." habang papalapit sa kanya.

"Oh! Teka. Ano bang kasalanan ko?" maangmaangan nitong sagot.

"Ikaw. Teka kukunan kita ng picture! Isusumbong kita sa principal." pananakot ko rito. Pero yung totoo, Ang cute kasi nya, crush ko agad, pero it doesnt mean na malandi agad ako. Konti lang.

Habang hinahalungkat ko ay bag ko ay napansin kong nawawala na ang cellphone ko. Di ko rin ito napansin dahil ang headset ko ay nakasalpak sa aking mp3 player na kulay pink.

"Magnanakaw ka." sabay suntok at sipa sa kanya.

"Aray.. Teka miss ang sakit!" sigaw nito habang paparami na ang mga estudyanteng nanonood sa hallway ng mga panahong iyon.

"Halika dito! Mag nanakaw." hila-hila ang kanyang bag.

"Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka ba? Tatawag ako ng doctor para sayo." sagot nito habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Ah ganon!" tinapakan ko ng pagkalakas-lakas ang kanyang paa.

Namalipit sya sa sakit. Magaling ako sa taekwondo. Black belter ako nung elementary palang.

"Halika.. Halika!" sabay hila sa kanyang kwelyo.

Medyo manly basta ganitong mga sitwasyon at kahit na suot ko itong miniskirt na pasexy at longsleeve na bago kong uniform ay kering keri ko lang sipain ang mga mananakit sa akin.

Kalilipat ko lang ng school dito sa Bataan. Kahit na nasa kalagitnaan na ng school year ay pinalipat pa rin ako ng mama't papa ko dahil nag hiwalay sila. Anong connect nun sa paglipat ko? Pinapipili ako ng parents ko kung saan ko gusto sumama. Pinili ko si mommy at sabi nya dito na daw sya mag e-stay sa Bataan kung saan sya lumaki.

Dito na rin daw nya ipagpapatuloy ang restaurant at pagluluto nya. Mga kaekekang di ko naman gusto. Lalo na ang pagpi-prito ng bangus, ayaw ko talaga.

Sumama lang naman ako sa kanya dahil alam ko na di sya strict unlike my father. Strict na nga babaero pa. Huh!

Anyways, bago pa ko may masabing hindi maganda ay pinutol ko na ang pag iisip sa mga nangyayari na di ko na mababago.

Dinala ko nalang ang mokong na ginulpi ko sa pricipal's office.

"Excuse me principal!" pambungad ko.

"Oh? Anong nangyari sayo iho?" ay mas may care pa ata si principal sa mag nanakaw na ito.

"Excuse me principal. Ako po oh? Nandito ako. Nahuli ko po syang kinuha ang cellphone ko." sumbong ko sa principal.

"Ang pinaghinalaan ay iba sa nahuli."pasabat na sagot nito.

Pinisil ko ng malakas ang sugat nya.

The Player's Rebound and His Affairs [On-going]Where stories live. Discover now