TWO

76 4 3
                                    

Jane Cruz

* * *

"Ang tagal mo naman!" Sigaw ni mama sa baba.

"Heto na po..." Binilisan ko ang pagbaba ko sa hagdan at pumasok sa car.

Gwapo kaya tong pinsan ko? Sana type ni Kris, para naman makamove on na sya. Sabi ni mama yung mommy nya at papa ko magpinsan, that makes us cousins.

Nagstop yung car sa may blue gate. Finally, we're here! Nagdoorbell si papa at lumabas si tita with a girl. Sila na kaya to? Ang alam ko lalaki anak niya eh.. Hay akala ko pa naman.

"Halika, pasok kayo..." Sabi ni tita.

"Nicole, Samahan mo na pinsan mo sa kwarto mo. Tawagin mo na rin kapatid mo." Utos ni tita kay girl. Nagsmile ako sa kanila at kinuha ni ate Nicole kamay ko papunta sa loob.

"Hi! I'm Nicole C. Santiago. 17 yrs old." Sabay smile.

Nagsmile ako, "Hello Ate Nicole! I'm Jane Cruz. 16!" pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Ate Nics nalang! Nice to meet you!" Sabi niya with glee. Pumunta kami sa isang kwarto. Sumilip kami ni Ate Nics sa labas ng kwarto, may nakahigang lalake hawak hawak niya yung phone nya. Nakatitig lang dun ng ilang minuto at binuksan na ni ate Nics ang pintuan with a loud 'BAM'.

Nagulat ung lalaki, "Ate! Sabi ko wag ka papasok bigla sa kwarto ko!!!" Sigaw nung lalaki.

Umakbay sa akin si Ate Nics, "Pinsan natin." Sabay turo sakin ni Ate Nics.

"Hi! Ako si Christian." Wow! Parehas pa sila ni Kris. Ay! Pwede pwede.

"Jane." Sabi ko naman sakanya.

*AWKWARD SILENCE*

"Ano ba yang tinitignan mo sa phone mo?" Tanong ni Ate Nics sabay hablot sa phone ni Christian.

"Wala To Ate!!! Ate Nics!!!" At ayan nagrambolan po ang magkapatid. Nagmukha naman akong referee sa kanila.

"Na kay Ate Nics po ang phone at ngayon hinihila po ni Christian ang kamay ni Ate Nics. Agaw effect naman si Christian-- Hala! Talon pa talon! Na kay Christian na po ang phone. Ngayon sumakay si Ate Nics sa likod ni Christian at hinablot ang phone! At bigla nalang po sila natumba tawa ng tawa na parang baliw! It's a Tie folks! It's a Tie!" Katawa namang 'tong mga pinsan ko.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko sabay tawa.

"Oo naman insan!" Sagot ni Ate Nics sabay tawa rin.

Biglang ng cross arms si Ate Nics, "So sino nga yang nasa picture ng phone mo? At bigla mong kina-adikan?" Tanong ni Ate Nics kay Christian.

"S-si Trisha! Yung G-girlfriend ko!" Sagot naman ni Christian ng pautal. Hayy taken na sya, pede pa naman sana sila ni Kris.

* * *

So yun nag-enjoy naman ako sa stay. At hindi ko naman pala pwede ipakilala kay Kris si Christian kase taken na :( Kase, kung magkagusto man si Kris sakanya... ehh, wala din kase mab-bh lang sya. Hayy... Ayos lang yan! May next time pa! Soo... We said our goodbyes chena chena chena...

Kris Calling...

Kris: Ja! Di ka maniniwala sa sasabihin ko!

Ako: Ano yun?

Kris: May ngayon...

Ako: Oh?

Kris: SantaCruzan.

Ako: Ano nga?

Kris: Reyna Elena...

Ako: Oh tapos?

Kris: Ako yung napiling Reyna Elena!!!

Ako: OMG! I'm so proud of you!

Kris: Kita tayo bukas! Sa bahay!

Ako: Gege! Bye!

Kris: Ay oo nga pala! yung 'meeting your pinsan eclavuh'?

Ako: Ahh wala chaka! Hahaha

Kris: Ay hahaha tulungan mo ko bukas!

Ako: Sige! Haha bukas nasa pintuan niyo nako pagkagising mo hahaha

Kris: Sige! Yieee Thank you! :) Byee

Ako: Bukas! haha See you!!!

End Call...

Nagka-appointment pa tuloy ako sa kaibigan ko.

Jusko buti pa 'tong babaeng 'to magiging reyna elena tas ako eto nganga. Sus Lord sana maging produ-

Oh my gosh!!! Anak ng-

"Sorry miss. Sorry talaga." Ika ng lalaking nakabangga saken.

Pung pagsasalita niya may accent. Pero hindi ako madadala sa mga accent accent na yan.

Tinignan ko yung kaninang malinis na damit ko na ngayon ay nabuhusan ng softdrink.

"Mapapagalitan ako neto!" sabi ko sa sobrang irita.

Tinignan ko yung lalaki. May kagwapuhan. Hindi, sobrang gwapo talaga siya pero parang kaugali lang ng mga lalaki sa kanto namin.

"Sorry talaga miss. I didn't mean to do it. Ikaw kase dapat tinitignan mo dinadaanan mo." Aba at ako pa ang may kasalanan.

"Teka ikaw ang nakabuhos ng softdrink sa damit ko tas ako pa ang may kasalanan. Aba ayos ka din ha." sigaw ko with a mocking laugh.

Biglang nagring ang phone niya, "Uhm miss, sorry ulit. Pero I got to go. Next time na lang ako babawi. I just have to go." sabi niya at nagmadaling umalis.

Aba talaga nga naman. Sus mga lalaki talaga. Hay jusko!

Kung si Kris may someday ako next time? Inext time niya yung mukha niya. Dahil sa next time na makikita ko siya, hindi lang softdrinks itatapon ko dun, ipapakulo ko yung tubig dun sa NAWASA tas ibubuhos ko sa kanya! Bwiset!

Hay nako! Ugh pero sana talaga someday... Makamove on si Kris. Balang araw... May maa-addict rin sayo gaya ng pagka-addict mo sakanya. Tiwala lang gurl.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon