Chapter 5: I'm Fooled

24 1 0
                                    

Lance's POV


"Hannah, lets have a date?" text ko kay Hannah.

Crush ko kasi sya. Di ko alam kung kelan.. basta ang alam ko nung sabihin nyang break na sila ni Lyndon e naging kami na.

"Meet me at 9. Sunduin mo na rin ako." reply nya habang nakahiga ako sa kama.

Hindi ako papasok ngayon. Uunahin ko muna itong babaeng ito. Mas may future ako dito eh.

Sa totoo lang, may time na napapansin kong ginagamit nya lang ako pero anong gagawin ko? Mahal ko e.

Kahit anong galit ko sa kanya nawawala pag inaamo nya ako. Ayaw ko namang mag away kami ng madalas pero napapansin ko. Nagtetext lang sya pag gusto nya. Minsan pag wala na syang makatext. Hindi ko naman pwedeng sabihin na wala syang load kasi nga landline sya.

"Ano gusto mong orderin?" habang binibigay ang menu.

Nandito na kasi kami sa resto kakain, magdadate o kahit anong tawag pa don.

"Kahit ano." medyo pale nyang sagot.

Nag order nalang ako ng lasagna. Wala akong maisip e.

"Sandali lang mag-ccr lang ako ha?" matamlay nya pa ring sagot.

"Teka. Kararating palang natin ah." sabi ko.

"Bakit? Madidiktahan mo ba ang pantog kung kelan sya ma-iihi?" pilosopong sagot.

Tama naman sya. Umalis sya at naiwan nya ang CP nya sa table.

Kinuha ko ito at binasa ko mula sa baba.

"Lyndon.. Dad.. Ano ba tong mga message nya." iniscroll ko pataas. "Maynard, Jason.. Sino kaya to."

Binasa ko ang convo nila ng Maynard na iyon. Mukhang ka-fling nya.

Hindi ko nalang ito dinelete kase nga mapapasin nya. CP nya yun, hindi sakin. Invasion of privacy rin ang ginagawa ko.

Binasa ko naman ang text nila ni Jason.

"Babe, I love you." text ni Jason.

"I love you too.." reply ni Hannah.

Iniscroll ko pa pababa. Parang pabaliktad kasi etong cp na to. Palaging nagsisimula sa tuktok ang mga convo.

"San ka ngayon?" text ni Jason.

"Makikipag date muna ako sa rebound ko para naman magselos si Lyndon." reply nya.

Umalis nalang ako habang pinipigilan kong umiyak. Of course, even heroes have their weakness and they even cry sometimes. Ako pa na tao lang at walang powers.

Dumaan muna ako sa Bench para bumili ng pamalit ko.

"Eto." sabay hablot sa hoodie na nahawakan kong kulay black.

"Miss.. Ito nga." malamya kong sabi sa counter.

"Sir 1 580 po." singil naman nito sakin.

Inabot ko agad ang bayad at pumunta sa fitting room. Idodoble ko sana ang polo ko pero mainit kaya hinubad ko nalang ito at sinuot ang hoodie.

Paglabas ko ay tinapon ko nalang ang Levis kong polo.

"6:30 na pala, kanina pang 10 ako dito ah. Uuwi na nga ako." sabay tayo sa lamesa kahit medyo nahihirapan dahil sa kalasingan.

The Player's Rebound and His Affairs [On-going]Where stories live. Discover now